Chapter 1: Coffee Jelly

213 8 4
                                    

"Oo na. Hindi na ko mahal nun. Ge bye!!"Sabi ko kay Andrei sabay kaway.


"Hay nako Cassey. Alam mo kung di kita kilala, baka napagkamalan ko kayong may affair ni Andrei."


"Oo nga. Baka magkatuluyan kayo niyan." Nasamid ako sa sinabi ng dalawang babae na katabi ko.


Ay, ako nga pala si Cassey Ricchae Perez. 15 years old. 3rd year student pero yung height ko? Sad to say kasi pangElementary siya. Mga pang-Grade 6 ganon. Yung lalaki kanina? Si Andrei Jan T. Villarreal. Boy best friend ko. Yung dalawang babae naman? Si Franchezca Vanessa Kiera Mae D. Fajardo at Beatrix Shaylene A. Dela Cruz. Best friends ko naman. Nandito kami sa School Canteen. First day kasi ngayon and lunch break.



"Oo, babawi nga daw siya sakin eh." Kinikilig si Shay habang nagkukwento. May boyfriend kasi to and mahal na mahal nila yung isa't-isa. Kinikilig nga ko sa love story nila eh.



"Dapat lang." Straight na sabi naman ni Kiera. Eto yung Hopeless Romantic saming tatlo. NBSB like me.



"Ahh Shay,Kiera. Kukunin ko lang yung inOrder natin."Sabi ko. Tumango naman silang dalawa at tumayo na ko.



Tamang disiplina kasi tinuturo dito kaya dapat ikaw mismo magaAntay at kukuha ng pagkain mo. Parang sa love, kailangan mong mag-antay at paghirapan yong makuha kasi ang bagay na pinagsumikapan,may magandang kakalabasan.


Kinuha ko na yung order naming tatlo. Naglalakad na ko papunta sa table namin nung nakita ko yung crush ko. Si Calvin V. Peralta. Ang guwapo niya talaga. Longtime crush ko siya eh. Since 1st year. Ang bait kasi niya tapos guwapo pa.Perfectio---



*sound ng nagkabungguan*(A/N:Wala pong budget pangSoundEffects )



"Sh*t. Bat ba di ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Omg. Sino yun?! Tapos tumingin ako sa harapan ko. Nakita ko yung lalaking nabunggo ko.



At nakita ko rin yung sarili ko. Basa ng coffee itong uniform ko. Yes, blouse pababa hanggang palda. Yun yung inorder ko na Coffee Jelly. Hala :3 At dahil uminit yung ulo ko gawa ng basa kong uniform at natapon kong coffee...



"Sorry kuya ha, pero I think you're forgetting something. See this stain? Ikaw may gawa nito. So if you won't pay for my Coffee Jelly. I'll pour this two other glasses to you. Saka you don't have the rights to cuss at me. Now,pay for the damage you'd done."



"Bat ba kailangan pa?" Tapos umalis siya. Tsk. Nakakapang-init ng ulo to ah!! Nilapag ko yung tray dun sa table namin nila Shay at sinundan yung mayabang na lalaking yun kasi madaming tao dito sa canteen.


Hindi ko talaga dapat susundan kaso ayun nga, madaming nakakita at kasama na don si Calvin. Mapapahiya ako eh kaya ayun, sinundan ko.



"Hoy!" Tapos tumigil siya at humarap sakin. Infairness, ang guwapo pala nito. Pero nevermind ang kaguwapuhan kung kagandahang-asal ang kakulangan. Hayst.



"Ano bang kailangan mo?!"



"Bayaran mo yung natapon kong kape."


"Ayoko."



"Bayaran mo"


"Ayoko."


"BAYARAN.MO"


"AYOKO. A-Y-O-K-O. Naiintindihan mo ba yun? Ha? Saka first of all, hindi ko kasalanan. It's your fault. Ewan ko kung san ka nakatingin pero kasalanan mo."




"Alam ko ang spelling ng 'ayoko', no need to spell that in front of me." Tinignan ko siya ng masama,"And it's definitely not my fault. Alam mo naman palang nakatingin ako sa kung saan eh, bakit binangga mo pa ko?"



"Basta hindi ko---H-HOY!! A-ANONG GINAGAWA MO?!" Bigla siyang sumigaw. Tinanggal ko yung blouse ko pero may T-shirt ako sa ilalim. Tumingin ako sa kanya ng nagtataka.



"What do you mean sa 'Anong ginagawa mo?'" Inabot ko sa kanya yung blouse ko at pinakita yung stain ng coffee," Nakikita mo? Tsk. Labhan mo to. And give me 100 pesos. In exchange for the damage you've done."


"A-akala ko nagtatanggal ka ng damit--"



Binatukan ko siya,"You perv! Ang dumi ng isip mo! Another 50 pesos now. 150 pesos total." Nanlilisik na yung mata ko non. Ang pervert. Tsk.



"Bibilhan na lang kita ng bagong coffee at blouse."


"Thanks. Pero 50 pesos for the damage." Tapos nagPout siya. Kaya napatawa ako.


"Anong nakakatawa?" Sabi niya na masama ang tingin.



"HAHAHAHAHAHAHA. Y-yung HAHAHAHA Yung pout mo kasi!! HAHAHAHAHA" Tumawa ako ng tumawa pero siya nakatingin lang sa baba. Nakakaawa siya tignan kaya tumigil na ko sa kakatawa. May konsensya rin naman kasi ako sa katawan. Hayst Cassey. Why so bad?


"Uhmm sorry. Dapat di kita pinagtawanan. Wag mo na kong bayaran. Yung kape at blouse na lang." I told him with a smile.



"You feel guilty? Hahaha. Ang dali mong maawa. Huhulaan ko, uto-uto ka no? Feeling mo babayaran ko yung blouse at coffee mo? Hell, no. Tss. Dyan ka na nga." At umalis siya. And I was like:left here dumbfounded.


Nakakaasar tong lalaking to!! Tsk. Kilala niya ba kung sino ako? Sana makita ko ulit siya, nang makabawi ako at maipaalam ko sa kanya na he messed up with Cassey Ricchae Perez and I will be his greatest nightmare.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon