Time skip. August na agad. Ang layo no? Pero ganun talaga. Kailangang kalimutan ang nakaraan.
Magkatabi kami ni Darren ngayon. Ginagawa ko yung project niya. Ang galing niya no? Samantalang siya, eto nakikinig ng music. Sarap hampasin ng cellphone. Tsk.
Pero aaminin ko, nahuhulog na yung loob ko sa kanya. Una dinedeny ko pa pero nung kalaunan narealize ko na wala na, nahulog na ko.
Pano ba naman kasi, nagsabi siya ng mga problema niya sakin. Nagulat ako nun kasi maling-mali ako sa pagJudge sa kanya, he's good in the inside naman eh.
Madalas din kaming asarin sa room. Palagi kasi kaming nagsisigawan at nagaAway kaya ayan, inaasar kami. Magulo kasi tong Darren na to. Bigla-bigla magsasalita eh wala naman akong pake. Tapos slow daw ako. Tsk. Kaya ayan, di kami magkasundo pero gusto ko pa rin siya kahit ganoon kami lagi.
Ang martir ko na nga siguro kasi tinutulungan ko pa rin siya kay Trisha. Pinaglalapit ko sila lagi, sa mga projects at sa mga kung ano-ano pa. Lagi ko rin siyang kinukwento kay Trisha.
Okay lang yun, basta masaya siya, masaya na rin ako. Ang corny para sa isang babae. Hayst. Ang sadlife ko tuloy.
"Ano ba yan Cassey? Masyadong pambabae." For the nth time, nagrereklamo na naman siya.
"Eh kung iTry mo kayang tulungan ako dito. Ano ba kasing pumasok sa utak mo at di mo to nagawa kahapon?"
"Si Trisha." Uh-oh. Medyo kumirot puso ko dun pero okay lang naman.
"Tsk. Tama na kasi yan. Tingnan mo, naaapektuhan yung studies mo. Tapos ako pinapahirapan mo ngayon, imbis na tapos na to at naipasa na, ano? Ginagawa KO pa lang. Hindi mo na nga ko tinutulungan, nagrereklamo ka pa. Buti sana kung papasa ka pag inisip mo si Trisha." Alam ko ang bitter pakinggan nun pero totoo naman kasi. Napatingin sakin si Darren ng seryoso pagkatapos ng sinabi ko. Saka nagsalita.
"Sorry." Then tinabi niya yung cellphone niya saka ako tinulungang magDesign dito sa project niya.
Sa wakas, natapos din namin yung project niya, mukhang mas maganda pa yung sa kanya kaysa sakin. Hayst. Pero okay lang. Ayos lang basta para sa kanya---oops. Ano yung sinabi ko? Nevermind that.
"Ano? Tara na. Lagyan mo ng pangalan mo." Tumango siya at sinulat na yung pangalan niya dun sa project niya. Umakyat kami sa room nung subject teacher niya para ipasa yung project ni Darren.
"Oh? Perez? Bakit?" Nagtatakang tanong ni ma'am. Hindi ko naman kasi ugaling sumulpot sa room niya, ngayon lang talaga.
"Ipapasa lang po sana namin to. Medyo naLate po kasi pinahabol pa niya sa service niya. Kay Darren Vergara po yan." Gosh I lied. Tumingin si Ma'am kay Darren saka sakin. Then ngumisi. Hala? Nahalata ba ni Ma'am na hindi totoo yung sinabi ko?!
"Ma'am?"
"Wala. Sige na at marami akong gagawin." Umalis si Ma'am at naiwan kami ni Darren dito sa may taas. Mukhang hindi naman nahalata ni ma'am. Good thing.
Pumunta ako dun sa may railings. Mahangin. Wow. Wala naman kaming teacher kaya pwedeng gumala-gala. PinagreReview at pinapatapos kasi sa mga estudyante yung mga kulang na requirements para sa 1st Quarter. Tumabi si Darren sakin.
Ang tahimik. Di ako sanay. Tapos nililipad pa ng hangin yung buhok ko. Tsk. Kulang na lang music tapos mukha na talaga tong music video. Buti na lang nagsalita na si Darren.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Teen FictionLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...