Ang sakit pa rin nung paa ko. Nakakaasar na heels yon. Ang hirap-hirap maglakad.
"*sobs*"
"Tara na nga/Halika na Cassey/Bubuhatin na kita."
Napatingin ako sa tatlong DemiGod na nasa harapan ko. Sino-sino? Namely Andrei, Calvin at Darren. Seriously?
Well, nagdugo kasi yung talampakan ko dahil ata sa heels. Eh masakit. Masakit talaga. Bat ba kasi hindi ako sanay magHeels?
Tapos ngayon? Umiiyak ako. Mahapdi eh. Then etong tatlong to. Sabay-sabay pa na nagsalita. Kumakanta ba sila? Mukha ngang hinihintay nila ang sagot ko. Kung makatingin kasi sakin akala mo kakainin na ko.
Tumingin ako kaila Kiera at Shay biglang sign ng paghingi ng tulong. Buti na nga lang naGets nila.
"K-kami ng bahala kay Cassey." Sabi ni Kiera. At ayun nga, end of story.
So eto ako ngayon, nakaupo sa kama. NakaBandage pa kasi yung kaliwa kong paa. Kung tatanungin niyo kung paano ako nakauwi? Well.
"Ako na maghahatid kay Cassey" -Calvin.
"Mas karapatan akong maghatid sa kanya."-Darren.
"Nandito yung bestfriend."-Andrei.
"Basta ako maghahatid."- Calvin.
"Ako sabi eh."-Andrei.
"Bat ka ba nakikisali dito?!"- Calvin.
"Wag na kayong mag-away, ako maghahatid kay Cassey."-Darren.
"Ano ba Darren?"-Calvin
"Ano ka rin." Nilapitan ako ni Darren at nagAnyong bubuhatin ako kaso bigla siyang kinuwelyuhan ni Andrei. At bago pa ito humantong sa away eh aawatin ko na hanggat maaga.
"Hep hep! Uuwi ako mag-isa. Gets niyo yun? Kaya wag kayo magAway. Ihahatid ni Cassey si Cassey! Ayos ba?"
Tumayo ako at sinenyasan sila Kiera na I'm okay. Dumiretso na rin ako sa may labasan nun. Sumakay ng tricycle at nagpahatid hanggang sa bahay. Buti na lang at may pera pa ko kaya nakapagSpecial ako.
See? Hindi naging masaya ang ending. Pero masaya naman ang content. Ang sakit pa nga rin talaga. Buti at walang pasok ngayon. Syempre Sabado eh.
Naligo na ko at nagbihis. Bahala silang tatlo. Mga sakit sa ulo. Magpapabebe muna ko ngayon. Aish. Pero kung hindi rin naman dahil sa heels eh baka hindi rin ako nainis sa kanilang tatlo. Pero mali rin naman sila.
Nagbabasa ako ng libro nung biglang may magtext.
From: Calvin
Goodmorning my princess. Eat your breakfast. ❤
Ay? Bakit may puso? Shemay. Nakakainlove. May sumunod pang nagtext.
From: Andrei
Hoy, bumangon ka na. Tulo-laway ka na eh. Kadiri. Pagalingin mo sugat mo ha? Kumain ka na rin. Buto-buto ka na eh.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Teen FictionLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...