Chapter 4: Sparks

100 8 3
                                    

(A/N:Naks. May nagbabasa na pala nito? HAHAHA Thank you poo. Pagpasensyahan niyo na po kung medyo magulo.)



***



"Hay nako. Ang yabang niya!!" Sabi ko kaila Shay at Kiera. Lumipat ako ng upuan eh. Mabait kasi akong bata. Wag tutularan ha?




"Pero pumayag ka naman sa kondisyon niya? How is that?" -Shay




"Eh kasi naman. Bat di ako papayag? Nakakaawa kaya siyang tingnan!"




"Pero di mo akalain na pinagtripan ka lang niya?"-Kiera



"Yup! And he's super mayabang!! Siya pa may ganang magsabi na uto-uto ako! What?! Ako na nga tong nagmalasakit tapos ako pa uto-uto?!" Tapos tinawanan ako nitong dalawa. Seryoso? Kaibigan ko ba tong mga to?



Tinitingnan ko lang silang tumawa ng bigla akong IExcuse ni Andrei. Free time kasi ngayon eh. Walang teacher.



"Oh?"




"Ganda mo bumati.Tsk."



"Oh. Thank you! HAHAHAHA. Pero bakit ka pumunta dito? Anong meron?"




"Wala lang. Vacant kasi kami. Eh iniisip ko baka lonely ka na naman." Ahh oo, I was a lonely girl back then. Tapos si Andrei lang yung lagi kong kasama.




"Buti di ka nagsasawa sakin" Ngumisi siya nun tapos sinundan ko siya papunta sa may hagdanan at doon kami nagkuwentuhan.




"Hahaha bakit naman? Pero seryoso? Okay ka lang ba sa room mo?"



"Sa room, okay naman ako. Nakilala ko sila Shay at Kiera. Diba kilala mo si Shay?" Tapos tumango siya kaya nagtuloy lang ako sa pagkukweto.





"Tapos ayun, medyo nakakaPressure kasi nasa mataas kang section. Na parang unting pagpapabaya mo lang, pwedeng bumaba ang ranking mo. Saka ano. Kilala mo si Darren diba?" Tumango siya kaya ayun,kinuwento ko na sa kanya lahat.




Mula sa pagsira ni Darren ng First Day ko hanggang sa pagtripan niya ko kahapon. Diba sinabi niya na magpapatulong siya? Eh hindi pala. Pinagtripan lang ako. Nakakaasar. Nasabihan pa tuloy ako na uto-uto. Tsk.




Pagkatapos ko magkwento, tiningnan ko si Andrei na nagpipigil ng tawa. Tsk. Seriously?! Nakakatawa ba talaga yun?



"Tumawa ka kung gusto mo tumawa. Mahirap pigilan yan, parang pagmamahal, kung pilit mong itatanggi, lalo pang lalaki."




"HAHAHAHAHA! Cassey naman kasi! Bat ba napakaUto-uto mo? HAHAHA!!!" Tsk. Ako pa yung uto-uto ngayon?




"Andrei naman eh."



"Sorry na Cassey! HAHAHA So ano? Sunduin na lang kita dito mamaya ha? Pakabait ka dyan." Then pinat niya yung ulo ko at umalis na. Hayst.




Ganyan naman lagi, pag may aalis,may maiiwan. Pero alin ba ang tama? MagStay sa Same Ground at pannoorin siyang umalis? O umalis din? Alin ang mas tama?





Hay nako Cassey. Gutom ka lang ata.





Pumunta na lang ako sa canteen at kumain. Busy ako sa pagkain nitong inOrder ko na Hotdog in Bun nang may guwapong lalaki ang tumayo sa harap ko. Owemgee. SI CALVIN!!!!! Bat siya nasa harap ko?! Hala Cassey, anong gagawin mo? Nakatitig siya sakin! Waaah!! Anong gagawin ko---




"Miss? Miss?" Bigla akong natauhan dahil sa boses niya. Yung boses niyang super manly. Oh God.




"A-ano yun?"




"Pwede ba kong makiupo dito sa table mo?" Hala? Anong sabi niya? Nabingi ata ako dun.



"A-ano ulit yun?"




"Kung pwede akong umupo dito? Uhmm Miss, okay lang kahit--"




"No! You can sit here!" Kyaa. Di ba talaga to panaginip? Katabi ko na ang Prince Charming ko! Tiningnan ko yung ibang table and as far as I can see, puno lahat.



Gusto ko na talagang sampalin yung sarili ko kasi hindi ko alam kung panaginip pa ba to. At naiilang din ako kasi nga diba? Yung canteen incident.




"Miss? Naiilang ka ba?" Oo. Naiilang ako. Naiilang ako kasi katabi kita.



"No! Uhmm, nagtataka lang kasi ako kung bakit ang daming tao dito ngayon."




"Ahh. May meeting kasi ang mga teachers. Di ka ba informed?"




"H-hindi eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo. Hayst. Napahiya na ba ko? NaTurnOff na ba siya?




"Cassey? Ang cute." W-what did he just say? Cute daw?




"Ang cute nung name mo. Nakita ko sa I.D mo." Sabi niya na parang nabasa ang utak ko. Tumango na lang ako dahil sa sinabi niya. What else can I do?




"So? III-A ka pala."




"Oo eh. Ikaw?"




"III-C ako eh. Kaklase ko si Andrei. Diba close mo yun?"





"Oo eh." Then tumahimik ulit. Ano ba Cassey? Kausapin mo siya! Grab the chance!!




Hanggang sa natapos kaming kumain, di na kami nagUsap. Sayang naman. Di ko masyadong nalasap yung moment. Aish. Hindi naman kasi naInform na makakatabi ko pala yung crush ko!!!




"Uhmm. Ano? Ihahatid kita sa room mo."





"S-sige." Tapos tumayo siya at hinatid ako sa room. Habang naglalakad kami, siyempre hindi maiwasan ang mga tingin ng mga tao lalo na yung mga fans ni Calvin. Hayst. Nako, baka pagkaguluhan ako nito.




"Salamat." Sabi ko kay Calvin and ngumiti siya. Gawd. That smile. Tumalikod na ko nun kasi hindi ko na mapigilan ang sarili ko.





Pagkapasok ko ng room, ganun pa rin naman. Dumiretso na lang ako sa may upuan ko. Tinitingnan yung mga kaklase ko. May masaya, may mag-isa, may lovers. Hayst.





Nang mapadako yung tingin ko kay Darren. Nakaupo lang din siya tulad ko. Tsk. Pero di ko talaga siya mapapatawad sa ginawa niya sakin kahapon.





"Hoy."




"Ano?" Taas-kilay na tanong ni Darren





"Bat ang init ng dugo mo sakin at lagi mo kong pinagtitripan?"




"Wala lang."




"Tsk."



"Pero Cassey, seryoso na ako. Pwede mo ba kong tulungan kay Trisha?"




"Tss. Pinagtitripan mo naman ako eh."



"Hindi. Seryoso na talaga ko Please Cassey. Please.Gustong-gusto ko talaga siya eh. Sorry talaga sa pangtitrip ko sayo. Basta tulungan mo ko." Mukha naman siyang sincere eh.




"Oo na. Tutulungan na kita."



"Salamat." Then nagApir kami.



Bat ganun? Bat iba tong nararamdaman ko? Bat parang nakuryente ako ng nagApir kami? Tsk. Baka kulang lang ako sa kain.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon