"BIBITAWAN NIYO SILA O BIBITAWAN NIYO SILA? O baka gusto niyong makatikim pa kayo sakin?"
Nabitawan ako nung babae kaya napaLanding ako. Ang sakit ah. Namumula yung mga babae. Bakit kaya? Teka? Sino ba yon? Nakatalikod siya samin at kinakausap yung mga babae. Rinig nga dito eh. Grabe, sino siya.
"Isang beses pa na makita kong sinasaktan niyo sila Cassey at itong mga kaibigan niya, kayo malalagot sakin. Naiintindihan niyo?"
"O-opo." Halos nanginginig na yung mga babae. Kawawa sila. Sino ba to? Ang sakit ng binti ko eh. Ano ba ginawa sakin nung babaeng yon?
"Now. Get lost. Kayo rin." Tinuro niya yung nakapalibot samin. NagsiAlisan din sila. Oh wait. Sila Kiera!!
Naiyak si Kiera don sa isang tabi. Nilapitan ko agad siya. Hindi kasi siya sanay sa ganto eh. First time pa nga ata niya to.
"Kiera.. shhh." Niyakap ako ni Kiera and ganun din yung ginawa ko sa kanya. Hayst. Feeling ko tuloy---ay hindi. Ako pala talaga may kasalanan nito, hindi lang feeling. Hayst.
"Cassey? Okzay ka lang? Tara." Si Shay. Tinayo niya kaming dalawa ni Kiera. Tsk. Baka maDetention pa kami nito-- ay mali. MadeDetention talaga kami.
"Cassey? Ano? May masakit ba? Dadalhin ba namin kayo sa clinic?" Siya. Siya yung tumulong samin. Hindi ba ko namamalikmata?
"Calvin?" Oo. Si Calvin. Nanaginip ba ko? Hindi naman siguro kasi may mahapdi pa rin sa binti ko.
"Nako Cassey, nagdudugo oh. Halika na nga." Binuhat niya ko tapos kasunod namin si Shay at Kiera. Bat ba ko binuhat nito? Saka anong nagdudugo?
"C-Calvin.."
"Shhh. Di ka madeDetention. Ako ng bahala na magpaliwanag kay mama. Yung dalawa mong kaibigan. Ayun at nasa clinic na."
"T-thank you." Oo, mama niya yung may-ari ng school kaya yun din yung principal. Ang yaman no? Nakita ko sila Shay na pumasok sa clinic. Hayst. Nadamay pa tuloy sila.
Pinaupo ako ni Calvin dun sa upuan sa clinic. Dun ko lang napansin na kaya pala mahapdi yung binti ko kasi may sugat. Grabe naman pala yung babaeng yun, ang sakit nung sugat ko.
"Ano? Ayos ka lang?" Sabi niya habang ginagamot nung nurse yung sugat ko.
"O-oo. T-thank you saka sorry."
"Hala? Cassey, wala yun. Ikaw pa ba? Yung mga kaibigan mo, ayun sila oh." Tinuro niya sila Kiera at Shay na nagHi din agad samin. So ako lang pala talaga yung may sugat.
"Okay na siya. MagIngat na lang ulit sa paglalakad." Sabi nung nurse na nakangiti kay Calvin. Break naman ngayon eh kaya okay lang. Mamaya pa yung next subject.
"You're gonna stay here ba?"
"Oo. MagaAyos pa kami nila Shay."
"Sige Cassey ha, pupunta lang ako sa roo-"
"Calvin, wag mo na palang banggitin to kay Andrei, papagalitan ako nun eh." Di kasi to pwedeng malaman ni Andrei, magagalit yun eh. Ayaw niya kasing nadadamay ako sa mga gulo. Protective bestfriend kasi.
"Sige." At umalis pa siya. Pinat pa niya yung ulo ko. Pinanood ko lang siya umalis.
"Ayieee. Kinikilig siya oh." Inasar na naman ako nitong dalawa. Yung mga ngiti nila. Hay nako.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Teen FictionLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...