"Sila ang gitnang uri na tinatawag na mga bourgeoisie ashdlqksc.."
Social studies ngayon. Nakakaantok. Ewan, nagiging estudyante na talaga ako.
Inaantok pag may klase, may doodle ng pangalan ng crush sa likod ng notebook. Walang dalang papel. Nagiging tunay na estudyante na talaga ako.
Tinitigan ko ulit tong pangalan ni Calvin na nakasulat sa likod ng notebook ko. Ang cute ko daw HAHAHA Nikikilig akooo.
"Cassey.." Tawag nung kaklase ko sakin. Hala, eh terror pa naman tong teacher na to. Pero kawawa tong kaklase ko eh.
"Bakit?" Pabulong ko lang sinabi. Tinuro niya si Ma'am. Omg. Katapusan na ba ng buhay estudyante ko?! Nakangiti yung teacher namin! Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti!!
"Cassey, you will be the representative of III-A for our quiz bee." T-teka..ano yun? Anong sinabi ni Ma'am?
"You will be the representative of your section for our quiz bee."
"You will be the representative of your section for our quiz bee."
"You will be the representative of your section for our quiz bee."
Ahh,representative lang naman eh. Wait?! Representative?! Ako?!
"Ma'am bat po ako?"
"Eh hindi ba ikaw rin yung nanalo last year? Well, it seems obvious naman siguro kung bakit ikaw pinili ko?"
Natameme ako sa sinabi ni Ma'am. Whoo! Ano ba to. Another kind of pressure na naman. Kailangan talaga na manalo ako. Pero baka nagLevel-up din yung ipanglalaban ng ibang sections.
"Kelan po ma'am?"
"3rd week,Thursday." Sabi ni ma'am na sobrang kampante.
Hay nako. Magawa ko pa bang manalo ulit? Yung last year kasi, sobrang hirap din nung pinagdaanan ko nun kasi ayaw magpatalo nung dalawang contestants na nakaTie ko. Pero nanalo naman ako.
InAnnounce lang yun ni Ma'am tapos umalis din siya agad. Hindi naman ako kinakabahan, nagaAlala lang ako sa magiging resulta. Saka sa magiging reaksyon ng mga tao. Ayoko kasi silang maDissapoint. Hayst.
"Kaya mo yan Cassey!!" - Shay.
"PagPray ka namin! Galingan mo ha?" - Kiera.
Months na rin ang lumipas pagkatapos nung kay Trisha and mas naging close pa kaming tatlo. Sa lagay namin ngayon, parang daig pa namin ang magkakapatid eh. May beneficial effect din pala yung nangyari non. Actually after non,naging okay lahat eh. Saka friends pa rin kami ni Trisha, although hindi na ganun kaClose. Nagtaka nga si Darren nun pero nasanay din siya.
Mabilis lang ang oras kaya nung uwian na, kinausap ako ni Andrei.
"Cassey! Maglalaban pala tayo sa quiz bee!!" Pagyayabang ni Andrei. Dahil trip ko siyang gantihan.
"Sige lang." Ngumisi ako pagkasabi ko nun.
"Tss. Gustong-gusto mo na naman kasi tatalunin mo ko?" See? Pikon agad. Saya talaga pagTripan nito.
"Joke lang. Goodluck!!" Tapos nagBye na ko sa kanya. Sila Darren kasi lagi kong kasama pauwi, papasok lang si Andrei.
Si Darren? Dumistansya ako pero yung onting distansya lang. Yung tipong hindi na ko masyadong nalapit sa kanya pero pag kinausap niya ko, kakausapin ko rin siya. Ganun lang kasi ayaw ko naman na masyadong IPriority si Tricia. Hindi naman ako ganun kaStupid by para sundin siya. Hindi ko isasaalang-alang yung friendship namin ni Darren, kasi di lang ako maapektuhan nun. I'm sure na malulungkot si Darren.I admit na gusto ko pa rin siya, kahit na kay Calvin ko inaatupag yung oras ko, si Darren pa rin yung gusto ko. Hayst.
"Kaya mo yan." Nagulat ako kay Darren na biglang nagsalita.
"Yung ano?"
"Yung quiz bee. Pag nanalo ka don, iTreat kita. Tapos pwede kang magpaTutor sakin sa Math? Gusto mo yun?" Wow!! Tutor sa Math!! Eh ang damot-damot niya magturo! Waaah!! Sasamantalahin ko too!!
"Sige ba! Deal!"
****
This is it pansit. Kinakabahan talaga ako. Pagdating ko sa school, nakita ko agad si Andrei na nagbabasa. Waaw. NagAral talaga sila. Ang dami ko palang tatalunin dito.
Tumabi ako kay Andrei na busy sa pagbabasa. Tinignan niya lang ako sandali tapos nagbasa ulit. Nako naman, wala bang papansin sakin dito?
Tumungo na lang ako dito tapos naghintay na lang. Pilit kong pinapakalma yung sarili ko. Kailangan ko ng concentration mamaya. Kinakabahan ako hindi dahil sa quiz bee, kinakabahan ako dahil pwedeng maagaw sakin yung title ng pagiging First Place sa Quiz bee. Syempre may pride naman ako kahit konti.
Hindi naman din nagtagal eh dumating na yung Quiz Master. Siya yung magpapaQuiz samin. Matangkad siya na babae tapos mukha pa lang terror na. Magkatabi lang kami ni Andrei ng upuan kaya binulungan niya kagad ako.
"Goodluck satin Cassey." Tinanguan ko na lang siya nun sabay lunok ng laway ko.
Nagsimula na yung quiz. May tatlo siyang division, easy,average and difficult. Sa Easy round, ako yung nagLead. Tapos sa Average, taga III-5 yung nagLead. Nung difficult round, medyo nahirapan ako sa mga tanong.
Kung kanina sa Easy at Average eh nagagawa ko pang tumingin sa Tally na nasa harap. Nung difficult, natitingnan ko pero di na masyado. And after that nagkaroon ng Tie Breaker or Clincher, hindi ko na siya nagawang tingnan. NagFocus na kasi ako don sa mga tanong. Masyadong mahigpit ang laban, 5 kasi kaming tie ngayon. Eto last question na. Sana masagutan ko siya.
"Sino ang pinakakilalang tao na associated sa 'Reign of Terror'?" Sabi nung Headmaster. Geez. Nakakatakot. Pero alam ko yung sagot dito.
"1....2....3..... show me your boards!!" Tinaas na namin yung mga boards namin. Bat ako lang may ibang sagot?
" Ang sagot ay si Maximilien Robespierre." Napatingin naman sakin yung mga kalaban ko including Andrei. Nagbulungan yung mga tao sa room. Si Andrei, nakangisi sakin. W-wait.. Ibig bang sabihin nito...
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Novela JuvenilLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...