Andaming tao. Naghihiyawan, nagkakagulo. Sandali? Ano ba nangyayari? Ang sikip. Hindi ako makahinga. Wait, nahihilo ako.
"Cassey!!" S-si Andrei yun, pero di ko siya makita. Asan siya? Grabe, nahihilo na talaga ako.
Hilong-hilo na talaga ko dahil bukod sa siksikan. Yung iba amoy alak na rin. Ano ba nangyari?
"A-Andrei..." Bulong ko at sakto naman nun eh biglang may humila sakin. Kilala ko ang kamay niya, kaya alam kong siya to. Hinila niya ko hanggang sa garden at pinaupo ako sa damuhan saka naman niya ko tinabihan.
"Cassey? Okay ka na?" Sabi niya habang nakatingin sakin with those two concerned eyes. Naghahabol kasi ako ng hininga ngayon. Tumango na lang ako sa kanya.
"Tell me, anong ginawa ni Trisha sayo?"
"Wala."
"Bat siya nalaglag sa pool?" Ano daw?!
"Si Trisha? Nalaglag sa pool?" Tapos tumango siya.
"Oo. And I know na may binabalak na naman yun. Baka pagbintangan ka niya. Kaya Cassey, sabihin mo na sakin lahat ng nangyari kanina." Nakatingin siya sakin ngayon ng diretso at bilang bestfriend ko siya, sinabi ko sa kanya. Mula sa CR hanggang sa pool. "Tss. Alam ko na pinaplano niya."
"What?" At tumaas pa yung kilay ko.
"Sisirain niya yung image mo. Tara Cassey, bilisan natin." Sabi niya at hinila ulit ako papunta sa may Pool.
********
"S-si Cassey. Tinulak niya ko. Naiingit siya sakin eh. Inggitera siya!!" Sabi ni Trisha na basang-basa ngayon. Nakakaawa nga itsura niya eh. Kumalat yung make-up niya sa mukha.
"Tapos tinulak niya ko sa pool. Hindi ko rin inakalang gagawin niya sakin yun." Tapos humagulgol siya. Ako naman? Eto, nagugulat sa mga pinagsasasabi niya. Tsk. Syempre paniwalang-paniwala yung mga tao, bukod kasi sa mga luhang pumapatak galing sa mata ni Trisha, maamo pa yung mukha niya. MalaAnghel eh.
Ang sama na ng tingin sakin ng mga tao. Si Andrei naman eh nakakuyom yung mga palad. Si Trisha? Ayun, nagiIyak-iyakan pa rin. Tss. Ang sinungaling talaga eh. Nakakapikon na talaga. Tatalikod na sana ako pero may sinabi si Trisha na nagpaharap sakin ng tuluyan.
"Naiingit siya sakin dahil ako ang gusto ng lalaking gusto niya! Naiingit siya dahil mas sikat at mas maganda ako kaysa sa kanya. Masama ang ugali ni Cassey. Inggitera siya!!"
Lumapit ako sa kanya. Pinigilan ako ni Andrei pero alam naman niyang hindi ako magpapapigil kahit pa pigilan niya ko. Napatigil si Trisha sa pagsasalita nung nakita niya ko sa harap niya. NapaSmirk siya nun. Tss.
Alam ko na yung plano niya, gusto niyang gumanti ako para ako ang lumabas na masama pero sorry na lang siya. Hindi ito isang palabas na palaging maaapi ang bida.
"Una sa lahat, yung plano mo babaligtad." NapaIwas siya ng tingin nun. "Pangalawa, wag kang umiyak lalo na kung peke yan. Niloloko mo sarili mo. Tumalon ka sa pool at hindi kita tinulak kaya wag mo ng utuin yung mga tao dito. At pangatlo? Hindi ako inggitera. Hinding-hindi ako maiingit sa isang gaya mo. Kaya alam mo? You're ruining Calvin's birthday, di ba pumasok sa isip mo yun?"
Umalis ako nun at pumunta na palabas ng bahay nila Calvin. Kaso may humila sakin pabalik.
"Cassey.. wag ka munang umalis." Si Calvin. Hinarap ko siya.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Teen FictionLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...