Chapter 5: Birthday Gift

86 5 0
                                    

Exactly July 15,20**



Happy Birthday to me!! WAAAH!! Tatanda na naman ako ng isang taon pero hindi naman ako tatangkad. Hayst. Ang sadlife naman. Humarap ako sa bestfriend kong salamin at ngumiti. Syempre birthday ko ngayon kaya nakaBraid ako.



Binati ako nila Mama syempre then pumasok na ko sa school. Hindi ako sinabay ni Andrei ngayon. Nakakatampo nga eh. Pero ayos lang, magkikita naman kami mamaya.



Pagpasok ko ng room,



"Happy Birthday Cassey!!" Sabi nila Kiera at Shay sakin. May gift din sila. Agad naman akong nagThankYou at niyakap sila.



"Grabe. NagEffort kayo? Salamat!! May kukwento pala ko sa inyong dalawa!!" Tumambay kami sa corridor nun and kinuwento ko yung tungkol kay Calvin. Grabe, hanggang ngayon, di ko pa rin makalimutan yun.



Sila Kiera at Shay, medyo wala lang silang pakialam sakin. Nagbigay nga sila ng gift pero di nila kinakamusta buhay ko. Hayst. Medyo nakakaasar. Pero okay lang uhmm, kakapasok ko pa lang naman kasi sa buhay nila diba? I guess na hindi pa ko ganon ka-important.




Si Darren? Ayun, seryoso siya kasi gusto niya talaga si Trisha. Palagi nga niyang bukambibig eh. Nakakainis kasi no paulit-ulit naman. Hayst. Bat ba ko naiinis?





Naging normal din ang araw. Binati ako ng mga kaklase at kakilala ko hanggang sa nagBreak na. Sinundo ako ni Andrei sa room. Tinaasan ko siya ng kilay. Nakakaasar kasi. Hindi pa niya ko binabati.




"Anong meron?"



"Tara sa canteen. Andoon yung regalo ko." Wow. May regalo daw siya pero di pa rin niya ko binabati?!





Nasa canteen na kami--I mean, ako. Iniwan ako ni Andrei eh. Nakakaasar na lalaki yun! Tsk. Nandito daw yung regalo niya nun pero wala naman pala. Hahanapin daw niya. San ka nakakita ng regalo na hinahanap? Hindi naman mawawala yun kung iniwan mo sa isang lugar diba? I mean,sa maayos na lugar. So anong hinahanap niya? Baka naman kasi wala talaga, okay lang naman eh. Tsk. Hindi yung pinapaasa niya ko ng ganto. Hayst. Andrei! Asan ka na ba? 10 mins. na lang, magbeBell na.




"Cassey!!!"Naputol ang speech ko dahil sa may tumawag sakin. Si Andrei pala. Tinaasan ko siya ng kilay at pumunta don.




"Tsk. Babalik na ko sa room. PinagAntay mo ko. Nakakaasar ka. Dapat sinabi mo na lang na wala kang gift, okay lang naman yun eh." Patalikod na sana ako pero pinigilan niya ko.



"Sorry na Cassey. Pero eto oh." Tapos sumenyas siya mula sa labas then nagWink siya sakin. Ano na namang pakulo to?




Nagulat na lang ako sa kung ano I mean sino yung papunta palapit sakin. Si...S-si CALVIN!!!!! Napatingin ako kay Andrei pero nginitian niya lang ako sabay kumindat.





"H-hi." Sabi ko kay Calvin. Ugh. Hate this awkward atmosphere.





"Happy Birthday!!" Sabi niya and binigyan ako ng gift. Natulala ako dun sa hawak niya. Hindi ko nga sana kukunin yun kung di ako binulungan ni Andrei na kuhain na.




"T-thank you." Then ngumiti siya. Umupo sila sa may table ko. Then nilibre kami ni Calvin ng pagkain. Graham tapos shake. Ang sarap nga eh lalo na alam kong Crush ko yung nagbigay sakin nito. Nakakakilig kasi shems.




Natapos din yun at naghiwa-hiwalay na rin kami. Binilinan ako ni Andrei na mamaya ko na daw buksan yung regalo ni Calvin, dapat daw kasama siya.




Andito na ko sa room. Oh yeah. Yun lang iniikutan ng buhay ko sa school. Room-canteen-room-canteen. Wala talagang bago.



Pero nagtataka ako. Why would Calvin give me a present? Tinitigan ko uli yung regalo. Ang cute nung gift wrap. Kinikilig ako, ano ba yan. Basta, kung ano man yung dahilan ni Calvin, masaya ako.




Nilibot ko uli yung paningin ko sa room. Sila Shay at Kiera, nagkukwentuhan. Pansin niyo bang di ko sila palaging kasama? Bakit? Kasi naOutOfPlace ako sa kanila. Minsan magbubulungan na lang sila tapos may paguUsapan silang bagay na wala akong kahit na anong ideya. Ang drama ko na ba? Pero yun, so I actually feel lonely sa classroom na to.



***



Sa wakas, uwian na rin. Sinundo ako ni Andrei dito sa room and pumunta kami sa tambayan namin. Yung Ice Cream Shop na malapit sa school. Nilibre nga niya ko eh.





"Oh? Asan na yung regalo?"




"Eto oh." Sabi ko sabay kuha nung gift sa bag.



"Ready ka na bang buksan yan?"



"Wait! Magtatanong muna ako. Sagutin mo muna." Tumango naman siya kaya nagpatuloy na ko.




"Bakit ako binigyan ni Calvin ng gift? Paano niya nalaman? Sinabi mo ba? Bakit mo sinabi? Nakakahiya. Ano na lang sasabihin niya? Baka isipin niya super FC ko. Bukod sa nilibre niya ako, binigyan pa niya ko ng gift, bakit? Anong meron? Andrei! Magsalita ka? Bakit? Kailan niya nalaman yon? Saka baka naabala siya. Naku! Andrei?" Napatingin ako sa kanya na tumatawa na ngayon.




"Oh? Anong nakakatawa?" Nakasimangot na ko. Pano ba naman kasi, seryoso ako dito tapos bigla siyang tatawa.






"Hindi kasi HAHAHAHAHA Ano HAHAHAHA Tapos ikaw HAHAHAHAHA Ang dami mong HAHAHAHAHA" Tumatawa siya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dito. Kaya binigyan ko siya nagDeathGlare. Mukhang nakita niya naman kaya tumahimik siya at umayos na rin sa pagsasalita.





"Nakuwento ko kasi kay Calvin na Fan ka niya tapos ayun, sinabi ko na tropa kita kaya ayan, binigyan ka niya ng gift. Buksan mo na." Wow! Grabe, ang bait talaga niya.





Binuksan ko yung gift. Sinira ko yung wrapper, ganun daw kasi yon. Dapat sisirain para maulit daw uli. Ewan. Sarap sundin eh, baka kasi totoo tapos hindi na ko makakatanggap ng regalo. Ang lungkot siguro nun.


Pero may sumagi sa isip ko, kailangan pa ba talagang masira bago magkaroon ng bago? Phew. Siguro nga, kasi pag walang break-up, hindi naman napapalitan eh diba? Tama diba?





Napangiti ako sa kung ano yung laman nung gift. Wristband at keychain na inspired sa design ng favorite kong banda. Pero paano niya nalaman na mahilig ako dito?




"Nakuwento ko rin sa kanya." Sabi ni Andrei na akala mo nakakabasa ng isip. Nginitian ko siya.




"Thank you."


"Para saan?"


"Dahil sa regalo mo. Ang saya tuloy ng birthday ko. Sorry kung nagtampo ako kanina pero Thank you talaga."




"Ang drama naman ng bestfriend ko. Tara na nga. Uwi na tayo."



Ngumiti siya then binuhat yung bag ko. Medyo nagAlangan ako na ipabuhat yun sa kanya pero nagInsist siya. Ang saya ko talaga. Best birthday ever.

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon