Chapter 38: Distraction

46 1 0
                                    

Bago ako umuwi eh dumaan muna ako dito sa may park. Wala lang, pampaRelax lang. PampaAlis nung bad vibes na nakuha ko don kaila Trisha.




Habang nakatambay eh pinagiIsip ko ang mga nangyari. Napakagulo. NapakaComplicated. Medyo nakakapagod. Hayst.




Pangarap ko lang naman to dati eh. Yung tipong mararamdaman ko na sobrang special ako.




Yung tipong madaming magmamahal sakin.




Pero hindi ko naman alam na ganto pala kahirap yon.





Dati, gustong-gusto ko kasi sa dami ba naman ng lungkot na naranasan mo sa buhay, diba natural lang naman na maghangad ka na maging special?





Pero yung ganto, oo. Naging special ako. Nagustuhan ako ng taong gusto ko at ng taong matagal ko ng hinahangaan. Naging girlfriend pa nga ako ng taong gusto ko eh. Pero hindi ko naman inakala na ganun din kadaling matatapos yon. Pinahiram lang sakin ang mga oras ng kaligayahan.




"Cassey!!!!!" Nagulat na naman ako. Grabe, ganun na ba ko kaIn-demand at palagi na lang nila kong hinahanap?




"A-Andrei..." Si Andrei pala. Umupo siya sa tabi ko.




"Anong nangyari?"





"W-wala."




"Sige lang. Alam ko medyo nahihirapan ka pa magkuwento pero andito lang ako. Pwede kang magsabi sakin anytime. Ikaw pa ba?" Inakbayan niya ko.




NagStay lang kami ng ganun nang bigla kong maalala yung sinabi niya sa tawag kanina.





[Mag-ingat ka ha. Mamahalin pa kita]



Si Andrei. Ano bang ibig sabihin niya dun? Saka ano tong nararamdaman ko sa may dibdib ko?



Tintigan ko siya. Kasalukuyan siyang nakasandal sa braso ko. Ang guwapo din talaga ng isang to.


Bakit parang may something sa tiyan ko? Hindi naman ako kumain ng madami para maano. Tss. Ano ba yan?




Saka bakit nangiInit ang buong mukha ko?



[Mag-ingat ka ha. Mamahalin pa kita]




Waaaah! Ito na naman tong nararamdaman kong kakaiba. Parang ganto rin ako dati kay Calvin at Darren.



No. Hindi pwede. Hindi pwedeng magustuhan ko si Andrei. Bestfriends kami eh.



*****************




"Cassey ano? Hindi ka na ba interesado sa lovelife ko?" Napalingon ako kay Andrei na nandito sa tabi ko.




Tingnan mo tong bestfriend ko, nung nakaraan eh kinukulit ko siyang magkuwento tungkol sa lovelife niya tapos ayaw niyang sabihin. Ngayon namang hindi ko na siya kinukulit eh parang gusto niyang kulitin ko siya.



Ganyan na nga ba ang mga tao? Kung kailan wala ka nang pake eh saka nila gustong may pake ka? Tapos pag meron naman, gusto nila wala. Tsk.




Siniringan ko na lang siya at itinuon ang sarili ko sa pagkain ng pagkasarap-sarap na sandwich.




Nasa canteen kami ngayon. Breaktime kasi and sinundo niya ko sa room. Mahirap na daw at baka magkaroon pa kami ng second confrontation nila Trisha at Darren.




"Cassey, Cassey? Cassey...." Kinukulit na naman ako nitong Andrei na to. Tss.





"Cassey, pansinin mo naman ako!!" Napatingin ako sa kanya ng masama at nagWalkOut ako.





Naku, wag na wag muna niya kong kulitin. Mainit ulo ko ngayon. Shh lang girls ha? Alam niyo na yun kung bakit.





"Cassey!!" Hinabol niya ako at hinawakan sa braso. "May problema ba?"





"Wala. I'm just..I'm just not feeling well." Then tumalikod ako. Siya naman eh hinigit ulit ako kaya napasandal ako sa kanya. Ang kulit din talaga ng lalaking to.






"Oh? Tara sa clinic."




"Ang kulit mo. Can't you just leave me alone?!" Napasigaw ako. Ewan ko. Para ba kong nasapian ng kung ano at nasabi ko yon sa kanya.





Lumungkot yung itsura niya at tumango. Dahan-dahan siyang tumalikod at naglakad na palayo. Tsk. Bahala nga siya dyan.




Pero mali eh. I know na nagCare lang sakin si Andrei. Pero ewan ko ba, naiirita talaga ko. Tss. Inaatake tuloy ako ng kasupladahan. Hayst. Magtiis nga muna siya.



Uwian na and walang Andrei na nagaAbang sakin sa may pintuan. Pero bakit ganto? Bakit parang nalulungkot ako? Siguro nakokonsensya lang ako kasi sinupladahan ko siya kanina.


Binalewala ko na lang yung weird na nararamdaman ko. Maybe nakokonsensya lang talaga ko. Nakakaasar naman kasi naPMS to. Aish. Asan na ba kasi yon?



Naglibot-libot muna ko dito sa school kasi hinahanap ko yung lalaking yon. Nasan na kaya siya?



Sa paglilibot ko eh nakita ko rin naman siya. Pero parang hindi ko siya malapitan. Bakit? Kasama niya kasi si Aileen. Ang saya nga niya eh. Ayan siguro yung lovelife na tinutukoy niya.



Pero bakit ganto? Bakit ang sakit-sakit? Bakit makirot sa dibdib? Ano ba kasing meron? Hayst. Ang gulo-gulo na.


Pero mas mabuti pa atang bukas ko na siya kausapin. Masaya pa siya sa lovelife niya eh. Magsama sila.




***************


(A/N: Sorry for the short chapter guys :3)

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon