Andrei's POV
"Nililigawan niya ako."
Tatlong salita pero bakit ang lakas ng impact sakin? Nakakaasar naman kasi. Ganun na ba talaga ko katorpe at naunahan ako ni Darren? Eh sa pagkakaalam ko, sinaktan niya si Cassey. Tapos ngayon nililigawan niya? Tss. Pero wala na naman akong magagawa. Wala naman akong karapatan kay Cassey eh.
Bat kasi hindi pa ko nagtapat sa kanya noon eh? Andami-dami kong sinayang na pagkakataon. Tapos ngayon, huli na ang lahat. Wala na. Aish.
"Hoy VillaReal! You're idling again! Get ready na!!" Iritang sigaw nung vocalist naming babae. Yeah. Ngayon na yung 'Battle of the Bands'. Medyo kinakabahan ako. But I need Cassey to be proud. Even though iba pa ang gusto niya.
Naka T-shirt kami. Assorted. Iba-iba kami ng kulay ng T-shirt. Basta makapagPerform kami.
"MagLastMinute nga tayo." Suggest ni Calvin. Bilib rin ako dito eh. Iba ang fighting spirit.
NagLastMinute nga kami. Isang pasada lang. Pero..
Napiyok yung vocalist namin.
"OMG. Siguro naparami yung kain ko ng ice cream kanina. Sorry guys." Paluha na si Roxanne niyan. Kanya-kanya namang reklamo sila Calvin. Kesyo bakit pa daw ngayon and like that.
"Ako ng bahala guys. IReady niyo na lang yung damit."
Calvin's POV
Umalis si Andrei, ewan ko kung anong gagawin nun. Pero naman kasi tong si Roxanne eh! Sa dami-dami ng oras na pwedeng maging paos eh ngayon pa? Tsk. Nakakaasar talaga. Ano kayang balak ni Andrei?
Habang hinihintay namin si Andrei eh biglang nagPop sa utak ko yung babae dun sa mall. Yung may magandang boses? Yung hinabol namin ni Andrei? Sino kaya talaga siya? (A/N: Sa Chapter 11 po yun)
NagPeak ako sa may audience. Nasa backstage kami ngayon. Nakita ko rin si Cassey sa crowd na kasama si Darren. Dala-dala ni Darren yung bag ni Cassey tapos dala ni Cassey yung--banner ba yun?!
Oo nga, banner. Ang supportive talaga ni Cassey kay Andrei. Gumawa pa talaga siya ng banner. Swerte ni Andrei sa bestfriend niyang babae.
Pero aaminin ko, iba ang impact sakin ni Cassey. Ang totoo niyan eh matagal ko na rin siyang kilala. Sino bang hindi makikilala sa Quizzer ng School? Eh halos lahat ng nasasalihan niyang quiz palagi siyang First. Kung hindi naman first, eh second. Kaya nga idol ko yang si Cassey. Dahil din dun kaya tinabihan ko siya sa canteen.
Hindi ko rin maintindihan yung nararamdaman ko ng araw na yun. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makasama. Ewan ko ba. Hindi ko naRealize yun hanggang nung birthday ko. Hindi ko matanggap na pinahiya siya ni Trisha. At isa pa, ayaw ko siyang umalis nung araw na yun. Gusto kong kasama siya buong araw.
Kaso nung niyakap siya ni Darren. Medyo nainis ako dahil sobrang manhid niya. Pano na lang kaya niya malalaman na gusto ko rin siya?
Oo, gusto ko siya. Kaya nga medyo masaklap at naunahan ako ni Darren. Pero I'm sure. Sa gagawin kong to eh mapapasakin na si Cassey.
Cassey's POV
Kyaaa!! Eto na, ready na kong sumigaw para kaila Andrei at Calvin!! Itataas ko ang banner na pinaghirapan at pinagpuyatan ko! Aba, eyebags ko ang nagEffort para dito. Next na silang magpePerform and eto nagreReady na ko.
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Teen FictionLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...