1 week since nung confession ni Darren. 1 week na ding hindi ko nakakausap sila Andrei at Calvin. Next week na kasi yung contest ng banda kaya yun, kailangan nilang magPractice. Hindi ko pa nga rin nasasabi kay Andrei na nililigawan ako ni Darren.
"Cassey? Ano iniisip mo?" Si Kiera.
"Uhmm. Wala naman. Parang nabibilisan lang ako sa mga pangyayari."
"Oo nga eh. Parang kailan lang nung inis na inis ka dahil natapunan ng Coffee yung blouse mo tapos tingnan mo ngayon, yung taong sumira ng first day mo eh ang taong gusto ng magpasaya ng everyday mo." Napangiti ako sa sinabi ni Kiera. Syempre kinilig ako. Sino bang magaAkala na magugustuhan rin ako ng taong gusto ko.
Grabe manligaw si Darren. Hatid-sundo ako lagi. Ayaw rin niyang humiwalay sakin. Feeling ko nga buntot ko na siya eh. Pero di ko talaga maiwasan na kiligin. Feeling ko kasi ang ganda ko na. Kasi naman eh, ikaw ba naman ligawan ng taong gusto mo? Kyaa! I mean, it's every girl's dream kaya.
"Nangiti ka na naman dyan mag-isa?" Sabi naman ni Shay na tawa ng tawa. "Alam mo ganyan din ako nung nililigawan pa ako ni Rico."
Napangiti ako lalo sa sinabi no Shay. Pwede na ngang umabot ng Russia yung ngiti ko sa sobrang wide. Kinikilig rin kasi ako.
"Nakakatuwa naman kayong pagmasdan. Dalawa na kayong may lovelife. Naiiwan na naman ako." Sabi ni Kiera. NagdaDrama siya HAHAHAHAHA
"Alam mo kasi Franchezca. Hinihintay yan. Hihintayin mo hanggang magustuhan ka ng taong gusto mo. Okay lang magGiveUp. Uso maghintay. Pero ang mahalaga, alam mo ang limitasyon mo. Dapat alam mo kung paano mo kokontrolin ang sarili mo." Sabi ko kay Kiera.
"Kaya nga. Eto, aantayin ko pa rin si 'The One'. At habang hinihintay ko siya, susuportahan ko kayo sa mga lovelife niyo." Sinabi niya yan with feelings.
"Aww." Tapos nagyakap kaming tatlo. Swerte naming tatlo sa isa't isa.
****
Uwian na. Kasama ko si Darren. Well, lagi ko na siyang kasama. Alam na rin ng buong klase na nililigawan niya ko.
"Cassey? Kailan mo ko sasagutin?"
"Agad-agad? 1 week ka pa lang kaya nanliligaw. Ako na lang bahala."
"Eh kasi naman, ayokong magkaroon pa ko ng karibal sayo."
"Karibal? At bakit naman magkakaroon?"
"Cassey, ganyan ka ba ka-Manhid?"
"Manhid? What do you mean?"
"When you wanna say yes but you wanna say no, what do you mean." Tapos kumanta na siya dun. Para talagang baliw tong Darren na to.
Nagpatuloy lang sa pagkukwento si Darren. Ang daldal. Mas madaldal na siya sakin ngayon eh. At habang nagkukwento kami eh bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napasigaw naman ako agad at inalis yun.
"Ano yon?!"
"Hinahawakan ko yung kamay mo." Nakangisi niyang sabi.
"Nililigawan mo pa lang ako, hindi pa tayo. Magtigil ka nga sa paganyan-ganyan mo Darren. I hate PDA's." NagPout siya pagkasabi ko nun. Nakakaawa man siyang tignan eh tiniis ko. Aba, babaeng Maria Clara kaya ako.
"Kay Andrei muna ko sasabay. Una ka na ha?" Umupo na ko sa waiting shed. Namimiss ko na rin kasi si Andrei, isa pa, hindi pa niya alam na nililigawan na ko ni Darren. Baka magtampo pa yun.
"Nagseselos ako." Napataas yung kilay ko sa sinabi ni Darren.
"Nagseselos? Tss. Wag ka nga. Bestfriend ko yun eh. Sige na, umuwi ka na." Tumango na lang siya at tumalikod. Ako naman eh nilabas yung Mini Journal ko at nagsimulang magsulat.
Wed. 10/16/**
Some things are just unpredictable. We must expect for the unexpected and let ourselves be controlled. Uncontrolled emotions can eradicate things.
Hindi naman nagtagal eh nakita ko na sila Andrei na palabas ng Auditorium. Yeah, sa auditorium na sila nagpaPraktis. Para daw alam nila yung limit ng sound. Kasi diba may echo yon?
Tumakbo ako sa direksyon nila Andrei. UnLadyLike man pakinggan pero that's me. Napangiti naman si Andrei nun.
"Andrei!!!!" Sigaw ko habang papunta sa direksyon niya. Nang makalapit na ko dun eh nagApir lang kami. Kasabay nun eh ang hiyawan ng mga kabanda niya. Si Calvin naman eh nakatulala lang.
"Hinintay mo ko?" Nakangisi siya.
"Yeah. Miss na kita eh. Hatid mo ko."
"Sige, pero dadaan muna tayong Music Room. Ibabalik namin tong instruments."
**********
"Tara?" Napalingon ako kay Andrei. Ang pogi talaga nito eh. Ako na ang may poging bestfriend HAHAHA. No wonder na maraming nagkakagusto sa kanya.
Sabay na kaming lumabas ng school. Medyo marami pa ring tao sa school nun. Yung iba mga tambay, may mga requirements na tatapusin, may kaDate. Highschool feels.
"Kain tayo Andrei."
"Anong gusto mo?"
"Fishball! Kwek-kwek!! Tapos turon, banana cue! Waaah! Libre mo ko!!"
"Para ka talagang bata. Namiss mo talaga ko no?" Tumango ako nun. "Pero may balak ka bang magkwento sakin?"
"Meron sana eh."
"Ano yun? Ay teka, order muna tayo." MakaOrder naman si Andrei, resto ba? Nasa gilid lang kami ng kalsada eh HAHAHAHA
Bumili siya dun tapos naglakad kami papuntang Plaza at dun kami umupo.
"So.. kamusta na yung practice niyo? Handa na ba kayong ipanalo ang Juniors?"
"Ipapanalo talaga? Eto nga eh, todo-praktis. Nakakapagod pero ayos lang."
"Galingan niyo ha? Igagawa ko kayo ng banner." Totoo yun, may banner na nga sila eh. Ginawa ko.
"Naks. Thank you Cassey, nga pala. Anong ikukwento mo sakin?"
"Si Darren."
"What about him? May ginawa ba siya sayo?"
"Wala. Ang totoo kasi niyan..."
Nakatitig lang si Andrei sakin habang inaabangan kung anong idudugtong ko. Nakatingin lang ako sa baba.
"Nililigawan niya ako."
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
Dla nastolatkówLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...