Chapter 17: Mall Scene

59 5 0
                                    

Nakaupo ako sa Cafeteria ngayon. Ang lonely ko. Iniisip ko kasi yung project namin sa MAPEH. Ang hirap naman kasi. Kailangang paghahalu-haluin mo yung Music, Arts, P.E and Health sa isang video. Tsk. Ang hirap naman kasi. Napainom na lang tuloy ako sa coke na iniinom ko.




Hayst. Ano ba kasing gagawin ko dito? Ang hirap maging estudyante ha. Pero mas okay na naman maging estudyante kaysa naman magtrabaho. Syempre mas busy ka pag nagtatrabaho ka na. Pero pag nagtatrabaho ka, may suweldo na yon. Ano kaya mas okay? Kaso puyat ka naman? Pero puyat ka rin naman pag estudyante. Pano kaya yun? Hayst. Wala namang kinalaman yung iniisip ko sa problema ko. Ang gulo ko talaga.





"Cassey? Bakit magIsa ka lang?" Napatigil ako sa pagiIsip nung biglang may tumabi sakin. Si Trisha pala.




"Ahh oo eh. Ikaw? MagIsa ka lang din?" Tumango siya at ngumiti sakin. Tapos natahimik kami pareho. Ugh. Awkward.




"Uhmm. Nakaisip ka na ng gagawin mo sa project?" Sabi ni Trisha. Siguro gusto niyang maLighten up yung atmosphere.




"Wala nga eh. Ang hirap naman kasi."




"Oo nga eh." Tapos tumahimik na naman between samin. Awkward again.




"Musta pala kayo ni Darren? M.U na kayo diba?"




"Ahh oo. Gusto mo ikwento ko sayo lahat?"




Hindi. Ayoko. Wag mong ikukwento at baka matapon ko sayo yung coke na hawak ko.





Ayan dapat yung sasabihin ko pero wag na lang. Nagkunwari na lang tuloy ako na nagRing yung cp ko tapos sinagot ko kunwari yun.




"Hello? / Oh? Andrei? Bakit? / Sure! Wait lang ha. / Opo boss, bibilisan ko na." Ang galing ko magActing diba? Tumingin ako kay Trisha nun.





"Sorry ha? Hinahanap ako ni Andrei eh. Ge bye" Tapos tumakbo na ko papunta sa Music Room. Sigurado naman akong nandun si Andrei.





Pagdating ko dun, naabutan ko si Andrei na nakaupo lang sa may sofa ng Music Room. Mag-isa lang siya. Dahan-dahan kong nilapitan siya at tinakpan yung mata niya.




"Cassey." Sabi niya na napakaKalmado. Hala? Pano niya kaya nalaman?



"Imposible." Sabi ko sabay upo sa tabi niya. Siya naman eh nakangisi lang.




"Panong di ko malalaman eh ikaw lang naman yung naglalakas-loob na takpan yung mata ko." Nakangising sagot ni Andrei. Tumawa kami dun pero bigla kong naalala yung sinabi ni Trisha kaya napatigil ako sa pagtawa.




"Oh bakit? May problema ka no."




"Si Darren kasi saka si Trisha. M.U na daw. Ang sakit eh." Tapos bigla niya kong inakbayan at pinasandal sa braso niya. Si Andrei lang nakakaakbay sakin eh kasi talagang close na kami.




"Okay lang yun. Basta hindi siya para sayo. Hayaan mo na."




"Thanks." Tapos tumayo ako. Tumayo rin siya at niyakap ako.




"Ay sorry, nakakaabala pala ko." Nagulat ako sa kung sino yung nagsalita. Si Darren. Nakatitig lang siya samin. Anong meron? Tapos tumalikod siya at umalis.




"Anong meron dun?" Sabi ni Andrei na mukhang nagtataka din.




"Ewan ko nga eh. Ang labo no?" Ngumisi siya nun.



"Oo nga pala Cassey, birthday ni Calvin bukas. Punta ka? Sabay na lang tayo ha?"




"Talaga? Birthday niya?" Sabi ko. Wow. Birthday pala ni Calvin. Bibilhan ko siya ng regalo mamaya.




"Oo. Ano sabay tayo?" Tumango na lang ako at nagpaalam kay Andrei.




Bumalik na ko sa room nun. Ito ata ang unang beses na hinihintay ko yung uwian. Halos hindi na nga ko nagParticipate sa class. Syempre Halos lang yun kasi hindi ko naman pwedeng pabayaan yung grade ko.





"Okay. Class Dismiss." Sabi nung Teacher namin sa last subject. Halos mapatalon na ko sa upuan ko nun. Kinuha ko na yung bag ko at palabas na sana ako ng room kaso tinawag ako nila Kiera.




"Nagmamadali ka ata Cassey?"




"Ahh wala. Ge mauna na ko." Tuluyan na kong umalis sa room nun at dumiretso na sa pinakamalapit na mall.




Syempre sa mall ako pupunta. Bakit? Kasi maggagala rin ako. Maglalaro pa ko sa arcade and kakain. Masyado pa namang maaga para umuwi. Pumasok muna ako sa isang Gift shop. Ano bang ibibigay ko kay Calvin?




Napatingin ako dun sa mga tinda. Uhmm. Mahilig si Calvin sa music. Pero parang meron na naman siya nun lahat. Ang yaman niya kasi. Ano kayang pwedeng ibigay sa isang Rich Kid?




Naglibot-libot na lang muna ko sa mga shop sa mall. Andami ko na ngang napuntahan pero wala talaga kong makita. Ganun ba talaga kahirap maghanap ng regalo? Napatingin ako dun sa mga gamit na tinitinda nung shop na yun when something caught my eye.




Isang cellphone holder na pwedeng cross stitch. Tinignan ko yung price. Mura lang siya. Tapos marunong naman ako magCross Stitch. Kaya binili ko na. Ayos, may regalo na ko para kay Calvin. Kaso ano naman kayang design ang ilalagay ko dun? Mamaya na nga lang ako magiIsip. Kakain muna ko.




Sa KFC na ako kumain. Ang dami ko ngang inorder eh. Hindi halatang gutom talaga ko. Napapasarap ako sa pagkain ng Pasta nung bigla kong nakita sila Trisha na nasa kabilang table. As in katabi ko lang. And pag sinabi kong sila, oo may kasama siya. Sino? Si Darren.




Ang sweet nilang dalawa. Tsk. Nakakaasar na ha. Hayst. Bakit kasi nakita ko pa sila? Pwede namang hindi na eh. Hayst Cassey, bakit kasi ang likot ng mata mo?





Tinapos ko na lang yung pagkain ko at umalis na dun. Hayst. Tumambay na lang ako sa isa sa mga benches ng mall. Dala ko pa rin yung regalo ko para kay Calvin. Pero ang hirap talaga pag broken ka. Ang sakit kasi sa feeling na hindi ka gusto ng taong gusto mo.




Pagkatapos ko magpahinga at magpakalma? Dumiretso na ko pauwi. Kaso bigla akong hinarang ni Trisha sa may exit nung mall.




"Sinusundan mo ba kami ni Darren?" Napataas yung kilay ko sa sinabi niya. Tsk. Maldita talaga.





"Hindi ah."





"Wag mo ng iDeny. Tsk. Alam ko namang gustong-gusto mo si Darren at gagawin mo ang lahat makuha lang siya." Tsk. Assuming.





"Trisha. Mali yung inii--" Hindi ako nakapagsalita kasi nagsalita agad siya.




"Isa kang tunay na malandi Cassey." Malandi? Baka siya? Tss. NagRolled Eyes na lang ako kasi masyado akong professional para pansinin siya.





Aalis na sana ako pero hinila niya yung buhok ko. Aba naman?! Tsk. Ginulo niya yung buhok ko? Tss. Pero dahil edukada ako. Nagtangka na lang akong umalis ulit. Pero hinila na naman niya yung buhok ko. Inggit na inggit ba siya sa buhok ko?! Aish.





"Alam mo, kung inggit ka sa buhok ko. Magtanong ka na lang kung pano ko inaalagaan yung buhok ko. Saka hindi ka ba nahihiyang magEskandalo dito? NakaUniform ka oh? Hindi mo ba naisip yun? Tsk. Dyan ka na nga." Tapos nilayasan ko siya dun. Nakakaasar. Nakakainis. Tsk. Bahala siya don at kailangan ko pang magpaganda bukas.



********

(A/N: Bad Trisha XD)

Heartbreak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon