Andrei's POV
Seriously? Pano mo sasabihin sa isang tao na may gusto ko sa kanya? Tsk. Si Cassey naman kasi. Makapagtanong eh.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na "Ikaw yung gusto ko" Ano ba yun? Tch. Ang lame.
"Andrei!! Tell me na kasi!!" Ayan na naman siya.
"Grabe Cassey? Ayan na ba ang katumbas ng 'Good morning' ngayon?" Tumawa naman siya nun.
"Sorry na. Gusto ko kasi talaga malaman. Para naman matulungan kita."
Paano mo ko tutulungan kung ikaw na mismo yon? Hayst.
"Hindi na kailangan. May iba namang gusto yun eh."
"Hala. Alam mo Andrei, hindi porket may iba na siyang gusto, susukuan mo na. Malay mo gusto ka rin pala niya, hindi mo lang alam."
Ako? Gusto mo? Posible ba yon?
"Kaya nga sabihin mo na sakin para mapaamin ko. Syempre sigurado akong gusto ka nun."
"Pano mo nasabi?" Pano mo nasabing gusto ako nun? Eh si Darren ang gusto mo diba?
"Kasi ikaw ang pinakamabait at pinakaguwapo kong bestfriend. Diba diba?" Inakbayan niya ko. Dun ako natawa.
"Hoy! Bakit ka natawa?"
"HAHAHAHA Cassey HAHAHAHA I-Inakbayan mo talaga ko? HAHAHAHA Eh ang liit mo eh. Natatawa tuloy ako sa itsura mo HAHAHAHAHAHAHAHA Para kang HAHAHAHAHA Para kang chimpanzee na hirap na hirap makasabit sa puno." Tapos tumawa ulit ako.
"Aba't sa Chimpanzee mo pa ko kinompare? Ano ba naman yan Andrei--"
"Dapat kasi ako umaakbay sayo. Parang ganto." Tapos inakbayan ko siya. Napatingin siya sakin. Akala ko magreReact siya pero wala.
Kaya eto, hanggang makarating kami ng school eh nakaakbay lang ako sa kanya. Ito ang tinatawag na Hokage Moves 101 by Andrei Villarreal.
Cassey's POV
Para talagang ewan to si Andrei. Sa dami-dami ng hayop sa mundo, sa chimpanzee pa ko inihalintulad. Tapos eto, nakaakbay siya sakin. Hay nako. Pero hinayaan ko na lang, si Andrei naman yan eh.
"Goodmorning Cassey!!" Bati ni Darren pagkapasok ko sa room. NagHello na lang ako sa kanya at dumiretso sa upuan ko.
"Cassey! Si manliligaw no.2 mo nasa labas!!" Sigaw nung isa kong kaklase. Wews. Seriously? Manliligaw no.2?
"Oh, Calvin. Anong ginagawa mo dito?"
"Gusto lang kitang batiin ng Good morning. Here." Inabutan niya ko ng card. Napataas yung kilay ko. "I know there's no occasion but I want to give you that. Para maalala mo ko lagi."
"Thank you. Sige na, malapit na magsimula ang klase. Pasok ka na." Tumango naman siya at umalis na. In fairness, kinilig ako sa card-card choo-choo. Nakakakilig. Binuksan ko yung card. Lyrics ng kanta yung nakasulat.
To: Cassey
"I like the summer rain,
I like the sound you make,
We put the world away,
Yeah, were so disconnected."
BINABASA MO ANG
Heartbreak Girl
JugendliteraturLahat ng tao nasasaktan. Lahat ng tao nasusugatan. Ika nga ng iilan, karanasan yun na kailangang maranasan ng lahat. Pero bakit siya? Bakit palagi siyang nasasaktan? Kasalanan niya bang mahulog sa maling tao? At kasalanan din ba niyang balewalain a...