Chapter 4

68 3 1
                                    

Mabibilis ang mga hakabang namin ni Monica palabas ng bahay. Ng makarating kami sa Lawn ay kumubli kami sa bandang hardin.

"Ako ang kinakabahan sa gagawin nating ito friend." Nag aalalang wika ng bestfriend ko.

"Sshhhh," saway ko kay monica

"E, kasi nama-" putol ko sabi niya

"Huwag ka ngang maingay dahil baka mamaya may makarinig sa atin eh." Pabulong kong saway dito.

"Paano kung pumalpak tayo?" Tanong niya.

"Hindi tayo papalpak kung gagawin mo ang lahat ng sinabi ko. And don't get nervous. Dahil kapag ninerbyos ka'y katapusan ko na iyon." Lalong kinabahan si monica sa sinabi ko.

"Paanong hindi neneebyusin, delikado kaya itong ginagawa natin? Kapag pumalpak ay hindi lang ikaw ang kawawa kundi pati rin ako at sina-" putol ko ulit at naiirita na talaga ako.

"Enough! Kailangang lakasan nating  lahat ang ating loob dahil kailangan kong gawin ito. Because i don't want to die, Monica. Not yet. Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay." Sa narinig ni monica ay lumakas ang loob nito.

"Friend, gagawin ko 'to for you. Alam mo namang mahal na mahal kita. Magkasama tayo since high school sa hirap at ginhawa. Ayokong may masamang mangyari sayo dahil parang kapatid na ang turing ko sa iyo." Niyakap ko siya sa sinabi niya.

"Salamat Monica"

Marahan kaming lumapit sa gate pero napansin parin kame ng security guard na si Louis.

"Ma'am Avril, saan ho kayo pupunta? Gabi na ho." Nag aalalang tanong nito sa akin. Napansin ko si monica na ninenerbyos pero hindi ko nalang ito pinansin.
Binalingan ko ang guard at tinaasan ng kilay.

"Bakit mo tinatanong kung saan ako pupunta? Ikaw ba ang Papa ko? Napakamot ng ulo ang guard.

"P-pasensya na ho ma'am. Nag-aalala lang ho ako dahil gabi na. Saka bukas na ho ang kasal niyo."

"Alam ko. You don't have to remind me that. Pero kapag kasal na ako'y hindi ko na pwedeng gawin ang mga dati kong ginagawa kaya gusto kong maglakad lakad kami ni Monica."

Lumabas na kami ng gate ni Monica. Mahkahawak pa kami ng kamay habang naglalakad sa kalsada na animo'y namamasyal kami sa gitna ng kabilugan ng buwan.

Nakarating kami sa kanto. Tuloy parin kami sa paglalakad. Maya maya ay may sumulpot na isang itim na van sa likod namin at lumabas ang dalawang lalaking may suot na bonet.
Bigla nila akong hinablot nag pupumiglas ako.

"Bitiwan nyo ko!" Nakawala ang isang kamay ko at sinampal ko ang lalaki pero agad nya ding nahawakan ang kamay ko at naisakay sa van.

"Bitiwan nyo ang kaibigan ko mga putangina nyo!" Habol ni monica sa akin.

"Monica, help! Tulungan mo ko...!"
Naiiyak kong sabi dito.

"Avril...!"

Pinaharurot na ng driver ang van. Naiwang natataranta si monica.

Hindi na natanaw ni Monica ang Van dahil sa sobrang bilis nito.

"Oh my God!"

Nagtatakbo siya patungo sa mansyon.

"Luis... Luis!"

"Ma'am Monica? Asan ho si ma'am Avril?"

Bago pa makasagot si Monica ay nawalan ito ng malay. Mabuti nalang nasalo siya agad ng security guard.

- - - - -

Malayo na sila Avril. Matapos niyang magsuot ng jacket, itali ang mahaba niyang buhok at ikubli sa blue na cap ay iniwan nila ang itim na van sa bakanteng lote na sakop ng Lian, Batangas.

Dumating ang isang kulay pulang Lancer na minamaneho ni Dennil at huminto sa harap nila. Mabilis na sumakay si Avril kasama ang tatlo pang lalaki. Sa Bataan sila tumuloy upang mailigaw ang mga pulis na mag- iimbestiga.
Tinalunton nila ang makipt at mabatong kalsada na sakop ng Tipo, Bataan. Malayong-malayo sa highway ang bungalow na iyon na solong nakatirik sa bukan ng kadawagan.
Nang umibis si Avril sa kotse kasunod ang apat na lalaking 'kumidnap' sa kanya'y mabilis niyang tinungo ang bahay.

Sumunod sa kanya si Dennil dahil ito ang may hawak ng susi ng bahay. Binuksan ni Dennil ang front door at pumasok silang lahat.

Bumaha ang liwanag sa loob ng bahay nang kapain ni Dennil ang switch ng ilaw at i-on.
Maayos ang loob ng bahay. Magaganda ang furnitures at iba pang gamit na hindi mo aakalaing nasa probinsya ka. Bago ka makarating sa dalawang elevated bedrooms na nasa left side ng bahay ay aakyat ka sa hagdan ng four steps lang naman. Maayos ang kitchen at malinis kaya habang naririto siya ay kailangan niyang ipagluto ang sarili. Siyemper'y wala siyang kasamang maid dito na magluluto para sa kanya. She's on her own for a couple of days. Wala soyang pwedeng utusan.

"Puno na ng laman ang fridge pati na ang cabinet kaya kahit hindi ka mamalengke for one week ay pupuwede," sabi ni Dennil bago nito buksan ang fridge.

"May beer kang binili?" Tanong ni Avril.
"Yap." Sagot ni Dennil
"Mag-inuman tayo," aya ni Avril sa apat na lalaki. Nagsimula silang uminom.
"Pasensya ka na nga pala kanina, Toffee. Nasampal kita." Dispensa ni avril sa lalaki.

"Wala iyon." Nakangiting sahot ni Toffee sa kanya. "Ang usapan naman natin ay manlalaban ka kunwari para hindi ka mabisto kung sakaling may ibang nakakita sa pagdukot namin sa iyo maliban kay Monica."

"Isa pa. . . " sabad ni Dennil kaya napatingin si Avril. " sanay namang masampal iyang si Toffee. Kasi kapag nag-aaway sila ng girlfriend niya'y lagi siya nitong sinasampal. Mag asawang sampal pa ang binibigay sa kanya."

Nagkatawanan sila. Ni hindi nakikitaan si Avril ng takot na nag-iisa lang siyang babae no'n na pulos barako ang kasama niya sa iisang bubong sa ganiyong dis-oras ng gabi. At buong magdamag silang magkakasama rito sa bahay.

Kilala niya ang mga ito high school pa lamang siya. May tiwala siya sa mga ito. Ang totooy may mas tiwala pa siya sa mga ito kaysa sa nobyo niyang si Phil. Ganoon din ang apat sa kanya. Kaya kahit manganib ang buhay ng maga ito dahil sa isinagawa nilang plano ay walang reklamo ang apat.

Naupo sila sa harap ng Round table na pang animan, maliban kay Dennil. Ito ang kumuha ng anim ng beer na nasa lata. Kumuha rin ito ng peanuts.

"Mag luluto pa ako ng pulutan natin. Anong gusto niyo, beef tapa or fried chicken?"

"Beef tapa," sagot ni Avril saka bumaling sa taylong lalako na sina Toffee,Ritchie at Greggy. "Kayo, ano ang gusto nyo?"

"Beef tapa narin" duweto nina Ritchie at Greggy.

"Ako, okay na amo sa peanuts." Sabi naman ni Toffee.

Nagsimula sila g uminom habang nagluluto si Denn. Nang matapos itong magluto'y naki-join na rin sa kanila.

"Siya nga pala, Avril-"
"What?"
"Last night dumating na si Lwrence."

Biglang natigilan si Avril at nag-init ang mga pisngi. Hindi niya alam ang sasabihin ay iisipin ng mga oras na iyon.

[Susunod]

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon