Chapter 17

72 3 0
                                    

Avril Pov ..

Maaga pa lang kinabukasan ay nasa office na ako at si Tito Rudy.

Sunod sunod na napailing si Tito Rudy, bago napapaltak ng malakas.

"I can't believe it...!"

"Ang alin, Tito Rudy? Iyong ginawa kong pag papakidnap sa sarili ko?"

"No," iling ni Tito sa akin.
"Naiintindihan kita kung bakit mo iyong ginawa. Ang ikina gulat ko ay ang kawalang hiyaan ni Phil at ang madrasta mk. Kung titingnan mo si Mabel ay parang hindi makabasag pinggan sa sobrang bait nito. Iyon pala ay nakatago lang ang dalawang sungay at buntot na sa loob pa ng kulo!"

Napatango tango ako sa mga sambit ni Tito, kahit ako man ay hindi ko inaakala na ganoon pala ito.

"Kaya nga ho buhay ng malaman ko ang katrayduran nila hirap na hirap na akong itago ang galit ko. Pinag isipan kong mabuti ang aking gagawin upang huwag silang magtagumpay sa masamang binabalak nila sa amin ni Papa."

"Pero pinakaba mo ako nung bigla kang mawala. Paniwalang paniwala ako na kinidnap ka nga. At si Monica ay hinimatay pa raw sabi ng Papa mo. Talaga bang alam niya ang totoo nung umpisa pa lang?"

Natawa naman ako doon hahaha.

"Alam niya ho Tito, pero nerbyosa ho talaga yung si Monica."

"Alam na ba ito ng iyong Papa?"

"No, Tito. Baka mabigla ang Papa kapag nalaman niya ang balak nina Phil at Mabel. But definitely he will know. Ipagtatapat ko ang lahat sa kanya in due time."

- - - - -

Araw ng Linggo, day Off ng private nurse ni Papa kong si Libby. Kaya ako ang mag aalaga sa kanya. Tapos na kaming mag breakfast ni Papa kaya nag lakad lakad kami patungo sa Plaza sa loob ng Subdivision.

"Kailan daw babalik si Libby?" Tanong ni Papa sa akin, habang mRahan kong tinutulak ang wheelchair sa bandang likuran. Paikot-ikot kami no'n sa Plaza.

"Mamayang gabi ay andito na siya, Papa. Namimiss niyo na ba agad ang nurse niyo?"

"Natutuwa ako sa batang yon. Para rin siyang si Monica na madaldal at pala kwento. Nakakalibang siyang kasama. Minsan nga ay nakakatulugan ko na ang pag kukwento niya." Napangiting sabi ni Papa good to him.

"Natutuwa naman ako sa sinabi nyo Papa. Nung una kasi'y ayaw niyo pang pumayag ng sabihin kong kumuha ako ng private nurse na mag aalaga sa inyo."

"Paano'y nandiyan naman si, Mabel. Naaalagaan niya naman ako ng husto." Pag dadahilan nito.

"Papa, mas maganda po kung talagang marunog ang mag aalaga sa inyo. Isa pa, may time rin namang kailangan si Mabel na mag relax, mag shoppong, mamasyal... Alam nyo namang bata pa ang second wife niyo kaya baka mainip iyon kung lagi lang siyang nakapirmi dito sa bahay."

"Kunsabagay at tama ka riyan. Kaya lang nung umpisa'y parang nag seselos si Mabel kay Libby. Buti nalang ng nagtagal at naintindihan din niya kung bakit kailangan mo pang kumuha ng nurse para sa akin."

Matapos kaming mamasyal ni Papa sa Plaza ay umuwi na kami.
Pag pasok palang nami. Sa sala ay agad kaming sinalubong ni Mabel.

"Tumawag si Phil, Avril. Nagbilin siyang tawagan mo raw siya."

Napasimangot ako sa sinabi ng Madrasta. Bukod sa pagtawag sa akin ni Phil everyday ay parati rin namang itong nagpupunta sa bahat pati narin sa opisina, ano pa nga ba para kulitin ako sa reschedule ng kasalan namin. Ang gusto soon as possible matuloy ang kasal.

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon