Marahan akong pumasok sa Master bedroom at nadatnan kong pinapakain pa lang ng madrasta kong si Mabel ng kanyang Papa.
"Hi, Papa." Masaya kong bati bago ako humalik sa kanya.
"Princess saan ka ba galing?" Pilit akong ngumiti kay papa
"May binili lang ako sa Boutique, papa"
"Kasal mo na sa makalawa kaya hindi ka na dapat lumalabas ng bahay."
"Papa, it's an old saying. Hindi naman ako naniniwala ron. Pero kasama ko naman ho si Monica at isa pa nag iingat naman po ako."
Lumapit ako malaking kama at binalingan ko ang madrasta na nasa beinte otso lamang ang edad.
"Pwede bang ako nalang ang mag pakain kay papa?"
Nakangiti naman siyang tumago.
"Lalabas na muna ako. May ibibilin lang ako kay Manang Virgie."
"Sige ako na ang bahala kay Papa."
Mabuti na lang at lumabas na siya. Mabuti't nahalata niya na gusto kong kausapin si papa.
Sinubuan ko si papa ng soup, simula kasi ng atakihin si papa sa puso ay hindi na ito nakakalakad. Lagi lang siyang nasa wheelcahir dahil patay ang kalahti niyang katawan, mula bewang pababa.
Pero sabi ng doktor ay posible pa raw makalakad si papa, sa tulong ng therapy at sa pag pupursige parin niya."Kaya ko namang kumain mag isa, maging si Mabel ay hindi naman ako sinusubuan ng pagkain. Inaayos niya lang ang pag kain dito sa bed table at hahayaan niya akong kumain ng mag isa."
"Gusto kitang subuan papa. Tulad ng ginagawa mo sa akin noong maliit pa ako," nakangiting sabi ko pero nalulungkot parin ako.
Nakikita ko ang mga pictures namin ni papa na kasama si mama na sobrang saya.
Meron na sinusubuan ako ni papa ng spaghetti sa halip na ako ang may suot ng bib si papa ang may suot non. Meron din na ang dusing dusing ko sa picture, puno ng chocolates ang mukha ko kamay pati narin ang dibdib ko. Pero nakahalik si papa at mama sa aking pisngi kahit na madumi ang akong mukha.Pero tuwing nakikita ko ang mga litratong yun nalulungkot ako at hindi ko mapigilang maiyak. Lalo na't wala na ang mama noong 17 years old ako. Ni hindi niya naabutan ang Debut ko. Samantalang mas excited pa si mama sa Araw na iyon .
Natauhan ako ng hinaplos ni papa ang kaliwang pisngi ko.
"You're very serious. Nitong last two months ay lagi kang masaya at very excited sa pag papakasal ninyo ni Phil. Maybe you're nervous now dahil malapit na malapit na ang kasal niyo."
Pilit kong nginitian si papa, na patuloy parin niya ang paghaplos sa kaliwa kong pisngi.
"Mmm. My princess is getting married," nagbuntong hininga siya
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. May iba ka ng mahal at pangalawa na lang ako para sa iyo""Pero wala ng makakapalit sa inyo dito sa puso ko papa. Ang asawa ay napapalitan pero ang ama ay hindi, ikaw lang ang nag iisang papa ko rito sa buong mundo"
Marahang tumawa si papa sa sinabi ko.
"Sa tingin nyo pa, pwede na ba talaga akong mag asawa?"
"But of course, my princess" mabilis na sagot ni papa. "Matalino ka masipag. Kaya mong gawin ang lahat, kapag may gusto kang gawin ay pinag-aaralan mong mabuti at ginagawa mo ng tama. I know you'll pass as a wife and a mother someday with flying colors"
"E, si phil, papa? Okay na ba siya para sa inyo?"
"Yes" mahinang sagot ni papa.
"Pero balewala naman ang opinyon ko dahil yun ang nararamdaman mo. Kung mahal mo si Phil na kahit ayaw ko pa sa kanya'y damdamin mo parin ang dapat masunod. Ikaw naman ang makikisama sa kanya""Hayss, but your opinion si important to me, papa" sabi ko kay papa
"Okay" napauntong hininga siya.
"I like that guy, matalino siya at may itsura. Mahusay mag patakbo ng negosyo, kaya matutulungan ka niya na patakbuhin ng maayos ang Trajano Group of Companies lalo pa nga't mas gusto mong mag cocentrate sa pag pipinta mo. But then, kung minsan ay inaamin ko na naiinis ako sa kayabangan niya. Pero wala na siguro tayong magagawa roon, ganon na talaga siya" mahabang paliwanag niyaNaalala ko noong first year college ako na sa halip Commerce ay Fine arts ang kinuha ko. Kahit na nadis-appoint sa akin si papa ay hinayaan niya lang ako. At the time ay malakas pa siya at masyado pang abala sa pag nenegosyo. Unti unti rin akong nakilala bilang isang artist lalo pa nga ay every year ay ine-exhibit ko ang mga painting na gawa ko kasama ang paintings ng ibang baguhang artist.
Pero habang unti unti ako nagtatagumpay ay saka naman na stroke si papa, kaya ngayon kailangan ako sa company. Buti nalang ay narian si Phil. Hindi pa namin napagusapan ang kasal noon ay sinabi niya sa akin na willing siyang tumulong sa pagpapatakbo ng negosyo namin.
Then, napagkasinduan naming magpaksal at nagusap narin kami ni phil tungkol sa kumpanya. Gusto niya na siya ang mamahala sa Trajano Group of Companies kapag kasal na kami. Ang gusto niya kasi ay mag cocentrate ako sa pag pipinta. Pumayag naman ang papa, and Phil was very happy to accept it."Papa kung an man ang gawin ko isipin na lamang ninyo na ginagawa ko ito para sa ikabubuti natin"
Ngumit si papa habang tumatango-tango.
"I know, i know princess. "
"And wag ka mag alala sa akin papa. Lagi ninyong isipin na kahit ano ang manyari, i can take care of myself"
Napansin ko na bahagyang nagtaka si papa pero hindi ko na lamang siya pinansin.
[Susunod]
BINABASA MO ANG
Princess is Getting Married ( COMPLETED)
RomanceAVRIL TRAJANO is princess in her own right. She has everything money can buy and a father who loves her so much. She's engaged to be married to PHIL, son of wealthy bussinessman. At marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa. But a night be...