"Hatinggabi na, Phil. Dapat siguro'y umuwi ka na para naman makapagpahinga ka. Alam kong pagod ka rin," pagmamalasakit ni Mr. Trajano sa nobyo ng anak."Okay pang ho ako, Tito Frank. Gusto ko hong hintayin ang tawag ng mga kidnappers. Gusto kong malaman kung anong gusto nila."
"Baka hindi pa ngayon tatawag-" naputol ang pagsasalita ni Mr. Trajano nang biglang mag-ring ang phone.
Si Mabel ang mabilis na dumampot ng telepono.
"Hello?" Napatingin ito sa gawi ng dalawang lalaki at pabuling na sinabing. "Ang isa sa kumidnap kay Avril..."
Agad na lumapit si Phil kay Mabel at inagaw dito ang telepono.
"Hello?"
"Mr. Frank Trajano-"
"No. Si Phil Braganza ito."
"Ikaw ba ang Father ni Avril?"
"Fiance niya ako."
"Hindi ikaw ang gisto naming makausap kundi si Mr. Frank Trajano!" Buluaw ng kidnapper kay Phil. Parang napahiya ang lalaki. Agad nitong binigay ang telepono kay Mr. Trajano."Kayo ang gustong makausap." Tanging sinabi ni Phil
"Hello? Asan ang anak ko?"
"Maayos ang anak mo, Mr. Trajano. Mananatili siyang maayos at makakalaya agad kung makikipag-cooperate ka sa amin,"
"Magkano ang gusto niyo?"
"Maghanda ka ng dalawang milyonh piso, Mr. Trajano. Tayawag ulit ako para sabihin kung kailan n'yo ibibigay ang pera at kung saan."Naputol na ang kabilang linya.
"Hello..Hello...?"
Lumapit si Phil kay Mr. Trajano.
"Ano ang sabi ng kidnaper Tito Frank?"
"Dalawang milyon ang hinhinging ransom, tatawag na lang daw sila ulit kung kailan ibibigay at kung saan."
"Two million pesos lang? Ang iniisip koy hindi bababa sa ten million pesos ang hinihinging ransom ng mga kidnappers. Hindi ako makapaniwalang small-time kidnapers lamang ang mga dumukot kay Avril." Inis na palatak ni Phil."Ayoko ng problemahin pa ang tungkol sa bayan nayan, Phil. Ang mahalaga'y maibigay ko kaagad ang hinihingi nila upang makauwi na agad ang akong anak."
"Ako na magdadala ng pera sa mga kidnappers." Prisinta ni Phil
"Saka ma natin pagusapan ang tungkol diyan. Masyado akong napagod aa mga nangyayari, gusto ko ng magpahinga."
Tumango si Phil."Mag-papaalam na rin ako, Tito Frank."
"Mag-iingat ka." Sabi ni Mr. Ttjano bago binalingan si Mabel. "Ikaw na ang bahalang maghatid sa kanya sa may gate, Mabel."
"Oo, Frank."Nagpatulong si Mr. Trjano sa security na si Luis at sa driver na si Nestor para makapanhik sa kuwarto. Si Mabel naman ay inihatid si Phil hanggang sa may labas ng gate.
"Buwisit talag ang mga kidnapers nayun. Kung hindi lang ako nag-aalala na baka mapahamak si Avril ay nag-report na ako sa mga pulis." Inis na piksi ni Phil.
"Bakit hindi ka mag-report." Tanong ni Mabel sa lalaki.
"Para ano? Para mag karoon nG dahilan ang mga kidnapers na patayin si Avril? Hindi pa natutuloy ang kasal namin kaya hindi pa siya dapat mamatay. Ayokong mauwi sa lahat ang nga pinaghirapan kong planuhin."
"Paano kung matapos maibigay abg ransom ay patayin si Avril?"
"Hindi siya pwedeng mamatay!" Bulyaw ni Phil kay Mabel. "Not yet. Dahil hindi pa kami kasal at wala pa akong karaparan sa lahat ng kayamanang mamanahin niya mula sa inutil mong asawa!"
Hindi kumibo si Mabel. Alam niyang masamang-masama ang loob ni Phil sa mga nangyayari at ayw niya na iyong dagdagan pa.
[Susunod]

BINABASA MO ANG
Princess is Getting Married ( COMPLETED)
RomanceAVRIL TRAJANO is princess in her own right. She has everything money can buy and a father who loves her so much. She's engaged to be married to PHIL, son of wealthy bussinessman. At marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa. But a night be...