Naupo si Phil sa silyang nasa tabi ni Atty. Meneses na nag iisa nalang na bakanteng upuan. Dinalhan agad ng food ni Nanay Lydia ang nobyo ng alaga.
"Tuwang tuwa ako ng tawagan ako ni Mabel kanina para ibalitang nakabalik ka na. Halos ng lulundag ako sa sobrang tuwa," sabi ni Phil habang kumakain.
Pinukol ng matalim na sulyap ni Avril ang madrasta. Hindi talaga nakatiis ang bruha, tinawagan agad si Phil para ireport na nagbalik na siya.
"And now that you're already here, puwede na nating pag-usapan ang tungkol sa ating kasal. Kung kailan natin ito ire-reschedule."
"I'm sorry to disappoint you, Phil, but that's not my priority at this gime."
Biglang napawi ang ngiti sa mga labi ni Phil sa narinig.
"Ano'ng ibig mong sabihing hindi ang kasal ang priority mo sa ngayon? Dapat nga ay kasal na tayo last week pa kung hindi lang dahil sa nangyari-"
"May kaunting problema sa kumpanya at kailangan naming ayusin iyon ni Tito Rudy kaya iyon muna ang pagtutuunan ko ng pansin."
"Anong problema sa kumpanya, Iha? Wala yatang nabanggit sa akon ang Tito Rudy mo," tanong no Mr. Trajano na nagpalipat lipat ang tingin sa anak at sa pinsan.
"Minor problem lang na hindi pwedeng i-discuss ngayon, Papa. Pero huwag kayong mag alala dahil kami na ang bahala roon ni Tito Rudy," sagot niya sa ama bago bumaling kat Atty. Meneses at ngumiti rito. "Right, Tito Rudy?"
"That's right, Frank. Kami na ang bahala roon ni Avril," sagot ni Atty. Meneses kahi na nga alam nitong wala naman talagang problema sa kumpanya.
"Paano ang kasal natin, Avril?" Litong tanong ni Phil sa dalaga.
"It can wait, Phil. Puwede natin iyong i reschedule next month. Saka na natin pag usapan ang tungkol do'n."
Halatang masama ang loob ni Phil pero wala naman itong magawa.
Naunang nagpaalam si Atty. Meneses sa kanila bago sumunod si Phil. Si Monica ay naiwan dahil pinigilan ito ni Avril.Nakasilip ng pagkakataon na sitahin ni Avril ang madrasta bago ito pumasok ng bahay at naiwan ang Papa niya sa beranda.
"Ano'ng karapatan mong pangunahan ako, Mabel?" Tinaasan ko siya ng isang kilay.
Napatigil sa pagtungo sa kusina si Mabel at humarap kay Avril. Nakahalukipkip si Avril habang naghihintay sa sagot mula sa madrasta.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Avril...?"
"Hindi mo alam ang ginawa mo? O nagta tanga tangahan ka lang? Who gave you the right to call Phil?"
Hindi nakatingin ng diretso da kanya si Mabel.
"I-iyon ba? Naisip ko lang kasi na gusto mo siyang makita at makausap para pag-usapan ang tungkol sa inyong kasal."
"Sa susunod ay huwag mo akong pakialaman. Mind your own business at ilugar mo ang sarili mo sa dapat mong kalagyan." Inis na tinalikuran ni Avril si Mabel at pumanhik siya sa kwarto.
Hindi niya na nakita ng ismiran siya ng Madrasta.
Pagpasok niya sa kuwarto'y naghihintay na roon sa kanya si Monica.
"Ang tagal mo naman, friend. Saan ka pa ba nagpunta?"
"Tinarayan ko lang si Mabel dahil sa ginawa niyang pagtawag kanina kay Phil para puminta rito."
Pabagsak siyang naupo sa kama sa tabi ni Monica.
"Siya pala ang nag papunta kay Phil dito?"
"Sino ba sa akala mo?"
"Ikwento mo naman sa akin iyong pag kawala mo ng ilang araw. Ibinlita sa akin ni Dennil na pinuntahan ka raw doon ni Lawrence?"
Malungkot siyang tumango sa kaibigan.
"Eh bakit parang malungkot ka friend? Dahil ba nakiki pag balikan ka na sa kanya, pero ni reject ka niya?" Biro ng kaibigan.
"Hindi' no. Gustuhin ko man na makipag balikan sa kanya ay hindi na pwede. May girlfriend na siya, Hazel ang pangalan at kasal na lang ang kulang sa kanila."
"Ano ang balak mo ngayon, friend?" Nag aalalang tanong sa kanya ni Monica.
Nagkibit-balikat si Avril.
"Ayusin ang buhay ko. Pag aaralan ko kung paano pamahalaan ang kumpanya namin sa tulong ni Tito Rudy. At tuluyan ng patalsikin sa buhay ko ang Phil na iyon.""At ang madrasta?"
"Iniisip ko pa kung paano siya mawawala sa buhay namin ni Pala. Pero hindi ako matatahimik habang kasama ko siya rito sa bahay. At alam mo bang natatakot na rin akong ipaubaya sa kanya ang pag aalaga niya kay Papa? Baka kasi kung ano ang maisipan niyang gawin."
"So gusto mong kumuha ng nurse para mag alaga sa Papa mo?"
"Yeah. Iyong mapag kakatiwalaan ko."
"May pinsan akong nurse, si Libby. Kilala mo iyon."
"Oo twice ko na siyang na meet. Pero hindi ba't nag ta trabaho iyon sa clinic doon sa Pasay?"
"Oo pero noon niya pa gustong umalis doon dahil maliit daw ang sweldo. Tamang tama naghahanap ka ng nurse para sa Papa mo. Gusto mong tawagan ko siya?"
"Sige, Monica please?"
"Sige mamaya pag uwi ko ng bahay ay tatawagan ko agad si Libby."
"Stay in ang gusto ko, Monica. Sunday ang day off niya dahil sisiguraduhin kong kapag araw ng Linggo ay naririto ako para ako naman ang mag babantay kay Papa. Kung magkano ang sweldo niya sa pinapasukan niya sa clinic nayun. I'll double it. Bukod doon ay bibigyan ko rin siya ng thirhteenth month pay plus Christmas bonus kapag December."
- - - - -
Doon sa kanila kumain ng Lunch at nag afternoon snack si Monica bago ito nagpaalam na uuwi na. Hindi na nag dinner si Avril. Nagdahilan siyang matutog na pero ang totoo'y inilabas niya ang mga gamit niya sa pag pipinta at sinimulang ipinta si Lawrence. Sa isipan niya pinipiga ang itsura ng lalaki habang nakahiga ito at natutulog sa duyan malapit sa ma-made lagoon.
Magha hatinggabi na ng matapos niya ang pagpipinta. Nang nakahiga na siya sa kama'y saka niya naramdaman ang pagod. Pero maramot pa rin ang antok sa kanya. Kamusta na kaya si Lawrence?
Napabuntong hininga si Avril. Hindi niya alam kung magkikita pa kaya sila ulit ni Lawrence. Sa bawat segundong naiisip niya ang lalaki'y nakakaramdam siya ng takot na baka isang araw ay mabalitaan niyang kasal na ito kay Hazel at babalik na ulit silang dalawa sa States.
Ganito siguro talaga ang buhay. You never know what fate has in store for you. Sana lang ay maging masaya rin siya sa bandang huli. Kasi hindi naman siya masamang tao.
[Susunod]

BINABASA MO ANG
Princess is Getting Married ( COMPLETED)
RomanceAVRIL TRAJANO is princess in her own right. She has everything money can buy and a father who loves her so much. She's engaged to be married to PHIL, son of wealthy bussinessman. At marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa. But a night be...