Chapter 13

67 4 0
                                    



Napapiksi ng ilang beses si Phil bago sinuntok ang pader sa may gilid ng beranda.

"Ang akala ko'y small-time kidnapers lamang sila. I thought wala silang mga utak. I was wrong,"

Pag gigil na sabi ni Phil habang pailing - iling ito.

"You can say that again, Phil" pag-sang ayon ni Mr. Trajano sa sinabi ng lalaki.

"Hindi ba pwedeng ako nalang ang magdala ng ransom na hinihingi nila?"

"No Phil" iling ni Mr. Trajano
"Babae ang hiniling ng mga kidnapper na magdala ng ransom sa pinag-usapan naming ligar. At ayokong sumira sa pinag-usapan namin dahil ayokong ito ang ikapahamak ng aking anak."

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga at humalikipkip si Phil sa sinabi nj Mr. Trajano.

"I understand. At sana'y huwag din silang sumira sa pinag-usapan ninyo. Sana'y ibalik nila buhay ni Avril pagkatapos nilang makuha ang ransom."

"Iyon din ang aking pinag darasal, Phil. Gusto kong makabalik sa lalong madaling panahon si Princess ng ligtas," tumango tangong saad ni Mr. Trajano habang nang gigilid ang luha sa mga mata ng ama ni Avril.

Napaka sakit isipin na nasa panganib ang buhay ng kaisa-isahan mong anak. Nahihirapan at natatakot pero hindi mo siya madamayan at masamahan.


- - - - - -

Napakislot si Avril ng mag ring ang cellphone sa kanyang bulsa. Lima lang ang inaasahan niyang tatawag sa kanya o mag tetext . It's either si Tofffee, si Dennil, si Monica, si Greggy o si Ritchie.

Ang mga ito lang kasi ang nakakaalam ng number na iyon kasalukuyan. Mumutahin lang ang cellphone na ito. Anim ang binili niya pare-parehong pre-paid at ibinigay niya sa lima ang iba pa. Sa mga cellphone na binili niya sila nag uusap. Ang alam niya'y ginamit na ritchie ang cellphone nito sa pakikipag usap sa Papa niya ganun din ang cellphone na hawak ni Greggy.

Kabilin bilinan niyang kapag nagamit na ang cellphone ay sirain na at saka itapon. Ganun din ang gagawin niya sa cellphone na hawak niya kapag kailangan na niyang bumalik doon sa kanila.

"Hello?"

"Si Dennil ito, Avril."

"Dennil? Ano na ang balita? Nakuha nyo na ba ang ransom?"

"Yes." Marinig niyang sagot ni Dennil sa kabilang linya.

"Good. Pwede nyo na ibigay kay Monica. And then kami na ang magbibigau no'n sa iba't ibang charitable institutions gaya ng plano."

"Yes mam." Pabirong sagot ni Dennil sa kanya.

Napangiti si Avril.

"Dennil, thanks ha? Sa inyo nina Toffee, greggy at ritchie, salamat ng marami. Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan dahil sa ginawa ninyo."

"Kaibigan ka namin Avril. Hindi ka namin pwedeng pabayaan."

"Salamat pa rin"

"Kailan ka uuwi sa inyo?"

"Bukas na bukas din."

Matapos niyang makipag-usap kay Dennil ay pinahid ni Avril ang luha sa mga mata. Dapat ay matuwa siya dahil makakabalik na siya sa kanilang bahay. Pero sa halio ay nalulungkot siya. Dahil ang ibig saibhin non ay kailangan na niyang lisanin ang lugar na ito. At kailangan na nilang nag hiwalay ni Lawrence from here.

Inayos ni Avril ang sarili dahil baka naghihintay na si Lawrence sa labas dahil may usapan sila na pupunta sila sa bayan upang mamili.

Pagkalabas ni Avril sa kwarto ay nagulat pa siya ng makitang nasa harap ng pinto si Lawrence.

"L-lawrence? A-alis na ba tayo?"

Sa halip na sumagot ay hinawakan siya nito sa braso at hinila papasok sa silid.

"Lawrence, bakit....?"

"We will talk," nakakunit ang noong sagot nito bago sinira ang pinto.

Pinaupi siya ni Lawrence sa kama habang ito'y nanatiling nakatayo sa harap niya.

"A-ano ang pag uusapan natin.?"

"Ang akala ko'y tinalikuran ka ng fiancé mo. Na kunwari'y kinidnapka para mapagtakpan ang kahihiyan mo. But i was wrong. It's the other way around. Ikaw ang gustong umurong sa kasal ni yo at nagpakidnap ka kay Dennil."

"Lawrence..."

"At para magmukhang totoo ang pag kidnap sayo ay humingi ka ng ransom? Anong klaseng tao ka para maisip mong lokohin pati ang iyong Papa? At bakit ka nga ba uurong sa kasal ninyo ng fiancé mo, ha? Dahil sawa ka na sa kanya?"

Napaiayak si Avril sa pang- aakusa sa kanya ni Lawrence. Galit niyang pinahid ang luha saka siya tumindig.

"Saka na nating pag usapan ang tungkol sa bagay na iyan."

Bago pa siya nakarating sa may pinto ay napigilan soya nito. At hinila pabalik sa kama.

"Pag usapan natin to, and i mean now."

"I hate comfrontations."

"I know that. You hate comfrontations because you hate to admit your faults."

"Enough!" Pasigaw kong sambit "gusto mo ba talagang malaman ang totoo ha! Oo, ipinakidnap ko ang sarili ko. Kinausap ko si Dennil para isagawa ang plano, pati si Monica na magiging witness sa pag kidnap sa akin...." Umiiyak na sambit ni Avril.

Napailing ng sunod sunod si Lawrence.

"Hindi ko alam kung ano ang iisipin. Pero alam mo bang sa ginawa mo ay posibleng mapahamak  sila Dennil? Naisip mo bang baka mapatay sila kung hindi kayo agad nakalayo?"

"I know but i have to take the risk. Sinabi ko naman sa kanila iyon at willing parin silang tulungan ako."

"Willing kang tulungan ka sa mga kalokohan mo? I can't believe it! Tell me, paano mo silang nauto, ha? Im sure hindi sila kakagat kahit na mag offer ka pa ng malaking pera. May pera rin sila. Pare-pareho na ba kayonh nasisiraan ng bait?"

Napapikit si Avril. Lalo pang namlisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I have yo take the risk because, i wanted to save my life and my Father's life !"
Madamdaming sabi niya na napagaralgal pa ang boses.

Nagulat si Lawrence.

"What are you saying?"

Sa pagitan ng mga hikbi ang iknwento ni Avril ang tungkol sa relasyon nina Phil at Mabel. Maging ang balak nito sa papa niya at sa kanya after wedding.

"That bastard!...." Galit na sambit ni Lawrence bago siya nito niyakap.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? I thought you trusted me?"

Lalo lang siyang napaiayak sa dibdib ng lalaki. Matagal siyang nakasubsob sa dibdib ni Lawrence habang masuyo nitong hinahagod ang likod niya at ulo,

"Huwag ka ng umiyak. Andito ako. Kung nagawa kang tulungan ni Dennil dahil itinuring ka talag nilang kaibigan, i'm also here. I'm also your friend."

Parang lalong obig umiyak ni Avril sa huling sinabi ni Lawrence. Friend? Kaibigan na lang ang turing sa kanya ni Lawrence? Hanggang doon na lamang ba sila ngayon?

Maya maya'y iniangat ni Lawrence ang mukha niya at pinahid nito ang luha sa mga mata ni Avril.

"Stop crying," sabi ulit nito bago  dinampian ng halik ang mga mata ni Avril, sunod ang noo ng dalaga ang magkabilang pisngi, ang tungkil ng ilong.
Nang siilin siya ng halik sa labi ni Lawrence ay napapikit si Avril. Parang ayaw na niyang matapos ang mga sandaling iyon.

Si Lawrence rin ang bumitiw sa mga halik na iyon.

"Aalis pa tayo. Hindi tayo makakaalis kung ganyang sinesedyus mo ako." Tudyo nito sa kanya.

Naginit nang husto ang mga pisngi ni Avril sa sinabing iyon ni Lawrence.



[Susunod]

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon