Chapter 7

80 3 0
                                    

Lawrence Pov

Kanina pa ako nagmamatyag sa labas ng simbahan kung saan nakatakdang ikasal si Avril. Nakaayos na ang dekorasyon sa simbahan. Ang pinagtataka ko lang, fifteen minutes nalang bago ang takdang oras ng kasal ay wala pa ring dumarating na guests.

Imposible kayang hindi matuloy ang kasal? Pero malinaw na malinaw na nakasaad sa dyaryo pati sa invitation na nakita ko mula sa common friend ni Avril. Sumapit na ang alas-diyes ng umaga. Hanggang sa lumipas ang kalahating oras. Hindi na ako nakatiis dahil inaalis na rin ng Sakristan ang mga dekorasyon. Kaya lumapit na ako.

"Excuse me-"
"Bakit ho?"
"Hindi ba't may kasalang magaganap dito ngayon?"
"Hindi na ho matutuloy ang kasal"

Parang gusto kong magtatalon sa tuwa humiyaw at magwala magpagulong gulong dahil sa narinig ko. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Bakit hindi na matutuloy?"
"Isa ho ba kayo sa mga bisita?"
"O-oo," pagsisinungaling ko.
"Nawawala ho kasi ang Bride kaya hindi na matutuloy ang kasal."

Ano? Nawawala si Avril.

"Anong ibig mong sabihing nawawala ang bride?"
"Kinidnap ho yata si Mam Avril."

Napatanga ako sa narinig ko. Pero bumalik na ako sa sasakyan at pinaharurot iyon.
Nag ring ang cellphone ko si Dennil ang tumatawag.

"Hello?"

"Hello, Lawrence-"

"Dennil, andito ako ngayon sa harap ng simbahan kung saan ikakasal sana si Avril. Pero hindi natuloy ang kasal at nalaman king kinidnap siya. Pwede mo ba akong samahan sa bahay nila? Gusto kong makausap ang Papa niya."

"Sino ang gusto mong makausap? Si Tito Frank o si Avril mismo?"

"What?! Dennil what are you saying?" Gulat kong sabi .

"Alam ko kung nasaan si Avril. Sasabihin ko sa'yo pero ipangako mong hindi mo ipagsasabi kahit na kanino ang tubgkol dito. It's our secret."


- - - - -

Avril pov ...

"Avril."

Natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Walong taon, walaong taon kong hindi narinig ang mga tinig na iyon, na tila hindi ko maintindahan ang nangyayari sa akin. Alam kong si Lawrence iyon. Pero imposibleng makarating siya dito. Isa pa'y hindi Avril ang tawag sa akin ni Lawrence, 'Avie' ang tawag niya sa akin siya lang ang tumatawag sa akin ng Avie. Hindi nagkakamali lang ako sa aking narinig.

"Avril..." Lumingon ako ng marinig ko muli ang boses na iyin. Si Lawrence nga tila may kung anong kumikliti sa loob ng tiyan ko na hindi ko maipaliwanag. Sobra akong natuwa.

"Lawrence..." Mabilis akong tumayo at tumakbo patungo sa kanya miss na miss ko siya. Pero natigilan ako sa harap niya. Eight years had passed. Marami ng nangyari sa loob ng nga panahong iyon.

"A-anong ginagawa mo rito.?"

"Gusto ko lang na kamistahin ka."

Natuwa ako sa sinabi ni Lawrence. Hndi kasi ako sanay na ganyan siya sa akin malamig at very civil.

"Paano mong nalaman ang kinaroroon ko?" Tanong ko kahit alam ko naman na bestfriend ni Lawrence si Dennil. Nagkibit balaikat lang siya halatang ayaw sabihin.

"Siya nga pala, nalaman kong ikakasal kana. At kanina'y nalaman ko rin na hindi na tuloy?" Kaswal na kaswal niyang sabi na parang sabi niya na hindi uulan ngayon dahil obvious namang summer.

"So alam mo na pala. Kamusta ka? Okay ka lang ba?"
Nakakaasiwa naman tong si Lawrence, hoy baka naman malusaw ako niyan.

"I'm Fine," sagot niya sa masiglang boses pero iba ang sinasabi ng kanyang mga Mata.

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon