Patungo si Atty. Meneses sa meeting nang harangin siya ni Phil sa labas ng conference hall."Atty. Meneses"
"O, Phil, how are you?"
"Not fine. Alam nyo namang hindi natuloy ang kasal namin ni Avril at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik si Avril."
"Im sorry about that. Ako rin ay masyadong nalulungkot at nag-aalala para kay Avril."
"Nag-aalala ka nga ba kay Avril at nalulungkot sa mga nangyayari, Atty. Meneses?"
Awtomatikong napakunot ang noo ni Atty. Meneses sa sinabi ni Phil.
"What do you mean by that, Phil?"
"Small time kidnappers ang
dumukot kay Avril dahil two million pesos lang ang hinhingi nila. I was wondering kung ano nga ba ang motibo ng pagkakakidnap kay Avril. Is it money? O, ayaw na ng taong nasa likod ng pagdukot sa kanya na makabalik pa si Avril?""Ang sinasabi mo ba ay may galit kay Avril? May kaaway siya?"
"Not exactly," parang tinatamad na sagot ni Phil sa abogado. "Ang iniisip ko'y may taong gustong mamatay na siya para maangkin ang kumpanya."
"Are you saying na ako ang culprit? Ang utak ng pagkakakidnap sa sarili kong pamangkin?"
"Bakit hindi ba?"
Napahiminding si Atty. Meneses."Watch your words, Phil" duro ni Atty. Meneses sa lalaki. "Hindi ko magagawa ang mga ibinibintang mo. Hindi ko lang pamangkin si Avril, she's alao my godchild. Parang anak na ang turing ko sa kanya. Magkadugo kami at wala sa lahi namin ang papatay ng sariling ka dugo para lang sa pera at kapangyarihan. Hindi ko iniinteres dahil alam kong nagmula ang malaking bahagi ng kumpanya sa minana ng Mama ni Avril sa mga magulang nito.
Napakalaking pasasalamat ko na sa pinsan kong si Frank na pinagkatiwalaan niya akong bigyan ng magndang posisyon sa kumpanya.
At ngayon ay pinagkakatiwalaan pa ako ni Avril na pansamantalang pamahalaan ang kumpanya.""Realyy?" Tila nang-iinsultong sambit ni Phil. "Kung ganoon bakit hindi mo pa iwan ang pamamahala sa kumpanya? Ang usapan naman ay ako na ang papalit sa iyo, hindi ba?"
"Not until you're married to my niece. Pero hindi natuloy ang inyong kasal kaya't ano ang karapatan mong angkinin ang posisyong dapat ay kay Avril?"
May galit na bumakas sa mukha ni Phil ng mga oras na iyon.
"This is what you wanted. Manatiling President and CEO ng Trajano Grouo of Companies." Akusa ni Phil sa Abogado.
"Ofcourse not, pero habang wala pa si Avril ay mananatili ako sa posisyong pinagkatiwala nya sa akin. Pagbalik niya'y saka kami mag uusap.
Siya lang at si Frank ang pwedeng magsabi sa akin na ibigay sayo ang posisyon."
Mariing sabi ni Atty.
"Now if you'll excuse me.. May meeting pa ako sa mga board members."Nang pumasok si Atty. Meneses sa conference hall, ay galit na naiyukon ang mga pald ni Phil.
Hindi pwedeng mauwi sa wala ang lahat ng pagod niya. Ang tagal niyang sinuyo at pinaibig si Avril.
At ng malapit na malapit na siyang mag karoon ng karapatan sa lahat ng ari-arian ng nobya saka pa mabubilyaso?
No way! Kailangang bumalik ni Avril. Alive.At matuloy ang kanyang kasal.
[Susunod]
BINABASA MO ANG
Princess is Getting Married ( COMPLETED)
RomanceAVRIL TRAJANO is princess in her own right. She has everything money can buy and a father who loves her so much. She's engaged to be married to PHIL, son of wealthy bussinessman. At marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa. But a night be...