Chapter 15

63 4 0
                                    



Sinigurado ni Lawrence na naka-off ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay at naka-unplug na ang mga kagamitang de-kuryente.

Wala kaming kibuaan habanag patungo sa kotse si Lawrence.

"I don't think it's wise na magsabay tayong bumalik sa Maynila," basag ko sa katahimikan, nagkakailangan parin kasi kami dahil sa naganap kagabi. Nilingon niya ako.

"Hindi kita pwedeng pabayaang sumakay ng bus ng mag-isa pabalik ng Maynila. I'll bring you home." Shunga ba tong lalaking to, alam naman niya na kunwari ay nakidnap ako.

"Pero masisira ang akala nilang kinidnap nga ako kapag nakita ka nila kasama ko."

"Hindi naman nila ako makikita." Kulit, hindi parin ako okay sa hatid scene nayan eeh. Pero mukhang ayaw akong pabayaan.

"Trust me, okay?"

Nagpabuntong-hininga na lamang ako, pero deep inside hindi ako natatakot natutuwa pa nga ako eh . Enebenemen feeel ko natatapakan ko na ang nga buhok ko sa sobrang haba nito. Pero magkakahiwalay din kame kapag nasa Manila na kami.

I hate to say goodbye to him pero lagi yatang ganoon. Laging kailangan ko atang nagpaalam kay Lawrence.

- - - - -

Huminto ang taksing sinasakyan ni Abril sa tapat ng mismong gate ng malaking bahay nila. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga matapos tumingin sa labas ng taksi. She's back. She's home. Dapat ay masaya na siya dahil hindi na mag-aalala ang mga taong totoong nagmamahal sa kanya. But half of her heart feel so lonely. Dahil nagkahiwalay nanaman sila ni Lawrence. Inihatid lang siya ng lalaki hanggang sa paglagpas ng tollgate. Mula roon ay kumuha na siya ng taksing masasakyan pauwi rito sa mansiyon. Siniguro mun ni Lawrence na nakasakay na siya bago ito umalis.

Hanggang ngayon ay Gentleman pa rin ang mahal niya. Pero gustong-gusto niya na wag ng umalis sa tabi ni Lawrence ay alam niyang hindi pupwede. May iba na itong mahal. Isa pa ay may dapat pa siyang asikasuhin sa kanyang buhay. Nariyan ang mga traydor na sina Phil at Mabel na dapat niyang iliugar sa dapat kalagyan.

Muli siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga bago umibis mula sa taksi.
Gulat na gulat ang security nilang si Luis nang makita siya nito.

"Ma'am Avril, nagbalik na ho kayo...!"
Tipid siyang ngumiti rito. "Oo, Luis."
Lumakad na siya patungo sa mansyon. Ang yaya Lydia niya na nagwawalis no'n sa may beranda ay biglang binitawan ang hawak at tumakbo palapit sa kanya.

"Avril...!"
"Nanay Lydia..."
Tuwang tuwang niyakap siya ng kanyang yaya. Maluha-luha iti ng bumitaw sa kanya.

"Salamat naman sa Diyos at nakabalik ka na, iha. Kamusta ka na? Hindi ka ba sinaktan ng mga kumidnap sayo? Hindi ka ba nila ginutom?"
Umiling siya kay Yaya Lydia.
"Hindi ho, Nanay Lydia."

Tamang-tama lumabas si Mr. Trajano sa brenda kasunod ang asawang si Mabel.

"Princess?"

Mabilis na lumapit si Avril sa ama at yumakap dito.

"I'm glad you're home now. And you're safe," nangingilid ang luhang sambit ni Mr. Trajano.

Naupo si Avril sa isang couch doon habang hawak ang kamay ng ama.
"Hindi ka ba pagod, Iha? Baka gusto mong mag pahinga muna," na-aalalang sabi ng Papa niya.
Umilinh si Avril. "No, Papa. Kasi naman po ang tagal ko pong walang kausap at namiss ko kayo ng sobra."

"Namiss din kita ng husto, Princess." 
"Ang gusto ko g gawin ay kumain nang kasabay kayo, Papa."

"Katatapos lang naming mag-breakfast and it's too early to eat lunch pero ano ba ang gusto mong kainin, Iha? Ipapaluto ko kina Manang Virgie?"

"Gusto kong kumain ng burger, Papa. And pasta."

"Ako na ang magpapaluto ng mga iyon kay Manang Virgie," sabad naman ni Mabel.

Tinanguan lang ni Avril ang madrasta. Sa totoo lang kapag nakikita niya si Mabel ay gustong gusto niya itong Sipain palabas ng bahay na ito, palabas ng buhay ni Papa.

Pagpasok sa bahay ni Mabel ay saka naman tumindig si Avril.

"Pupunta muna ako sa room ko, Papa. I'll just take a quick a shower and change."

"Bilisan mo lang Princess."

"I'll be back in less than an hour, Papa."

"Okay."

Pagpasok sa kanyang kwarto ay hinagilap ni Avril ang kanyang cellphone at tinawagan si Monica.

"Avril..?"
"I'm back."
"Andyan ka na sa house niyo?"
"Yap, punta ka rito ASAP."
"Alam mo ikaw para kang boss ko kung makapag-utos. Bakit kaya hindi mo nalang ako kuning executive secretary mo sa oras na ikaw na ang nakaupong President and CEO ng company n'yo?"

"That's a great idea. Pag-usapan natin dito."
"Talaga lang ha,?"
"Yeah, wala pa akong secretary kapag ako na ang mamahala sa kumpanya namin dahil siyempre'y isasama ni Tito Rudy ang secretary niya kapag bumalik na siya sa dating office niya."

"Pupunta na ako agad riyan. Tamang-tama katatapos ko lang maligo."

"I'll wait for you."

Matapos makipag-usap ni Avril sa kaibigan ay tinawagan niya si Atty. Meneses bago siya nag shower at nagbihis.

Ready na ang ni-request niyang food ng bumalik siya sa beranda. Meron pang tinimplang lemon juice.

Ang ikinaiinis niya ay pati si Mabel, makakasabay niyang kumain.

"Darating si Monica at si Tito Rudy, Papa."
Pahayag ni Avril bago umupo sa isang couch doon.

"Tinawagan mo sila?"
"Yes."
"Pati ba si Phil ay tinawagan mo rin.?"
"No," iling ni Avril sa ama
Nagtaka si Mr. Trajano sa nalaman.
"But why didin't you call him?"

"Very stressful na ang nangyari sa akin ng ilang araw, Papa. Ayokong ma-stress pa ngayon sa unang araw ng pag-babalik ko rito sa bahay. Marami kaming dapat pag-usapan ni Phil and I'm not yet ready for that."

Tumango tango si Mr. Trajano bilang pag-sang ayon sa kanyang anak.
Maya- maya ay dumating na si Monica. Tuwang tuwa itong niyakap si Avril.

"Best friend, I'm glad na nakabalik ka na."

"Pero ako hindi ko alam kung matutuwa ako dahil makukulitan na naman ako sa iyo." Biro niya kanyang kaibigan.

"Sira ka talaga,"

Nagkatawanan silang mag kaibigan habang nakamasid lang sa kanila si Mabel.

"Saluhan mo kaming kumain. Teka't magpapakuha ako kay nanay Lydia ng food para sa yo-" napatigil sa pag sasalita si Avril nang mapansing binuksan ni Luis ang gate at pumasik ang Tito Rudy niya. "Andito na rin pa la si Tito Rudy."

Tumayo siya at halos patakbong sinalubong ang tiyuhin bago pa man ito makalapit sa kanya.

"Avril."
"Tito Rudy."
Niyakap siya ng tiyuhin at hinalikan sa ulo.
"Mabuti naman nakabalik ka na, Iha. I'm so worried about you."

"I know, Tito. But now, that i'm back, aayusin ko kaagad ang mga dapat ayusin. Tomorrow morning ay pupunta ako sa office para mag simulang maging estudyante n'yo. You know, marami akong dapat matutunan sa inyo kung paano patakbuhin ang kumpanya."

"And i'll be very glad to be your mentor, Avril."

Ilang sandali pa'y kasalo na nilang kumain sa may beranda sina Atty. Meneses at Monica. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay dumating din Si Phil.

"Avril, i'm glad you're back and safe now,"
Kuntodo ngiting wika ni Phil bago ito humalik sa pisngi ni Avril. Kating kati namang sampalin ni Avril ang lalaki at punasan ng napkin ang bahagi ng pisnging hinalikan nito.

[Susunod]

Princess is Getting Married ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon