Tamang tama tapos ng pakainin ni Avril ang ama ng dumating si Atty. Rudy Meneses, ang pinsan ng kanyang papa at ninong niya na siyang tumatayong President and CEO ng kumpanya simula ng ma stroke si Mr. Trajano.
"Tito Rudy, Im glad you came"
Humalik siya sa pisngi ng tiyuhin."Pwede ba kitang tanggihan? Kaya nga kahit may dinner kami ng tita Divina mo'y kinansel ko at sinabi kong dito ako mag dinner sa inyo" nakangiti nitong sabi
"Thanks Tito. Pero sana'y sinama mo nalang si Tita Divina."
"Hindi ko na naisip iyon, basta pumunta nalang ako rito"
"Okay, but tito dinner is not yet ready, so doon muna tayo sa study room. May idi-discuss ako sa inyong importanteng bagay"
Tumango-tango si Atty.Meneses sa akin.
Tahimik kaming pumasok sa study room. Naupo si Atty.Meneses sa silyang nasa harap ng malaking mahogany table na naroroon. Pagkaraay ako naman ay umupo sa swivel chair."Iyong tungkol sa pagiging acting President and CEO nyo sa company, tito Rudy..." Umpisa ko pero bigla akong natigilan dahil hindi ko alam ang susunod kong sasabihin. Dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwang kay Tito ang kinahaharap kong problema.
"I know Avril, kapag nakasal na kayo ni Phil ay siya na ang mag te-take over sa kumpanya. Siya na ang pagiging President and CEO. Alam ko naman na ang tungkol doon. Ilang beses na nating napagusapan ng Papa mo. Ikaw nga dapat ang humalili sa Papa mo, pero dahil iba ang hilig mo natural lang na ang ma papangasawa mo ang pumali sa inaayawan mong pwesto"
"No tito." Iling ko sa kanya. "Gusto kong ikaw muna ang manatili sa pwesto habang wala pa ako"
Awtomatikong napailing si tito. At halatang nagulat siya sa mga nasabi ko.
"What about Phil? Hindi ba't nagkausap na tayo last time na siya ang papalit-"
"No," iling ko ulit. "I've changed my mind. Gusto ko nang pamahalaan ang kumpanyang pinaghirapang itayo ng Lolo at Papa"
"Why Avril? May nangyari ba? Are tou saying na hindi na tuloy ang kasal niyo ni Phil.?"
"Ofcourse not Tito" tanggi ko at pilit akong ngumiti. "Tuloy na tuloy ang kasal namin. Kaua lang ay napag isip isip kong guato ko ring maghirap at mag-contribute para mapalago ko ang kunpanya. Naging maginhawa ang buhay ko dahil sa kumpanya and i can buy na kahit anong gusto kong bagay. Kaya pagkatapos ng kasal at pagbalik namin ni Phil sa aming honeymoon ay ako na ang uupo bilang President at CEO sa Trajano Group of Companies."
Napangiti si Tito sa mga narinig niya.
"Im so glad to hear that Iha"
"Pero kailangan ko ang tulong niyo para gabayan ako sa pagpapatakbo ng kumpanya"
"I'll be very glad to do that Avrul. Alam mo naman iyon one hundred percent ang loyalty ko sa inyo ng papa mo at sa kumpanya."
"I know Tito. Pero sana'y huwag niyo ng ipaalam ang napagusapan natin ngayon maski na kay Papa. Ayokong mag-isip siya ng kung ano-ano"
"Makakaasa ka Avril"
Natapos na ang usapan namin at niyaya ko na si tito para sa dinner.
"Hindi ba natin kasabay si Frank?"
"Tapos na siyang kumain Tito. Maaga talaga siyang nag hahapunan dahil six-thirty ay kailangan na niyang uminom ng gamoy."
"Syang gusto ko pa naman siyang kamustahin."
"You can talk him later, sasamahan kita sa room nila." Sabi ko at saka bumaling sa madrasta.
"Okay lang naman sa iyo diba Mabel?"
"Oo walang problema ron, hindi pa naman natutulig si Frank, nanununuod siya ng English Film"
"Okay kunain na tayo"
Matapos kumain ay sinamahang umakyat ni Avril ang tiyuhin. After a couple minutes ay lumabas na rin si Atty.Meneses.
"Tapos na kayong nagusap ni pap, tito rudy?" Tanong ko ng makita kong bumaba si Tiyo Rudy.
"Oo, kinamusta ko lang naman siya. Ayokong pagurin siya sa pakikipagkwentuhan sa akin."
Naupo si Tito sa tapat ko sa may Sopa"He looked all right. Sanay tuloy tuloy na iyon at sanay makalakad na ang papa mo"
"Yun din ang hiling ko Tito."
"Oh paano Avril uuwi na ako, tiyak na naghihinaty ng ang Tita Divina mo"
"Sige po Tito, ingat po sa pag mamaneho"
Tumango Siya at tuluyan ng Nakalabas.
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa Bathroom upang mag quick rinse at makatulog.
Wala pang 20 mns. Ay tapos na ako at pabagsak akong humiga sa malaki kong kama.
Hindi ako makatulog, nakaramdam ako ng lungkot at dumako ang tingin ko Tokador.
Kahit mapusyaw ang liwanag na nagmumula sa bukas kong lampshade napansin ko ang music box.
Kinuha ko iyon at binuksan. Tumunog ang sikat ng love song noong 90's. Lalo tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Si Lawrence kasi ang may bigay sa akin niyo noong sixteenth palang ako. Iniingatan ko ang music box na ito tulad ng pag-ibig ko sa kanya. Pero sa tingin ko ay may pamilya na siya.
Pero ganito talaga siguro ang First Love. Hindi mo basta bastang makakalimutan."Kamusta ka na kaya Lawrence?"
Para naman akong tanga dito kinakausap ko ang sarili koHindi maganda ang paghihilwalay namin ni Lawrence. Nakakalungkot dahil umabot pa sa punto na nakulong siya, dahil kay papa. Galit na galit ang Father ni Lawrence at dahil nagkalamat ang magndang pagkakaibigan ng aming Mga Pamilya.
Ang huli kong balita dinala sya sa States .
[Susunod]
BINABASA MO ANG
Princess is Getting Married ( COMPLETED)
RomanceAVRIL TRAJANO is princess in her own right. She has everything money can buy and a father who loves her so much. She's engaged to be married to PHIL, son of wealthy bussinessman. At marami ang nagsasabing bagay na bagay silang dalawa. But a night be...