VON’s POV:
“Nak ng pating naman o! Asan na ba si yilin?” reklamo ni Ayla, “Magfo-form na ng line para sa flag ceremony e!”
“Hayaan mo na lang iyon. Papasok din yon,” sabi ko na lang kay Ayla.
“ihh! Text niyo na nga!” sigaw naman ni Joy. Halos mapatingin na nga mga klasmyt namin sa lakas ng boses niya.
“E 'di i-text mo! 'Kaw nakaisip e,” sabi ko naman sa kanya. Mas lalo akong naging poker face dahil sa kanya.
“E wala ako load,” sagot naman ni Joy.
“Am powta! Namumulubi ka na?” singit naman ni Ayla.
Binatukan naman siya ni Joy sabay sabing, “Baka ikaw.”
“Aish! Ingay n'yo! Aga aga e.” Lumayo ako ng kaunti sa kanila. Masyado kasing maingay e. Leche.
“Andito lang pala kayo!” sigaw ng isang babae sabay hampas sa likod ko. Walang iba kundi si Yilin. Nak ng!
“ARAY! Ano ba ang bigat ng kamay lang ha!” sabay tingin ko kay Yilin at binigyan siya ng death glare na nandun na pala kila Ayla at nakikipag kwentuhan na. Ano ba 'tong babae na 'to? Pagkatapos manghampas bigla-bigla akong iiwan. Aish.
Maya-maya lang nagpapila na ang mga teachers at magsisimula na ang flag ceremony. Nga pala ako si Jellian Cardenes also known as VON. Yung mga kasama ko naman ay sila Wilgin Conde known as Yilin, Christine Joy Soliven as Joy at si Cussing Nayla Benito known as Ayla.
3rd year na kami at unang araw namin ngayon. Magkakaibigan na kami since First year high school at nagkakilala kami in a very unexpected way. Wanna know how?
First year Highschool na ako at third day na mula noong pasukan. Nabobored na agad ako. Unang breaktime of the day at papunta na ako sa CR ng girls then I saw some of our boy classmates lurking around there.
Nang makapasok na ako wala namang tao. Tumingin ako sa salamin para i-check kung mukha pa ba akong tao then I heard sobs. Nung una 'di ko pinansin at baka imagination ko lang pero maya maya may narinig na akong humihikbi nang malakas.
“May tao ba dito?” tanong ko naman. Walang sumagot pero mas lumakas yung hikbi. Actually hindi na hikbi tingin ko iyak na talaga. Inopen ko isa-isa yung mga cubicles. There are four cubicles at nasa last cubicle na ako. It's not lock pero eto na yung last na door. Pag ito walang tao tatakbo na ako! Promise!
I pushed the door slowly. Tatakbo na sana ako nang, “Waaaa!” nagulat ako sa nakita ko. May babae na nakaupo sa toilet at naka uniform din sya tulad ko pero ang gulo ng buhok nya. Na-rape ba tong girl na ito? Mukha na siyang aswang!
“Hoy napano ka?” tanong ko dun sa girl. Imbes na sumagot ay umiyak pa siya lalo. “Hoy! Bakit ka ba umiiyak?” sabay abot ng panyo ko sa kanya at kinuha naman nya ito.
“Kasi yung mga classmates natin..” nauutal na kwento niya pero teka? E? Classmates natin? Classmate ko ito? Putik. 'Di ko alam na may klasmyt pala akong bruha.
“Anong meron sa kanila?" tanong ko naman dito.
“Binubully nila ako,” sabi naman nito sabay punas ng luha niya.
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...
