YILIN's POV
Kaming tatlo nila Joy at Ayla ay nakatitig lang kay Von at saka ngumiti ng super lapad. Yung todo na talaga. Paano ba naman? WAAA! Kinikilig ako. Malamang sa malamang, muntikan na mag-kiss sila Glenn at Von. O gosh! Air please?
Panay kasi ang kalabit ni Glenn kay Von e. Kasi naman 'tong isa naka ub-ob sa desk niya dahil nabitin ata sa tulog niya kanina pero okay lang dahil nainis naman siya sa kumakalabit sa kanya at saka lumingon. At tada! Ang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Pero grabe lang wala pa rin kay Von 'yon? Poker face pa din? No ba yan? Ganyan naman kasi yan si Von e pero mabait naman yan kahit expressionless ang kanyang face.
Magsosorry kasi si Glenn kanina kaya n'ya kinakalabit si Von. Bakit? Dahil...
Lunch break na at nandito na naman kami sa tambayan namin. Mahangin kasi dito lalo na 'pag maghahapon na kaya masarap kumain o magkwentuhan dito e. Tapos na kami kumain ng lunch at si Von ay natutulog na naman. Gawain niya na kasi yan e. May pag ka brutal pero cool yan. Walang emosyon pero mabait yan. The best friend ever yan e!
Mostly sa mga nagiging kaibigan ko ay plastic. Alam niyo na 'yon! Yung they are friends with you kasi may kailangan lang. Ganoon sila.
Pero noong nakilala ko si Von ay parang nakakita ako ng friend,sister,partner, and most of all a BESTFRIEND! Although ganyan yan lagi parang walang paki alam sa mundo pero mabait yan tulad ko, caring yan tulad ko at mapagmahal yan TULAD KO! Wagas lang kung makaemphasize ng tulad ko!
“Ayan natulog na si Von," sabi naman ni Joy.
“Lagi naman e. Parang lagi na lang puyat yan!" sabi naman ni Ayla.
“Hayaan niyo na! Parang 'di na kayo nasanay d'yan!” sabi ko naman.
“So ano na gagawin natin?” tanong naman ni Ayla. Madalas na nagpipinoy henyo kami o kaya nagtong-its o nagkwekwentuhan. Haha. Lagi kaming handa e. Ganoon talaga.
“Uy nakikita n'yo ba yung nakikita ko?" tanong naman ni Joy sa amin pero 'di siya nakatingin.
“Ano tayo si b1 at b2 na may b3? Adik kaba?” tanong naman ni Ayla sabay tawa kaming dalawa.
“Mas adik ka! Babaeng 'to!" sigaw naman ni Joy na halata mong may tinititigan.
“Uy wag kayong magsigawan dito dahil 'pag nagising yung isa d'yan patay tayo,” saway ko sa dalawa. Nagpeace sign naman si Ayla sa akin sabay tawa. Bigla na lang kaming napatingin kay Joy nang biglang sumigaw si Joy na parang kinikilig ang gaga. Binatukan naman siya ni Ayla. mga brutal talaga! Haha!
“ARAY naman! Bakit ba?” sagot ni Joy habang sinusubukan gumanti kay Ayla.
“shhh! Ano ba kasi meron?” suway ko sila ulit. Ang kukulit talaga.
"E kasi nga! Dahil do'n!" sabi nito sabay nguso sa may likod namin. Tumingin naman kami sa tinuturo ng nguso niya at nakita namin yung tatlong transferee na papunta dito sa pwesto namin. Teka ang lakas ko mag-imagine pero bigla na lang ngumiti yung tatlo ng napatingin na kami e. PAPUNTA NGA SILA DITO!
Si Ayla naman ay parang napatulala na lang. Si Joy naman? Ayun ngiti kung ngiti ang bruha. Nung halos nasa tapat na namin sila ay tinawag ba naman sila ni joy, “Psst! Kayo yung mga bago namin na classmates diba?”
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...