Secrets Eleven

345 8 6
                                    

VON's POV: 

Bakit pa kasi kailangan kong pumasok ngayon sa school. Wala namang gagawin do'n e. Mas okay pang matulog. Kainis naman! Masakit pa nga yung sugat ko sa ulo dahil sa lintik na laro kahapon. 

Feeling ko ang bigat ng katawan ko. Nakapikit pa rin ako. Ano ba nangyari? Bigla naman akong nakarinig nga mga boses, "Ang tagal naman gumising ni Von." boses ni Ayla 'yon a.

"Hayaan mo na lang muna. Ikaw kaya try mo mangyari sa'yo yung nangyari sa kanya."  Boses naman 'to ni Yilin. 

"Kanina pa yan tulog no! Ano 'to? Sleeping beauty lang ang peg gano'n?" Si Joy naman 'to for sure. 

May tumawa naman sabay may nagsalita, "Wag kayong maingay at magising pa yan." Aba! Nandito rin si Ricky a. 

"Tagal e! Gisingin ninyo na nga!" iritadong boses ni Joy. 

"Uy, wag kang ganyan Joy! 'Di naman sya tulad mo na bakal ang katawan." Halata mo namang nang-aasar si Carlo. 

"Bakit ang tahimik ninyo d'yan? Pati ikaw glenn, anong meron?"  Si Ayla uli ang nagsalita naman. 

"Wala naman! Gusto lang naming manahimik."  sabi namanni Dan. Nandito pala silang lahat at naririnig ko lahat ang pinag-uusapan nila. Ang ingay nila! Parang walang natutulog a!

"Tara pagtripan natin yung mukha ni Von. Tulog naman siya e," sabi naman ni Ayla na halata mong naeexcite dahil sa boses. 

"Sige! Tutal matagal pa yang magigising," sabi naman ni Joy na natatawa-tawa pa. 

"Hoy! Wag kayong ganyan! Uy Joy! Ano yang lipstick yan! Naku malalagot kayo 'pag nagising yan!" saway ni Yilin sa kanila na halata mong kinakabahan. 

May natawa naman at saka nagsalita uli, "Minsan lang naman 'to Yilin." Paniguradong si Joy 'to. Tinis ng boses e. Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin, si Joy siguro 'to. Narinig ko pang sinabi niya na pabulong, "Minsan lang 'to Von.

Nagmulat ako ng mata ng malapit nang dumapi yung lipstick na hawak niya sa mukha ko. “Subukan mong ituloy yan at sigurado ako, doble ang balik niyan sa'yo,” biglang sabi ko, nakita ko naming nagulat siya at tumakbo sa likod ni Yilin. Dahan dahan naman akong naupo sa kama na kinahihigaan ko at napahawak sa ulo ko kasi biglang may kumirot. “Aray! Ano bang nangyayari? At nasaan tayo?” tanong ko sa kanila

Lumapit naman sa higaan ko sila Dan at Jeff. “Tange! Diba nga naglaro ka ng basketball kanina at tumama ka sa mga bleachers,” sabi ni Jeff. Inalala ko naman yung mga nangyari at saka ko lang naalala ang mga pangyayari.

“So okay ka na ba? Nasa clinic tayo ng school niyo,” tanong naman ni Dan at saka ako tumingin sa paligid. Oo nga clinic nga ng school namin 'to. 

“Yea, I think so,” sagot ko at nag-angat ng tingin. Nakita ko sila Ayla at Joy na nagtatago sa likod ni Yilin, saka ko naalala yung usapan nila.

Nag smile ako sa kanila. “Ano nga ulit yung gagawin ninyo sa akin habang tulog ako?” tanong ko naman. Nakita ko naman na nanigas yung dalawa. Haha! Epic din 'tong dalawang 'to! 

“Aaa, narinig mo 'yon? Kala ko ba tulog ka pa?” nauutal na sagot naman ni Joy.

“Actually, oo narinig ko lahat at sino ba naman ang makakatulog sa ingay ninyo?” poker face kong sabi sa kanila. 

Life: Secrets in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon