YILIN's POV:
Three weeks na ang nakalipas pagkatapos nung party na yun at balik na naman kami sa dati. Sa usual na mga gawain namin and today is Wednesday.
“Class alam naman ninyo na may mga clubs tayo dito sa school,” sabi ni miss. Nasa klase po kami mga kaibigan. Malamang.
“Opo,” sabay sabay na sagot naming lahat.
“So kailangan na ninyo mag sign up sa mga clubs dito at kilala naman ninyo ang mga teachers na nangangasiwa ng mga clubs. Kailangan lahat kayo may club na sasalihan, maximum ng 3 clubs sa isang tao. So do you understand class?” Tanong naman ni Miss.
“Yes miss,” sagot namin.
“and because of that, wala na munang klase ngayong buong araw para makapag sign up na kayo sa mga clubs na gusto ninyo pero hindi magpapalabas ang guard hangga't hindi pa time ng uwian.”
“Yehey walang klase!” sabi pa nung isang classmate namin. Napailing naman si miss sa nagsabi no'n. Pagkatapos ng sinabi ni Miss ay umalis na siya. Lumabas na rin ang iba naming classmate.
“Uy ano sasalihan mo ngayong taon?” tanong ni joy sa akin.
“Syempre art club and newspaper club. E kayo?” sabi ko naman.
“Ako sports club lang siguro,” sabi naman ni Joy.
“Ako sports at music? 'Di ako sure,” sabi naman ni Ayla.
“E ikaw Von ano sa'yo?” tanong ko kay Von.
“Sports, newspaper at music,” sagot niya sabay ub-ob na naman sa kanyang desk. Wala pa ring pagbabago 'to at siya na maraming club na sasalihan.
“E kayo boys?” tanong naman ni joy sa mga nasa likod namin.
“Syempre sports,” sabay na sagot ni Ricky at Glenn.
“Chess sa akin,” sabi naman ni Carlo.
“Okay tara na sa baba. Ando'n na siguro yung mga booths ng clubs,” yaya ko sa kanila.
"Tara na!” excited na sabi ni Joy.
“Uy Von tayo na d'yan. Baba na tayo.” Kalabit ko kay Von kasi nakatayo na kami siya nakatungo pa rin sa desk niya.
“Una na kayo. Inaantok pa ako. Mamaya na lang ako,” sagot niya habang yung mukha niya nasa desk pa rin.
“Ihhh! Tara na para sabay sabay tayo!” sabi ko naman. Nag-tss naman si Von sabay tayo. Nauna pa sa amin lumabas. Hala nabwusit ata! haha! Hayaan na, sanay naman kami d'yan.
“Tara na! Ano pa hinihintay nyo d'yan?!” Haha. Nabwusit nga! Sumunod naman kami at saka bumaba. Pumunta kami sa mga booths at saka kami nagsign sa mga gusto naming salihan.
Pagkatapos naming magsign up ay dumiretso na kami sa tambayan namin. Hindi na kami bumalik sa classroom dahil wala namang klase. Ang swerte nga e. At as usual, si Von natulog lang at kami naman ay nagkwekwentuhan at nag-aasaran lang.
Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko. May nagtext naman.
From: Jeff
Uy musta? :)
Nagreply naman ako.
From: Yilin
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...