YILIN's POV:
Sa wakas at tapos na din ang duty namin. Gala mode uli dito sa campus! Grabe ang kaba ko no'ng mag-DJ kami. As in! Pero okay naman dahil ang saya! Ang saya ko lang kasi magkakasama kaming tropa. Ayon yon!
Pumunta na kami sa may food stalls. Gutom na din kasi kami kaya bumili na kami ng makakain at umupo na.
“Uy Yilin! Dami mo naman binili! Mauubos mo yan?” tanong ni Carlo. Pang-asar talaga 'to.
“Paki mo? Kumain ka na lang d'yan,” sabi ko sabay subo ng sandwich.
“Dami mo kaya binili Yilin! Pahingi!” sabi naman ni Joy.
“Tse! Bili ka ng sa'yo,” sagot ko naman.
Ano bang problema ng mga 'to? Kaunti lang naman ng binili ko a. Dalawang sandwich, isang slice ng pizza, isang malaking size ng potato chips, isang cheesecake mamon at isang big size ice tea. Marami na ba yun? Hindi naman diba?
“Tss.” Von po yan. Ahas ang peg e.
“Okay lang yan, baka ginutom lang sa pag D-DJ niya,” sabi naman ni Jeff. Whoa! Parang nahiya naman ako do'n.
“Oo nga hayaan ninyo na. Joy o, sa'yo na lang 'tong chippy ko,” sabi ni Dan sabay abot kay joy nung chippy.
“A-ahh. T-thanks Dan,” nahihiyang abot naman ni Joy. Haha! I smell something talaga!
Busy kami sa pagkain ng biglang may napa-aray. Napatingin naman kami sa gawi ni Ricky.
“O bakit ano nangyari sa'yo?” tanong ni Joy.
“Buti lang sa kanya yan,” sabi ni Ayla na nakaismid. Paano ba naman tinapakan ni Ayla yung paa ni Ricky.
“Ano na naman kasi ginawa mo?” tanong ni Glenn kay Ricky.
“Nang-aasar kasi, yan napala. Tsk! Tsk!” sagot naman ni Ayla.
“Grabe ka naman ang bigat ng paa mo Ayla.” Muntanga lang si Ricky dahil yung mukha parang nasasaktan tapos tumatawa.
“Aba't--“ / “O Ayla tama na! HB ka na naman. Chillax!” Pinutol ko na yung gagawin ni Ayla. Paano kasi ipapalo na sana ni Ayla yung tray kay Ricky. Hahaha!
"Tss! Pikon!” Talaga naman! 'Di pa rin tumitigil si Ricky.
“ANO?” tanong ni Ayla kay Ricky. Halata mong HB na. Highblood! hahaha!
“Wala, sabi ko cute ka!” sagot naman ni Ricky. Natahimik naman si Ayla bigla. Whoa! Ano 'yon?
Pagtingin ko do'n sa tray ko ay wala na yung pizza at cheese mamon ko. "Sino kumuha ng food ko?" sigaw ko sa kanila.
“Ha?” nagtatakang tanong nila sa akin.
"Yung pizza ko at yung mamon wala na! waaa!” atungal ko naman.
“Kinain ko na,” biglang sagot ni Von na hawak pa yung mamon na kinagatan niya.
“Waaa! Bakit mo kinain Von?” tanong ko naman sa kanya na parang maiyak-iyak na.
“Babagal ninyo kumain e saka mukhang masarap e,” sabi pa niya sabay kagat ulit sa mamon KO!
“Bakit 'di ka nagpaalam?” tanong ko naman na naiiyak na talaga. Mamon ko. RIP!
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...
