AYLA's POV:
“Pucha! Galing nila von,” bulong ko. As in, nakakatulala yung boses niya. Wala akong masabi! First time na mangyari 'to. Nandito ako ngayon sa harap ng stage at kasama ko sila Ricky at Carlo.
“Oo nga! Ang galing!” komento ni Carlo.
“Inggit ka naman!” pang-aasar ko.
“Baka ikaw”
“Di ko kailangang mainggit. Marunong din ako kumanta no!”
“Marunong nga! Wala naman sa tono,” sabi naman nito. Aba't!
“Aba, langyang 'to! Hoy! Baka 'pag narinig mo ako kumanta, mainlove ka pa!” sabi ko naman dito.
“Weh? Kanta ka nga!” Hala! Pinakanta naman ako! Buwusit talaga 'tong si Carlo!
“Hoy, tama na yan at magtrabaho na tayo. Baka magkatuluyan pa kayo,” singit naman ni Ricky sa amin.
“Dre! That’s imposible!" sabi nito sabay akbay kay Ricky. "Ako maiinlove sa maton na yan? Nagpapatawa ka ata dre?” Aba’t lecheng hudas na 'to. As if naman na magkakagusto din ako sa kanya! Never! As in capital N-E-V-E-R! Never in my whole beautiful life!
___________________________________
CARLO’s POV
Imposible talaga na mainlove ako d'yan! Baka ibig sabihin no'n ay katapusan na ng mundo! “Dre, h'wag magsalita ng tapos. Malay mo... isang araw kainin mo yang mga sinabi mo,“ sabi pa ni Ricky sa akin.
“Yan ka nanaman dre e! Hinding hindi mangyayari yun! Tara na nga at baka mapagalitan tayo!” Tumingin ako sa kinalalagyan ni Ayla kanina pero wala na siya dun. Saan naman kaya nagsuot 'yon? Bahala na nga siya! Tumuloy na kami ni Ricky sa tent nang makita namin si Glenn na nakatingin sa stage or mas tamang sabihin na nakatulala.
“Oy dre! Bakit tulala ka d'yan?” tanong ni Ricky kay Glenn saka ito tinapik sa balikat.
“Ha? Wala,” sagot naman nito sabay iwas ng tingin.
“Yung totoo dre? Para kang na-engkanto d'yan,” sabi ko.
“Pinagsasabi ninyo d'yan? Magtrabaho na nga tayo. Kakasimula lang ng schedule natin e, pumepetix na kayo,” sabi naman ni Glenn sabay walk-out pa.
“Nangyari dun?” nagtatakang tanong ko.
“Malay ko... I smell something fishy,” sabi ni Ricky na nakatingin sa akin at nakangisi.
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...