Secrets Ten

339 10 4
                                    

YILIN's POV:

Grabe! Ang cool tignan ni Von! Nga-nga nga kaming lahat e. Napansin ko din na tumahimik ng konti ang gym ng pumasok uli siya sa court. Nag-uusap sila ng mga kateammated niya sa baba na ngayon. 

“Grabe ang cute tignan ni Von sa jersey niya,” sabi ni Joy na kinikilig pa. 

“Bagay yung jersey sa kanya,” sabi ni Ayla na natatawa pa. 

“Wait tignan niyo yung nakalagay sa jersey niya o! VON 13! Hala ibig bang sabihin no'n ay si Von yung player na 'di umaatend ng practice?” tanong ko naman. 

“Malamang,” sagot ni Carlo. Barado ako a. 

“Nood na tayo! Exciting 'to,” sabi ni Jeff na nakangiti. Halata mo sa kanya na excited na sa laro. 

“Anong exciting diyan? E kung masaktan d'yan si Von tulad no'ng iba?” sabi ko naman na nag-aalala para sa kaibigan namin.

“Don’t worry! Kaya niya yan! Yan pa, e may lahing demonita yan,” sabi ni Dan na 'di ko masyado narinig yung huli nyang sinabi.

“Manood na lang kayo,” sabi ulit ni Jeff sa amin. Hindi na kami umimik at nanood na lang. Magdarasal na lang siguro kami kung tatalab man kay Von 'yon. Haha. 

Nagsimula na rin ang laban. 

________________________________

THIRD PERSON's POV:

Nagsimula na ang laban nang pumito na ang referee at nag jump ball na. Nakuha ng kalaban yung bola at itinakbo sa court nila pero nahabol ni Von yung may hawak nung bola at naagaw ito. Itinakbo nito sa court nila saka naishoot ang bola. Ang bilis ng mga pangyayari at halos nahabol na nila yung score ng kalaban ngayon ay 6 points na lang ang pagitan sa kanila.

Nga-nga naman yung mga nanonood dahil sa ginawa ni Von. 

“Wow! Ang bilis no'n a,” komento ni Yilin na 'di makapaniwala sa nangyari.

“Go Von! Ipakita mo sa kanila kung sino ka! Woo!” sigaw ni Jeff habang natatawa pa. 

Wooo! Wala pala kayo e,” sigaw din ni Dan at nakipag-apir pa kay Jeff. Nabuhayan naman ang mga estudyante at nagcheer na din sa side nila Coach. 

“Wow pre! Ang galing nong babae na yun o,” sabi ni Nathan na hanga sa mga galaw ni Von. 

“Oo pre! Astig lang! Lupit magbasketball pre,” sagot naman nung kaibigan niyang si Justin.

“Galing pala ni Von magbasketball ano?” sabi ni Ricky kay Glenn. Wala namang imik si Glenn na tutok na tutok sa paglalaro ni Von. 

 Habang nasa court naman si Von nagsmirk sa kanya yung nagbabantay sa kanya at saka sinabing, “Di kayo mananalo.”

“Sure ka?” sagot naman ni Von tapos nagsmirk din sabay takbo pagilid at nakalagpas siya sa kalaban niya. “Pasa mo sa akin yung bola!” sigaw niya sa kasama niya at hinagis naman sa kanya. Nang masalo niya ito ay nagshoot siya ng 2 points shot at pumasok naman. Pumito na yung referee na signal na tapos na yung 3rd quarter at 5 minutes break. Ang score ay 82-79, 3 points pa ang lamang ng kalaban nila. Naupo naman yung mga players para makapagpahinga. 

“Konti na lang ay mahahabol na natin yung score,” sabi ni coach.

“Ang galing mo pala magbasketball,” puri naman nang mga kasama kay Von. 

Life: Secrets in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon