VON's POV:
Nauna na sila Yilin bumaba ng stage nang bigla akong pigilan ni Jeff. “Von, si Sir Jon... nagtext... pumunta daw tayo ngayon sa kanya,” sabi nito.
“Bakit daw?” tanong ko.
“Hindi ko alam, basta kailangan daw niya tayo makausap ngayon,” sabi pa ni Jeff.
“Anong mayroon?” singit ni Dan.
“Dan, ikaw muna bahala magpalusot. Pupuntahan namin si Sir Jon ngayon,” sabi ni Jeff kay Dan.
“Sige, ako na bahala. Balitaan ninyo na lang ako,” sabi ni Dan at bumaba na ng stage.
“Tara na,” aya ko sabay talon dun sa may harap ng stage para hindi namin madaanan sila. Sigurado akong marami na namang itatanong yung mga yun. Sa likod kami ng tent dumaan papunta sa office ni Sir Jon... si Coach Santos ang tinutukoy ko. Jonathan Santos ang buong pangalan ni Coach. Yung tandang yun... ano na naman kaya ang kailangan niya.
COACH OFFICE
“'Di naman ata tama yun, Sir Jon! Hindi kami papayag,” sagot ni Jeff kay Coach.
“Pero yun lang ang paraan. May isang taon pa naman para magdesisyon ka,” sabi nito sabay tingin sa akin ni tanda.
“Hindi ko alam. Mahirap yang sinasabi mo tanda,” sagot ko.
“Hindi kami papayag ni Dan, d'yan sa plano ninyo,” sabat ni Jeff.
“Wala tayong magagawa sa gusto nila mangyari, Jeff, tanging si Von lang ang mag-de-desisyon d'yan. Yun lang ang gusto ko sabihin at puwede na kayo umalis.” Tumalikod na ako at lumabas ng Office. Isang taong ha... bakit? Tsk.
“Von? Hindi ka naman papayag 'di ba?” tanong ni Jeff habang naglalakad kami palabas ng building.
“Hindi ko alam... hindi ko alam...” Tanging nasagot ko at hindi na ulit nagtanong si Jeff.
Nakarating kami sa ice cream shop ng tahimik. Sinalubong kami ng maiingay na sila Yilin, Ayla at Joy. Ang saya ng kwentuhan nila kasama yung mga bago naming mga kaibigan. Isang taon... Yan lang ang pumapasok sa isipan ko habang tinitignan ko lang sila.
Napansin ko na may kumakaway na kamay sa harap ng mukha ko. “Hoy Von to earth? Nand'yan ka pa ba?” Si Joy pala.
“Tulala ka d'yan ha?” tanong naman ni Ayla.
“Oo nga,” sabat din ni Yilin.
“Wala, pagod lang siguro ako,” sagot ko.
“Ahh okay! Order ka na ng ice cream mo! Libre daw ni Yilin!” sabi ni Joy habang humahalakhak.
“Hoy! Bakit ako? Langya, bitin nga allowance ko e!” sagot naman ni Yilin.
“E 'di ba kumanta ka kanina? Dapat manlibre ka na!” si Ayla naman ang sumabat, hanggang sa nag-iingay na naman sila. Hay. Paano ko ba naging mga kaibigan ito? Pero ang saya lang na sila ang mga naging kaibigan ko, dagdagan mo pa itong mga lalaking 'to... at least masaya lahat.
“Hoy, okay ka lang ba talaga? Natatameme ka d'yan.” Si glenn naman ang kumalabit sa akin. Katabi ko kasi siya sa upuan nung dumating kami.
“Oo okay lang ako, may naalala lang," sagot ko.
“Ano naman yun?” tanong naman niya.
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...