VON's POV
“Good morning class!” bati sa amin ni Miss. Yan ang tawag namin sa mga teacher namin dito sa school. Napatingin naman ako sa kanya at saka nagtayuan naman yung mga classmates ko at nag good morning na din. Ako? Eto umub-ob lang sa desk. Kakatamad naman kasi tumayo e. 'Di naman ako mapapansin niyan. “Okay class, ngayong taon ay may mga new classmates kayo. Mga transferee from other school.” Kaya nga transferee ang tawag kasi galing ibang school e. Adik lang miss? "You may introduce yourself,” sabi naman uli ni Miss.
Nakarinig ako ng yabag papunta sa may harap saka may nagsalita.
“Goodmorning classmates! My name is Ricky Ogrimen. Ricky na lang. 16 yrs old from ****** highschool. Nice to meet you all,”
“Goodmorning! Ako nga pala si Carlo Turiano. 16 din, parehas din ni ricky ng school na pinanggalingan."
“Goodmorning classmates. Glenn Provido here. 16 years old. Mag-classmates galing kaming tatlo from ****** highschool.” So tatlo sila?
Maya-maya ay siniko ako ng katabi ko na si Yilin. “Uy umayos ka na d'yan! Andito na kaya si miss. Mamaya makita ka pa d'yan,” bulong nito sa akin. Inangat ko naman yung ulo ko at nakita ko yung mga transferee sa harap na nakatayo. Nakangiti pa nga e. Nangalumbaba na lang ako at tinitignan ko yung mga nasa unahan ulet at pinag-aralan.
“Ang cute nung nakasalamin.” Rinig ko na bulong ni Ayla. Napatingin tuloy ako sa kanya at nakita ko naman na parang na mesmerize si Ayla.
“Wow first time,” sabi ko na lang. Tinignan ko din yung tinutukoy ni ayla na nakasalamin. okay naman pero mas bagay kay Ayla yung nasa gitna na parang ang laki ng panga. De joke. Nabaling naman yung tingin ko dun sa ikatlo na medyo matangkad na maputi. Napatitig ako dun sa mukha niya. Maputi, medyo chinito eyes, matangos ang ilong at ang lips…shemay!
Ano ba pinag-iisip ko? Erase erase erase! Tumingin na lang ako sa bintana.
“Okay boys. Doon na kayo sa bakanteng upuan sa likod,” sabi naman ni miss at tinuro yung mga upuan na nasa likod namin siguro. Naramdaman ko naman na naglakad na sila papunta dito sa likod namin.
Nang makaupo na sila ay feeling ko may nakatitig sa likuran ko. Kinilabutan ako e kaya 'pag lingon ko katapat ko pala si tangkad! Nakangiti pa s'ya!
Dug dug Dug dug Dug dug
Shemay ba't ganito? Ambilis lang ng heartbeat ko! Hala magkakasakit ba ako sa puso? Kailangan na ba ng heart transplant? Tumingin na lang ako sa harap dahil wala na sila doon at saka nagsimula na si Miss magturo.
Nang makalipas na ang ilang oras ng pagtuturo ng mga teachers namin ay sa wakas, lunch break na! Nandito kami sa may ilalim ng puno ng manga. Eto na talaga ang tambayan namin since First Year. Sa may tabi lang naman 'to ng court namin. Dito kami nagla-lunch kasi lagi kaming may baon na kanin. Napag-usapan na namin yun noon na magbabaon na lang kami para 'di magastos. Mahal ang food sa canteen e.
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...