YILIN's POV:
Makalipas ang isang linggo at eto na ngayon! Foundation Week na namin. Excited na ako for this day! Noong nakaraang mga araw ay lalong tumibay ang tropa namin. Sila Jeff at Dan ayun, pumupunta dito sa school kapag uwian. Sabay-sabay na kami umuuwi. Nanguha pala si Von ng uniform sa bodega ng school para may maisuot sila Jeff noong nakaraan. Kaya yan, araw araw pwede sila pumasok basta ba yung guard e 'di nakatingin.
Naging busy din noong nakaraang linggo dahil sa mga booths. Ang dami din naming ginagawa lalo na ang sports at newspaper club. Magcocover kasi kami ng mga events kasama ko si Von sa newspaper club. Si Joy naman ay sa volleyball. Ayan ang gusto e kahit si Ayla pero mas aasikasuhin nito yung mini concert para sa foundation. Organizer ata siya? Not sure. Sila Glenn at Ricky naman ay sa basketball naman. Nagprapractice sila parati after class. Si Carlo naman ay papetix-petix lang. Chess Club siya e.
At si Von? Tantararan! Petix ang babae! Siya pa ang maraming clubs a? Kasama nga siya sa newspaper pero walang ginawa kundi umub-ob sa desk habang meeting. Ilang beses na nga napagalitan yan nung teacher in-charge sa mga clubs e. 'Di ko din alam kung nagpapractice ba yan at kung anong sports niyan kasi 'pag nagpapractice ang lahat, siya naman tulog.
Kaya ayun, sobrang pagod ang nadulot sa amin ng preparation maliban kay Von. Pwede pala pumasok ang mga outsiders sa week na 'to. At ang booth ng section namin ay *drum role* DEDICATION BOOTH!
Yun yung magrerequest ng kanta then mag lalagay siya ng dedication kung para kanino. Parang DJ lang ang peg namin. Nagsimula na ang lahat at ang saya. Nakacivilian pa kami.
Ang unang laro ay Volleyball kaya eto ako ngayon. May hawak ng camera. Icocover ko kasi ang laro nila. Kasama ko pala si Von kaso tulog na naman e. Nandito kami ngayon sa bleachers ng gym.
“Go Joy! Go Ayla! Galingan ninyo!” Nandito din pala sila dan at si Jeff po yung sumigaw. 'Di pa nga nagsisimula ang laro at nagreready pa lang yung mga manlalaro. Makacheer 'tong mga 'to! Wagas! Nakakahiya kaya. Pinagtitinginan kasi kami dito.
“Go Joy! HOOOOOOOO!” sigaw ni Dan.
"ARAY!" sabay na sabi ng dalawang maingay at ako naman ay napangiti dahil buti nga sa kanila. Binato lang naman ng mineral water na may laman ni Von yung dalawang maingay.
“Kapag kayong dalawa ay 'di pa tumahimik! Sisipain ko kayo palabas ng gym!” banta ni Von sa dalawa. Nanahimik na sa isang tabi na parang mga batang napagalitan ng nanay.
Nagsimula na yung laro at nagserve muna ang grupo nila Joy. Sa sports pala ay magkakahalo ng mga estudyante. I mean, sa isang grupo nagcoconsist ng First Year to Fourth Year Highschool. Teka nga, makakuha na nga ng pictures para sa newspaper.
_________________________
DAN's POV:
Nandito kami sa school gym ng tropa namin kaso nanahimik na kami at baka mabato uli kami ng brutal naming kaibigan.
“Jeff bakit nga ba natin kaibigan si Von ulit?” bulong ko kay Jeff at baka marinig pa ako no'n. Mahirap na.
“Manahimik ka na nga at marinig ka pa. Madagdagan pa yang bukol mo,” sagot ni Jeff habang kumukuha ng picture. Nagprisinta kasi na siya na lang kumuha ng picture keysa kay Yilin. Asus. Nagpapapogi points naman 'to.
“Bakit ka nga pala kumukuha ng litrato?” pang-asar na tanong ko.
“Manood ka na nga lang 'tol!” sabi ni Jeff sabay click sa camera.
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...