Secrets Seven

408 9 1
                                    

VON'S POV:

Saturday na ngayon at 12 pm na kaya pa-out na ako sa work ko. And yeah, may work ako. Waitress ako sa isang 5 star hotel restaurant. Paano ako nakapasok? Pakialam ninyo ba?

Anyway nagbibihis na ako ng magvibrate yung cellphone ko. Kailangan kasi naka silent DAW yung phone 'pag nasa work. Tss. Pinindot ko na yung answer button at maghehello na sana ako ng...

[VON!] Nakng! Bunganga talaga nito e! Basag eardrum!

“Leche naman Yilin! Kailangan sumigaw?”

[Ay! Hehehe! Sorry! ] sabi niya, tsh, ano pa nga ba?

“Bakit ka tumawag?”

[Von *insert sweet voice* punta ka naman dito! Nandito kami nila joy sa MOA. Dali na.] sabi nya. Pupunta ba ako? 

“Okay. Wala naman ata akong choice ngayon,” sabi ko na lang.

[YEHEY! Sige wait ka namin dito ha?] linchack na boses yan! Ang ingay!

“Tss. Oo na.” sabay baba ko ng cellphone kasi baka marami na naman sasabihin yan. Aish.

__________________________________________

YILIN’s POV

[Tss. Oo na.] Yehey!

“Ano von!---tooot tooot” Nyemas binabaan na ako.

“Uy ano sabi?” tanong ni Joy.

“Pupunta daw sya! Yehey!” ang saya ko lang. 

“Alam niya ba kung saan nya tayo makikita?” biglang singit ni Glenn.

“Ay oo nga pala,” sagot ko. Patay! Hindi ko nasabi! E teka, binabaan ako e. 

“Hay Yilin! Tawagan mo ulit!” sabi ni Ayla.

“ihh, mamaya na baka magalit e! Yaan mo na magtetext naman yun e,” sabi ko naman.

“E sila Jeff at Dan nasaan na daw?” tanong naman ni Joy. 

“Papunta na din daw,” sabi ko.

“Langya makukumpleto tayo ngayon!” sabi ni Ayla na natatawa pa. 

“Ha? Bakit 'di pa ba kayo nakumpleto pagnamamasyal?” nagtatakang tanong ni Ricky.

“Hindi kasi laging wala si Von e. Hindi mahilig mag gala kasi yun. Laging busy tuwing weekends,” sagot ko sabay pout.

“O talaga? Alam niya ba na nandito kami?” tanong naman ni Carlo.

“Oo nga pala 'di ko din nasabi. Yaan mo na,” sabi ko nalang sabay kamot sa ulo.

Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano habang nakatambay dito sa tapat ng timezone, mga 30 minutes na nagdaan kaso wala pa silang tatlo.

“HOY Yilin wala pa ba sila?” tanong ni Joy. Mainipan yan e. 

“Wait ha tatawagan ko ulit!” sagot ko.

Si Von inuna ko - walang sumasagot.

Sumunod si dan - ganun din wala.

Aba naiinis na ako, pag etong isa 'di pa sinagot 'di na ko magtetext sa kanya pero syempre joke lang. Nag riring na yung cp ni jeff, naka ilang ring pa at ibaba ko na sana nung may sumagot.

Life: Secrets in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon