Secrets Thirteen

194 7 0
                                    

VON's POV: 

Fourth day na ng fair at ito ako ngayon, late na ako pumasok... I mean yung late as in five minutes before twelve noon. Si Spencer kasi ayaw pa lumayas kagabi, dinagdagan pa nila Jeff at Dan na bigla na lang din lumitaw sa inuupahan ko. Tsk. Mga walang magawa sa buhay, puro kuwentuhan na inabot ng alas-onse ng gabi. Kung hindi pa kumatok yung katabing unit ng apartment ko at nagreklamo hindi pa uuwi ang mga kumag.

Kanina pang umaga din nag-tetext sila Yilin, Ayla at Joy sa akin. Nagsasalitan lang ng text e, nagtatanong kung papasok ba ako o hindi. Nagreply naman ako na papasok ako pero malalate lang ng kaunti. Ang balak ko talaga is alas-diyes na ako papasok kaya lang yung idlip ko nag-tuloy-tuloy na at nagising ako ng mag-aalas onse. 

Dumiretso na ako sa may mga foodstalls kasi ang text sa akin ni Jeff ay nasa may mga foodstalls na silang lahat. Nang makarating naman ako doon nakita ko agad sila, nag-aasaran at nagtatawanan, mas naging maayos ang grupo namin nung dumami kami.

Nang makalapit na ako ay naupo ako sa tabi ni Glenn, yun lang ang bakante e. Napatingin naman silang lahat sa akin saka nagtanong sa akin si Ayla, "Bakit ngayon ka lang, Von?" Ang ganda ng bati. Sweet ano?

 Nagkibit balikat lang ako sabay kuha dun sa pagkain ni Jeff at Dan sa harap nila.

“Von! Akin yan e! Bili ka ng iyo!” reklamo ni Dan.

“Oo nga! Bili ka ng iyo!” sabat din ni Jeff.

Binigyan ko lang sila ng tingin na nagsasabi na ‘kasalanan-ninyo-kung-bakit-ako-napuyat-kagabi-gutom-ako-kaya-manahimik-kayo-kung-ayaw-n'yo-na-masaktan look'. Tumigil naman sa pagrereklamo yung dalawa nung nagets nila yung tingin ko, kaya nag-iwas sila ng tingin sa akin. Kaya kinain ko na yung kinuha ko sa kanila. 

”Uy Von, bakit nga ngayon ka lang?” tanong ulit ni Ayla.

“Napahaba lang yung tulog ko kasi may mga palakang maingay kagabi kaya napuyat ako,” sagot ko sa tanong nito sabay tingin kaynila Jeff at Dan. Nginitian naman ako ng mga palaka habang bumubulong-bulong.

“Tatlong palaka? May palaka sa apartment mo?” gulat na tanong ni Yilin.

“Oo. Tsk. Tatlo sila, ang ingay nila kagabi.” Nakatingin pa rin ako sa dalawang kumag sa harap ko. Sila naman, nag-iwas tingin.

“Nag-aalaga ka na ng palaka?” tanong ni Ricky naman. 

“Hindi,” sagot ko.

“Anyway, tara na! Punta na tayo sa booth,” sabat naman ni Joy.

“Tara!” excited na sagot naman ni Yilin habang nakataas pa ng kamay.

“'Di ka din excited 'e no?” sabi ni Carlo.

Life: Secrets in HighschoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon