YILIN's POV:
Second day na ng Foundation Week namin at maaga kami ngayon dahil laban na agad ng boys sa basketball. Papanoorin namin kasi at nandito na uli kami sa gym. Kasama pa rin namin sila Dan at Jeff. Buti talaga 'di pinapagalitan 'to ng teacher nila 'pag aabsent. Pasaway e.
Pinakilala muna ang mga players na maglalaro. Bali 8 groups ang maglalaban at pang-apat ang grupo nila Glenn at Ricky. Nang magsimula na ang laro ay todo cheer ang mga babae sa gym. Ang lalandi ng iba. Ay hindi kami a, kasi cheer talaga kami. Sila kasi 'go ang gwapo gwapo talaga niya'. O diba? Kakainis lang ang peg nila.
“Go Glenn! Go ricky! Ilampaso niyo yang mga kalaban niyo!” sigaw ni Joy. Wagas lang. Marami din nagtilian sa mga nanonood kasi po ang daming gwapo sa may court lalo na sa group ng mga kaibigan namin. Nandoon silang dalawa na juniors at nathan at Justin na parehong seniors. Sa pagkakaalam ko ay crush ng buong highschool girls department ang dalawang senior except kami syempre. Heathrob din sila Glenn at Ricky na rin sa school na 'to.
“Grabe! Ang pogi mo talaga Nathan!” sabi ni Fangirl # 1.
“Justin! Galingan mo! Magiging akin ka rin!” sabi ni Desperada # 1.
“Kyaa! Ang cute ni Glenn!” sabi ni Fangirl # 2. And so on and so forth. Nakakarindi talaga e pero kami na ang may gwapong tropa. Yung mga kasama naman naming mga lalaki ay ang tatahimik. Ay oo nga pala. Kasama sa tahimik si Von. May nakasapak na earphones sa tenga e.
Nagtagal ng mga ilang oras ang laro ng basketball at ang nanalo ay ang Group 1, 7, 3 at 4. Syempre nanalo ang group nila Glenn. Nagkaroon ng 1 hour break muna dahil lahat ng players ay pagod na talaga. Pumunta muna kami sa canteen para bumili ng snacks kaso nakasalubong namin yung mga Fourth Year students na nagbubulungan pero rinig naman.
"Grabe ang gwapo talaga ni Nathan no?"
"Mas gwapo ang baby Justin ko!"
"No ba kayo? Wag nga kayo akin si prince nathan no!"
"Sa akin sya! Pero cute din yung dalawang third year no!"
"Crush ko nga yung nakasalamin."
"Uy gwapo din yung matangkad. Ano nga ulit pangalan no'n?"
"Glenn ata. Grabe! Crush ko na din sila"
Ilan lang yan sa mga narinig namin. Mga kire talaga. "Ang lalandi naman ng mga 'yon!" biglang sabi ni Ayla ng makalayo na kami sa mga 'yon.
“Oo nga! Grabe lang no? Gwapo pala 'yong dalawa,” sabi ni Joy na halata mong nang-aasar.
Binatukan naman ni Ayla si Joy at saka sinabing, "Adik ka ba o bulag lang? Dami ngang naiinggit sa atin dahil tropa natin 'yong dalawang 'yon!"
“Aray ha! Nakakarami ka na a! Asus, nagjojoke lang naman ako. Masyadong defensive much? Nasasaktan ka lang dahil sa fafa Ricky mo.”
“Hindi no, kasi nga kaibigan natin sila.”
“wushuu! If I know,” sabi naman ni Joy habang natatawa pa with matching pang-aasar na ngiti.
“O tama na yan at baka magrambulan na kayong dalawa,” awat ko naman sa dalawa.
“Ang tahimik ninyo atang tatlo?” biglang tanong ni ayla dun sa tatlong lalaking kasama namin. Nanahimik kasi.
“Wala lang. Alangan naman magtititili din kami dito at sabihin namin na, ehem... *insert fangirl voice* kyaaa ang popogi nila, crush ko sila! Akin na lang sila kyaa!” sabi naman ni Jeff at natawa naman kami sa kanya. Baliw din 'tong isang 'to. "Leche! Magsitigil nga kayo sa kakatawa!"
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...
