YILIN's POV
Dumaan na ang maraming gabi at umaga. Haha! Exage lang. Two months na kami magkakasama. Kaming pito. Ang dami ngang naiinggit sa amin lalo na yung mga maaarte naming mga kaklase. Syempre, ang gwapo ba naman ng kasama namin e. Sino bang 'di maiinggit doon? Nakakasama namin sa lahat ng oras pa. HAHAHA! Lagi na nga kaming nagkwekwentuhan at madami na din kaming nalaman tungkol sa kanila.
Sana forever na kaming ganito? Ang saya naman ng maraming frienships! Tulad ng varsity pala ng basketball sa dati nilang school si Glenn. Si carlo naman sa chess at si Ricky sa volleyball. Nakakasama na namin sila sa galaan at nakakausap na nila si Von kahit minsan lang.
At eto na, first quarter exam na at lahat ay nagkukumahog mag-review. Kaming tropa ay tapos na naman mag review kaya petix lang kami. Hindi naman sa pagmamayabang, matatalino kaya kami. Ewan ko lang doon sa tatlong gwapo.
Si Von magaling yan sa English, Math and Science. Naks! Siya na! Bigyan ng jacket! Ako naman sa Mapeh especially sa Art tapos filipino at science din. Si joy naman ay sa Mapeh at Filipino din. Pwede na rin sa Math. Haha. History, TLE at Science naman si Ayla. Lahat ng yan matataas kami.
Nagsimula na ang madugong exams namin. Three days din 'yon. Lahat 'yon puro half day. Friday na at last day na ng exam. Makakahinga na ng maluwag.
After ng last exam na *drum roll please* MATH! And yes yan ang last exam!
“Yes! Tapos na din ang madugong examination days!” sabi naman ni Ayla na nag-uunat-unat pa.
“Naalog ata ng husto ang utak ko dun!” sabi naman ni Joy sabay tawa.
“Na brain freeze ata yung akin!” biro ko naman. Ice cream lang ang peg?
“Tss," sabi naman ni Von. Ano pa bang aasahan ninyo d'yan?
“Uy girls! Musta exam?” biglang tanong ni Glenn.
“Natuyo ata yung mga utak namin!” sabi naman ni Joy habang pinupukpok ang ulo. Sira ulo 'to. HAHAHA!
“Grabe naman yan! Buti may natira pa sa'yo,” pang-aasar naman ni carlo
“Paki mo ba ha TULYA-NO?” balik asar naman ni joy kay Carlo TURIANO, apelyido niya po yan mga kapatid. At ayan na naman sila nag-aasaran.
“Uy musta exams mo Ayla?” tanong naman ni Ricky sa kanya. Oops! Kita ko 'yon! Nagblush si Ayla a. Nice! HAHAHA!
“okay naman,” nauutal na sagot nito. May something talaga.
“Uy yung sa'yo Von musta exam?” tanong ni Glenn. Ha? Tinanong niya si Von? As in? Gosh!
“ok lang,” tipid na sagot ni von na parang may kinakalikot sa cellphone niya. Bakit ganoon sa kanila may nagtatanong sa akin wala! Bitter ako!
Maya-maya lang may nagwawala na kanta.
♫ ♫ ♫ DROP IT DROP IT LOW GIRL.
DROP IT DROP IT LOW GIRL!
DROP! DROP! ♫ ♫ ♫
Cellphone pala ni von yung nagriring. Bigla kasi siyang sumagot na lang e.
”O?” Wow! Makasagot talaga 'to sa phone. Wala man lang hello.
“A okay, yun lang ba?”
BINABASA MO ANG
Life: Secrets in Highschool
Teen Fiction"Lahat ng tao may sekreto. Lahat ng tao may tinatago. Lahat ng iyon may rason. Pero bakit ganoon? Sa bawat sekreto na tinatago mo may kailangan isakripisyo at may masaktan, hindi ba pwedeng wala nang i-let go at wala nang masaktan?" [Book Cover by...