Chapter 16:Foodhunt

58 8 4
                                    

~~~~•~~~~

Nagising ako na may nakalagay sa ulo ko.BIMPO.
Asan na ba ako?bakit may bimpo ako sa ulo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at napansin kong nasa Ampunan ako ng Simbahan.Nilibot ko ang paningin ko ng napansin kong si Basmaster na kahiga sa upuan na kahoy na halata mong di komportable.

Galaw siya ng galaw at nakalabas na ang paa niya sa upuan.Sa madaling salita,Bitin sa kanya ang bangko.

Bumaba ako sa hinihigaan ko at pumunta ako sa kinaroroonan ni badmaster.Nagugutom na ako gusto ko ng pagkain..Kinalabit ko siya pero di siya na titinag.

"Uy!!uy...gising gutom na ako!!!..." Paawa kong sabi.

Mukhang nagising na nga siya kasi gumalaw ang ulo niya.Humarap sa mukha ko ang bagong gising na si badmaster.Ang ganda ng mukha niya pagbagong gising kaso....May MUTA.

"Bangon ka na kuha mo ako ng pagkain...tanggalin mo na rin ang muta mo!"

Tiningnan niya lang ako at hindi sumagot.Tinaggal niya ang muta niya sa mata at lalo lang akong tinitigan.Bigla niyang dinampi ang kamay niya sa noo ko kaya nagulat ako.

"Tsk..Wala ka nang lagnat ..wag ka ka ng magpapagutom pumapangit ka.." Sabi ni mokong.

"Che!maganda ako matagal na!!"

"Oo na maganda ka na Gutom lang yan tara kain na."

Naglabas siya ng kutsara at tinidor kasama na ang plato.
Paano ako kakain wala namang foods..

"Asan yung pagkain??" Tanong ko.

"Tsk..Obviously marunong ba akong magluto?"

Buhay nga naman umasa ka pa na maging mabait yan kahit minsan lang..

"Paasa ka..gutom na ko tapos walang foods..paano magkakaroon ng laman ang tiyan ko kung wala akong kakainin!!!!" Protesta ko.

Bigla naman pumasok ang isang delivery boy na may hawak ng Mcdo foods.

Nagbayad si Badmaster.At inihanda ang foods.Ok getzz ko na!!

"Oy!!!badmaster thank you ah..akala ko kasi..."

"Shhhh..kumain ka nalang..atsaka bakit ba badmaster ang tawag mo sa akin pwede namang POGINGmaster."

Ayan na naman po ang kayabangan niya.Idenedeklara ko po ngayon na pumasok sa inyong mga bahay.Baka tangayin kayo ng bagyo.

"May bagyo ba??" Tanong ko sa kanya.

"Wala bakit?" Sagot niya.

"Ang lakas ata ng hangin ngayon signal no.4 nako ung bahay namin baka tangayin..tsktskk.."

Kumunot ang noo niya.Aba?Hindi ko sinabing magpaapekto siya.

"Kumain ka na nga lang baka agawin ko pa sayo iyan."

"Oo na thank you na!!"

At kumain na nga kami.Nagtataka ba kayo kung bakit may plato kutsara at tindor.You know nanaman Kaartehan ng isa dito.May germs daw kasi ung plastik na kubyertos.Kabaliktaran niya eh mas madumi nga yang ginagamit niyang kutsara kasi ginamit na ng iba.Whaha yaan mo na siya gusto niya yan.

Natapos nga kaming kumain.Hinugasan ko na rin ung mga platong ginamit namin.Aasa nanaman ako...
Asahan mo pang maghugas ang isa diyan..nay wag na maubos pa ang mga pinggan dito.

Nagpaalam na ako sa mga bata pati na rin kay sister.
Uuwi na kami may task pa kaming gagawin ni badmaster.

Papaalis na ako ng may isang batang umiyak.Si ten-ten.

"Ate..aalish ka na po ba??" Umiiyak niyang sabi.

"Oo ten-ten eh uuwi na kami ni kuya badmas--Marco mo."

"Ate sama ako..sigina sama ako!" Pagpupumilit niya.

Naawa ako sa kanya wala na kasing mga magulang si ten-ten.Kung pwede lang matagal ko na siyang inampon pero di ba nga wala rin akong nanay kaya kulang ang requirements.

Iyak lang siya ng iyak ng si Badmaster nagsalita.

"Shhh...stop crying kid..We'll promise..we will be back."

"Pamis" sabi ni ten-ten.

"Promise" sabi naman ni badmaster.

Niyakap nila ang isa't isa at nagpaalam.Para may souvenir pinicturan ko sila.At ayun nga Nagalit ang isa.

By the way,Sumakay na si badmaster ng kotse.At nagpaalam na ako ayoko na sumakay sa bago niya DAW na Porsche car.

"Bye badmaster!!!babye!!" Sabi ko.

Eto nga naman aasa na naman ako,Ako naman si dakilang umaasa..Aasa pa ba akong maggoodbye siya sa akin..HAY!

Naglakad na ako pero napansin kong may sumusunod sa aking kotse.Sino pa ba edi kung sino pa ba ang kilala niyo sa bida ng storyang ito....

BADMASTER

"ANONGKAENGENGANNANAMANIYAN!!" mabilis kong sabi.

"Huh?" Sagot naman nito.

"Oo na papasok na ako yun lang naman ang gusto mo di ba okdie."

Papasok na ako ng kotse niya pero nakalock pala.

"Oy!!nang titrip ka ba?"

"Wala naman kasi akong sinabing pinapapasok kita pero dahil sinabi mo pasok.."

At hinila niya na ako papasok sa Porsche DAW.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta at kanina pa biyahe ng biyahe kami.Dahil kating kati na akong magsalita...lumabas na nga ang kinikimkim ko.char!

"Saan ba tayo papunta??"

"...."

"Baka hanapin na naman ako ni papa!!"

"....."

"HOY!!earth to badmaster!!yow!hellow!!salita naman pow kayo"

"......"

At gigil na gigil na ako.Inagaw ko sa kanya ang manibela.

"FUCK!!Anong ginagawa mo!!!bitiwan mo yan gusto mo na bang mamatay"

"Eh kung ayaw mo naman akong kausapin kung saan tayo pupunta,Edi Go!!!!"

"Fucking!!!!Athena GET OFF!!!"

Pinatigil ni badmaster ang sasakyan.Eh inis na inis na ako sa kanya.Baka kidnap for ransom lang ang gagawin niya sa akin..,NO WAY!!

"Do you wanna die!!then try to kill yourself alone"

"Iuwi mo na lang kasi ako sa amin PLEASE!!!"

"A.YO.KO."

"EDI WAG!!!ibaba mo na lang ako!!"

"Lalong A.YO.KO"

"hay!!ano ba kasing gusto mo!!"

Tumitig siya sa akin.At biglang ngumiti.May meaning ba iyong ngiti niya.Hindi nakakagoodvibes!!

"Well,Gusto kong Magfood hunt ng hindi ko pa natitikman."

Yong totoo!!!iyon lang itinaya  ko na ang buhay ko tapos foodhunt lang pathetic!!.

"Nako nako nako..labas!!" Galit kong sabi.

"Hoy!!gunggong bakit?"

"Diba sabi mo food hunt??Tara!"

Foodhunt daw tingnan lang natin kung kayanin niya ang ipapakain ko sa katulad niyang ubod ng Arte!

Let see...


Xoxo Littlemissshyness ❤❤❤

My badboy princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon