Team song ng 'My badboy Prince' ---> Baby don't cry:exo
Its been a month after ng insidenteng iyon,At kasalukuyang nakakarecover na rin ako sa mga pangyayaring hindi ko lubusang maisip na nangyari pala iyon sa akin dahil sa sobrang bilis nito.
Kasalukuyang naka-leave ako sa school dahil sabi ng doctor mas mabuting ipahinga ko raw ang sarili ko para mas mabilis ang paggaling ko.
Nararanasan ko kasi ang sinasabi nilang 'Mild trauma'.Hindi ko nga rin matandaan na dumaan pala ako sa ganong sitwasyon.Para nga akong nababaliw na di makaalala.
Wala na akong balita pa sa mga magulang ni andrei.Simula ng pagkatapos nilang ilibing si Andrei lumipad na sila papuntang america.
Kay Marco naman,Sinabi niya sa mga magulang ko na naipakulong na si jackson.At kaparehas ko rin siyang nagleave pansamantala sa school.
Pero ang pinagtataka ko ay simula ng magka'mild trauma' ako
Araw araw na lang akong binibisita ni marco at may dalang bulaklak o prutas.Para siyang naihipan ng mabuting hangin. Bumait kasi.
Hindi naman sa masama ang ugali ko,pero sa tingin ko simula ng aksidenteng iyon naging mabait na sa akin si marco.
Parang ang itinuturing kong badmaster ay naging goodmaster na.Pero hindi ko parin masasabi dahil sa hindi ko pa ulit siya nakakasama.
Sa totoo lang,Namimiss ko narin ang kasungitan niya, ang pala-utos niyang bibig at lalong lalo na ang pagiging utusan ko sa kanya.Halos lahat gusto ko na ulit makasama dahil simula nung nagkakilala kami alam kong may malaking pagbabago ang naidulot ko sa kanya.
Problema ko nga lang,Paano kung bumalik nanaman ang trauma ko.Paano kung hindi ko na makayanan na magkaroon pa ng lalaking kaibigan?Makakaya ko pa ba?Eh paano kung magaasawa na ako?Paano?
Ang hirap ng sitwasyon ko,Namatay si Andrei ng dahil sa akin at ayoko na ulit mangyari pa 'yon.
Kaya mas minabuti ko na
hindi namuna ako lalapit sa kanya,Patapos nanaman ang kontrata ko sa kanya kaya mas mabuting umalis na ako agad.
Tama kayo.Simula ng masaksihan ko ang insidenteng iyon kay andrei sa tuwing maylalapit sa aking lalaki ay magpapakabaliw ako sa kakaiyak dahil nasa isip ko na mapapahamak siya ng dahil sa akin.
Sa ngayon nakakarecover na ako dahil sa natututunan ko ng humalubilo sa aking kuya at ama.Natutunan ko na rin sa loob ng isang buwan ang lumapit sa ibang mga lalaki pero natatakot parin ako.
Hindi ko na talaga alam kung babalik pa itong trauma ko.
****
Aliyah's Pov
Nahihirapan ako sa sitwasyon ni Ate aki.Alam kong mahirap itong pinagdadaanan niya dahil puro lalaki ang kaniyang pamilya.
Simula kasi ng maulila siya sa ina siya na ang itinuturing na ina sa kanilang tahanan.
Ako pala si Aliyah Loisaga.Pinsan ko si Ate aki.Pinadala ako ni mama dito dahil nga sa kondisyon ni ate. Nagkaroon kasi siya ng mild trauma na kung saan takot na siyang lumapit pa sa mga lalaki.Nasaksihan niya kasi
ang pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigang na si Andrei at sinisisi niya ang sarili niya dito.Dahil dito sa tuwing maylalapit sa kanyang lalaki ay bigla nalamang siyang maghi-hysterical at iiyak at sinasabi niyang mapapahamak sila paglumapit sa kanya.Naaawa na ako talaga ako sa kondisyon niya dahil nga sa traumang ito.Buti nalang at sa loob ng isang buwan ay medyo nakakarecover narin siya at nakakalapit na siya sa kanyang pamilya.
BINABASA MO ANG
My badboy prince
JugendliteraturStorya ito ng buhay ko kasama ang aking amo.Dilang basta AMO.My evil,gangster,bad and a badboy master.Sa Madaling salita ako ay isang SLAVE ng Amo kong tinaguriang kong Badmaster. At pinapangarap ko na sana dumating ang PRINCE ng buhay ko.Well may d...
