Sorry late update...
Ung pic sa itaas ay si winston
Akala ko noong una kamatayan ko na.Akala ko ako ang nasaksak ng kutsilyo at akala ko rin ako ang masasaktan.Paulit ulit na gumugulo sa utak ko bakit siya pa.Ano bang problema niya at nagpakabayani siya?
Hindi ko matanggap na bakit may ibang tao pa ang nadamay.Ako lang naman ang dapat namasaktan sinalo niya lang.Pero ang masakit kakakilala mo lang sa isang tao pero niligtas ka niya sa iyong kamatayan.
Napaluhod na lang ako at napatulala.Anong ginagawa niya rito?
"Mr.--a..."
"Ayos ka lang ba nasaktan ka ba?"
"Ok lang ako!!!Gag* ka ba?"
"Basta para sayo magpapakagag* ako..."
Umiyak lang ako.Maski kakakilala lang namin feeling ko matagal na kaming magkakilala.
"Hoy!Kayo dito pa kayo magdadramahan.Hindi ito isang pelikula totoo ito!!!"
"T*ngina mo!!!!bakit mo kami pinahihirapan ng ganito!!!!paalisin mo na kami!!!!"
"Ano kayo sineswerte.Hindi kayo makakauwi ng buhay!!!"
Hindi ko na nagawang lumaban ng biglang hinila ako ng isa sa mga dumukot sa amin.Itinali niya ako sa upuan at inilagay si mr.a sa isang kahon.Si marco nakatungo na lang at hindi na gumagalaw.
"Marco!!!!badmaster!!!!gumising ka!!!aalis pa tayo rito!!"
Hindi siya sumagot pero itinaas niya ang ulo niya at tumingin ng masama kay winston.
"Huwag mo silang idamay dito.Ako lang naman ang kailangan mo."
"Aba?tumapang ka ata...sige sinabi mo eh."
Tinanggal ang gapos sa amin pati narin kay mr.a.Patakbo na ako papunta kay marco ng bigla akong itulak nung mga dumukot sa amin.
Wala akong nagawa kundi ang tumabi kay mr.a.
"Huwag kang magaalala matatapos na din ang lahat.."
"Saan mo pa nakukuha ang lakas mong nasasabi ngayon.Maysaksak ka na sa tagiliran mo pano mo nasabing maliligtas at matatapos na ang lahat!!!"
"Tumawag na ako sa mga pulis at mamaya nandito na sila wag kang magalala andito lang ako...aki..."
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Malalaman mo rin pang nakaalis na tayo rito.."
Hindi ko na siya pinansin dahil sa natataranta na ako kung anong pwedeng mangyari kay marco.Pinakawalan nga siya pero nakalibot naman ang sampung mga maskukuladong lalaki na may hawak ng mga tubo.
Puno na ng sugat at bugbog si marco pero nakakaya niya paring maging kalma.Inaamin ko na hindi siya basta basta gangster nga diba?
Pero natatakot parin ako.Paano kung masaktan siya at hindi nakami makauwi.Andami ng pumapasok sa isip ko dulot ng pahamak na iyan.
Ibinaling ko ang tingin ko kay marco.Alam kong nagpapanggap lang siyang di siya nasasaktan dahil bawat suntok sa kanya ay dama ko ang hapdi at kirot na tumatama sa kanya.
"TAMA NA!!!!!!"Sigaw ko.
"Manahimik kang babae ka kung ayaw mong madamay sa gulo!!!"
"Wag niyo na siyang saktan!!!!Ano bang gusto niyo ng matapos na ang gulo!!!!!!"
"Ang gusto ko lang naman ay pagbayaran niya ang mga pagkakamaling ginawa niya!!!"
"Patawarin mo na siya..."
BINABASA MO ANG
My badboy prince
Fiksi RemajaStorya ito ng buhay ko kasama ang aking amo.Dilang basta AMO.My evil,gangster,bad and a badboy master.Sa Madaling salita ako ay isang SLAVE ng Amo kong tinaguriang kong Badmaster. At pinapangarap ko na sana dumating ang PRINCE ng buhay ko.Well may d...
