Her POV
Nakasimangot akong nakadapa sa kama ko. Nabibwiset pa rin ako sa nangyari sa akin. Lagi na lang ako yung mali. Nakakainis kasi yung bruhang anak ng principal namin. Napaka bully kaya ayun binugbog ko. Tapos ano? Ako pa yung makikick out? Bakit hindi niya ikick out yung anak niyang bully?
Napatigil ako sa pagdadrama ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Come in!"I shouted.
Istorbo naman. Tss.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isa sa mga maids namin. "Ma'am, pinapatawag po kayo ni Señorita Joy," sabi nito habang nakayuko.
"Okay. Tell her to wait for a moment,"I said coldly without looking. Lumabas na ang katulong nang nakayuko pa rin. Ewan ko ba napapansin kong ayaw nila kong tingnan sa mata. Di naman ako nananakot.
Pumunta ako sa office niya dito sa bahay. Halos lagi naman 'yun nandoon eh.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako sa biglang bungad ni Tita Joy. "Anna, when are you going to be serious?" bungad na tanong sa'kin ng tita ko habang nakataas ang kilay. Napa-pout tuloy ako. Sermon na naman ang abot ko nito.
"I'm always serious, Tita," I answered back. Si Tita Joy ang tumayong nanay ko simula nang mamatay ang mga magulang ko. But I never felt her love and care. She only cares for herself and our businesses. Her name is Joy but I never saw joy in her eyes. Bakit ganun? Mali ata ang nabigay na pangalan sa kanya. Natawa ako sa naisip ko. Kumunot ang noo ni Tita kaya itinikom ko na lamang ang bibig ko.
"Seryoso? Seryoso ba ang laging nakikick out? My gosh! I don't know what should I do to you. Naku! Please lang, Anna," tanong niya with matching taas kilay. Nakahawak pa siya sa sentido niya.
Grabe si Tita. Sarap sapakin! Kidding!
"Tita naman eh! It's their fault why I'm hurting them. I'm not the one who starting the fights but I'm always ending up being expelled. I'm just protecting myself anyway," I said with full of confidence. Totoo naman kasi eh binubully nila ko.
"Tita, can I just go na lang sa Korea and continue my studies there?" I said sweetly. I'm hoping that she'll agree even though I already know the answer.
"NO! Dito ka pa rin sa Pinas mag-aaral. You're such a spoiled brat ever since but now I won't tolerate that kind of attitude. Pack your things now. Today, you are going to study in Beausome Academy," sabi niya. Halatang nagpipigil lang ng galit si Tita. Well, I don't care kung magalit siya.
"But--"
"No buts. Get out of here now and pack your things. You are going to be late. I have to go. Good luck to your new school," she said without looking at me. Tss.
Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.
What the fuck?! Am I not allowed to take some rest? Kakagaling ko nga lang sa dating school ko kanina eh tapos pupunta naman ako sa bago kong school.
Base sa mga naririnig ko, ang school na yun ay para sa mga gangsters, mafia, and assasins.
Why the hell did my Tita transfer me in that kind of school? Well, I'm not afraid.
Aish! She's really annoying. Maybe she has plans.
--
~Beausome Academy~
I'm already here. I can say that this school is quite amazing. I think this school is 10 times bigger than my former school. I never expected that this will be this beautiful. Kadalasan kasi sa mga school for gangsters, mafias, and assassins ay gulo-gulo but this school is different. Kung hindi ko lang alam na kung anong klaseng mga tao ang nag-aaral dito ay aakalain kong normal 'tong school na 'to.
BINABASA MO ANG
I'm Yours And You're Mine
БоевикNo matter happens, no matter where I am or where you are. I'm yours and you're mine. Thank you @zeandates for the book cover