Chapter 3: Friends

470 93 25
                                    

Harry's POV

Para lang akong tangang ngiti ng ngiti. It's already 2am in the morning pero 'di pa rin ako inaantok. Ang saya-saya ko dahil dito na nag-aaral si Ria.

We're childhood bestfriend back then. We seperated when my family decided to live in France. Matagal akong walang balita about sa kanya until naging part ako ng Black Demons at nalaman kong part din ang older brother ni Ria na si Adrian.

Riannelle's POV

Nalulungkot ako ngayon dahil I think may gusto si Harry kay Adria. Matagal ko ng gusto si Harry at nagsimula yun ng makilala ko sya sa France. Nagbakasyon ako last year sa France at doon ko nakilala si Harry. We became friends and dun na nga nadevelop ang feelings ko para sa kanya. Masakit lang para sa'kin na bakit sa bestfriend ko pa siya nagkagusto. Sana lang ay walang gusto si Adria sa kanya. Ayokong mawala ang friendship namin ni Adria.

--------------------------------------------------

Black Demons- rulers of Beausome Academy

Rank no. 1: Alexander

Rank no. 2: Harry

Rank no. 3: Adrian

Rank no. 4: Angeline

Rank no. 5: Cindy

Rank no. 6: Rhyme

Rank no. 7: Leo

Rank no. 8: Georgina

Rank no. 9: Troy

Rank no. 10: Tracy

------------------------------------------

Alexander's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta ako sa training hall ng school. Minsan na lang kasi akong makipaglaban dahil busy ako sa paghahanap sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Papunta na sana ako sa training hall nang makita ko si Elle na nag-iisa sa park ng school.

"Good morning." malamig kong bati sa kanya

Tiningnan niya lang ako tapos tinuon niya ang kanyang sarili sa cellphone niya. Ako na nga ang unang pumansin sa kanya tapos gaganyanin niya lang ako. I'm sure that she's angry to all members of Black Demons except Adrian and Harry.

"I have something to ask." sabi ko na ikinalingon niya

"What is it?" tanong niya habang nakataas ang isa niyang kilay

"Can we be friends?" tanong ko na ikinatawa niya

Kaya ako nakikipagkaibigan sa kanya dahil na rin kay Adrian. Pinakiusapan niya kasi kami na makipagkaibigan kami kay Elle.

"Seriously?" natatawa niyang tanong. Tumango lang ako. "Okay!" nakangiti niyang sagot. Mas lalo nga siyang gumanda nung ngumiti siya eh.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa napagdesisyunan na naming umalis sa park dahil dumarami na rin ang mga estudyante.

"Mauna na 'ko, Alexander. Thank you for your time." pagpapasalamat niya. Tinanguan ko lang siya. Pagkatapos nun ay umalis na siya sa harapan ko.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Harry kaya naman binati ko siya.

"Hey, dude!" bati ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin tapos umalis na siya.

Anong problema non?

Elle's POV

Pagkatapos naming magkwentuhan ni Alexander, dumiretso na 'ko sa bahay ko. Para kumain ng breakfast at maligo. Masarap ngang kakwentuhan si Alexander eh. Hindi siya KJ.

Kasama ko ngayon si Rianne, naglalakad kami ngayon papasok sa room. Habang naglalakad,may biglang tumawag sa pangalan ni Rianne.

"Anne!" boses ng isang kilalang lalake

Paglingon namin nakita ko si Harry at nabigla ako nang yakapin niya si Rianne.

"Anne, I miss you!" sabi ni Harry habang yakap pa rin si Rianne. Ngumiti si Rianne at di pa rin bumibitaw sa yakap.

Magkakilala sila? Kaya pala nalungkot si Rianne sa kwento ko sa kanya about yung sa nangyari sa'min ni Harry kagabi.

Ewan ko ba, bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang yakapin niya si Rianne.

"Ahm mauna na ko ha." paalam ko sa kanila pero parang wala silang narinig dahil 'di man lang sila lumingon o nagsalita

Umalis na lang ako na mabigat ang loob.

"Hi! Good morning!" bati sa'kin ni Leo pero tiningnan ko lang siya

"Sabay na tayo pumasok!" sabi niya ulit pero di ko siya pinansin kaya sumabay na lang siya sa paglalakad

Adrian's POV

Poker face na pumasok si Anna dito sa classroom. Lagi naman siyang nakapoker face pero parang iba ngayon eh. Lumapit na lang ako sa kanya.

"Sis, may problema ka ba?" tanong ko

"Ahahahahahaha!" parehong tumatawa na pumasok sina Harry at Riannelle. Tiningnan ko si sis at nakita kong parang naiinis siya.

"Wala akong problema!" naiinis niyang sagot sabay ub-ob sa table niya

Nagseselos ba 'to?

Tsk! Tsk! Imposible namang magselos 'yan kase kaibigan lang ang turing niya kay Harry eh.

--

Natapos ang klase na nakaub-ob lang sa table niya si Anna. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong tiningnan. Tumatawag si Grandpa kaya mabilis ko itong sinagot.

"Hello, Grandpa!" bati ko kay Grandpa sa kabilang linya

Nakita ko namang napaayos ng upo si Anna. Interisado talaga 'to pag about kay Grandpa.

[Adrian, apo. May announcement ako mamaya sa main field ng school kaya sabihan mo na ang lahat ng students diyan.]paliwanag sa'kin ni Grandpa

"Ah, sige po!" sagot ko bago ko binaba ang tawag

"Ano'ng sabe?" tanong sa'kin ni sis

"May announcement daw mamaya si Grandpa sa main field." sagot ko na ikinakunot ng noo niya

"Si Grandpa ba ang may-ari nitong school?" tanong niya kaya tumango lang ako

Sabay na kaming lumabas at naglakad papuntang canteen. Sinabi ko na lang na sa amin na siya sumabay kumain at pumayag naman siya.

"Elle, alam naming naging masama ang una nating pagkikita kaya sana bigyan mo kami ng second chance. Can we be friends?" tanong ng mga babae kay sis

"Why not!" nakangiting sagot ni Anna.

Wala pala sina Harry at Riannelle dito. Dati naman ay laging sumasabay sa'min si Harry.

Masaya kaming kumain hanggang sa natapos na kami. At nagsabay sabay na kaming pumasok sa room namin. Nasabihan ko na rin ang lahat ng students na pumunta sa main field mamaya.

*****

Please vote and comment.

I'm Yours And You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon