Chapter 22: Drug

131 22 2
                                        


Rhyme's POV

Pagkatapos ng pagkamatay ni Tracy, naging tahimik ang buong Beausome Academy. Kahit ako ay hindi inaakalang maagang magtatapos ang buhay ng best friend naming si Tracy. I can't believe na wala na siya. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari sa mga susunod na araw. Lahat naman kami ay marunong lumaban pero paano ang iba na di gaano bihasa. Ang iba sa amin ay member ng mafia at ang iba ay gangsters. Meron ding mga assassins pero konti lang.

First, me and Cindy almost got killed. Second, Angeline got kidnapped and until now we can't still save her. And now, Tracy died. Ang pinaka nakakagalit ay iisang organization lang ang may gawa ng lahat ng 'yon. We don't have any clue why they're doing those things.

"Attention to everyone! Please come to the gym at exactly 9:00 am."nabaling ang atensyon ko sa paulit-ulit na mga salitang nagmumula sa malaking speaker malapit sa aking kinatatayuan

Si Master Elle siguro ang nagpapapunta sa amin sa gym.

---

Nandito na ang lahat sa gym maliban kina Master Elle, Rance, and Alexander. Sila nga pala ang pinakamataas sa Beausome Academy. Walang idea ang lahat kung ano ang nais nilang sabihin. Pero kung anuman man 'yon, sana makakabuti sa lahat ang sasabihin nila.

Ilang minuto lamang ay natatanaw ko na silang tatlo na seryosong nag-uusap habang papasok sa entrance ng gym. Nakakatakot ang aurang nakabalot sa kanilang tatlo. Kaya naman walang nagbabalak lumikha ng kahit anong ingay. Kahit paghinga ay pinipigilan na rin nila.

Nang makarating na sila dito sa stage, inabutan sila ng tig-iisang microphone. Umupo na sila sa tatlong upuang nakalagay sa gitna ng stage. Nakita ko silang bumuntong hininga. Sa tingin ko, nahihirapan sila sa mga nangyayari ngayon.

"I'm sure all of you are conscious to know the reason why I called all of you to come here. I believe aware kayo sa mga nangyayari. We are worried about what things might happen next time. Please listen to what Mr. Lee and Mr. Park will say."seryosong sabi ni Master Elle. Bigla namang nabaling ang atensyon ng lahat kay Rance na ngayon ay nakatayo na.

"Because of what happened, we decided na higpitan ang security ng Beausome Academy. For the meantime, no one is allowed to get out from here. Ang makitang tumakas ay mapaparusahan. Don't you dare to escape. You might die." may pagbabantang sabi ni Rance. Umupo na siya at si Alexander naman ang tumayo.

"One more thing...starting tomorrow everyone should join the special training. Just look at the announcement board to know kung anong time ka kabilang sa special training. You'll do it for your own sake so don't you dare to complain."sabi ni Alexander. Kita sa mukha ng mga students na gusto nilang magreklamo pero ano nga ba ang magagawa nila.

"That's all. Go back to your respective rooms now."utos ni Master Elle. Mabilis naman na nagsitayuan ang mga students at nag-unahang magsilabasan. Lumapit naman kami sa kinatatayuan nilang tatlo.

"What's with those announcements? You didn't even discuss those to us."galit na tanong ni Adrian sa kanila

Well, I somehow agree with those announcements. They are good leaders for me.

"Sorry for not letting you know. Nagulat lang din kami ni Rance nang ipatawag kami ni Elle."sagot ni Alexander

"Don't be mad to us. Besides, the three of us are the leaders of Beausome Academy so we don't need to report our actions to you, guys. Please fucking understand us."cold na sabi ni Rance

"Where's Elle?"Riannelle asked

Natigilan kami sa tanong niya. Lumingon kami sa kaninang pwesto ni Master Elle pero wala na siya doon. We started to look out for her. There, we saw someone lying on the floor at the entrance of the gym. Lumapit kaming lahat doon at nakumpirma naming si Master Elle 'yon. Namumutla siya at walang malay. Agad naman siyang nilapitan nina Rance, Alexander, at Ivan. Nag-agawan pa sila kung sino ang magbubuhat sa kanya. Pero si Rance ang nagwaging magbuhat sa kanya papunta sa clinic.

I'm Yours And You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon