Chapter 14: Date

292 46 2
                                    


Elle's POV

After kong magshopping, pumunta muna ako sa paborito kong restaurant.

"Ma'am Elle, what's your order?" tanong ng waitress

"As usual." sagot ko

Nga pala, kami ang may-ari ng mall na 'to. Habang naghihintay, may lumapit sa akin isang babae na naka-mask at nakasuot pa ng cap.

"Here." sabi niya at may inabot na envelope pero di ko yun kinuha kaya inilapag niya na lang sa table. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"What's this for?" tanong ko at hindi pa rin ginagalaw ang envelope. Nginisian niya lang ako at umalis na.

"Ano kayang meron dito?" tanong ko sa sarili ko at kinuha ang envelope sa table. Binuksan ko at may sulat na nakapaloob rito.

To: Elle

Hello, it's me! Want to meet me? Oh by the way, I'm the one and only your Ms. Killer.

Meet me in ******** Street Old Building at exactly 10:00 PM tonight.

From:Ms. Killer

Ewan ko ba pero agad akong nanigas sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang sulat na iyon. Babae ang gustong pumatay sa'kin? Sino naman ang babaeng 'yon?

"Ma'am, are you okay?" tanong ng waitress at dala na niya yung order ko

"Yeah, I'm okay. Just take my order. I lost my appetite." sabi ko at inabot sa kanya yung bayad ko

"Thank you po, Ma'am." pagpapasalamat niya at nagbow sa'kin

Lumabas na ako ng restaurant at dumiretso sa parking lot kung saan naroroon ang aking motor. Agad ko 'tong pinaandar para makapunta sa Beausome Academy. Pagkababa ko sa motor, naglakad ako papunta sa bahay ko. Hindi pa man ako nakakarating sa bahay ko ay huminto na ako sa paglalakad. Napahinto ako sa isang bakanteng room dahil may narinig akong boses ng babae na sa tingin ko ay may kausap sa cellphone.

"I'm telling you, keep your eyes on her...You know that she's strong and she can found out that you're following her...Baka mapatay tayo ni Master, pag nabigo natin siya." boses ng isang babae. Unti-unti kong binuksan ang pinto at nalaman kong si Jennifer pala ang babaeng nasa loob ng bakanteng kwarto.

Naiisip kong baka ang master na itinutukoy ng babaeng humarang sa amin noon at ang master na binanggit ni Jen ay iisa.

"E-elle? K-kanina ka pa d-dyan?" nauutal niyang tanong

"Hehe. Hindi naman. Kararating ko lang. Bakit?" pagsisinungaling ko

"Ah-eh w-wala naman. S-sige, mauna n-na ako." sabi niya at nagmadaling umalis

What's with her? Weird.

--

It's already 8:00 pm and until now I don't know kung pupunta ako sa lugar na nakasulat sa letter. What if may masamang gawin sa'kin yung taong 'yon? Aaaaargh! I really can't decide. Fine. I'll go alone. Nagsuot ako ng loose shirt and pants with matching converse shoes. Nagsuot din ako ng cap.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot, may naririnig akong yabag ng mga paa palapit sa akin. Pag lingon ko--

"What are you doing here? It's dangerous for a girl to go outside in this hour." tanong ni Rance habang nakakunot noong nakatingin sa akin

I'm Yours And You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon