Chapter 13: Elle and Rance

283 62 5
                                    


Elle's POV

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto.

Bakit ako nandito? For I know, I'm not here before ako nawalan ng malay . Tiningnan ko ang sarili ko at pinakiramdaman ko kung may nagbago o may masakit sa katawan ko. Pero wala eh. Mukhang wala namang ginawang masama sa'kin yung taong nagtakip sa bibig ko eh. Tumayo na ako sa kama ko at ginawa ang aking morning rituals. After 1 hour, lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba sa hagdanan. Habang papalapit ako sa dining room ng bahay ko, may mga naririnig akong nagsasalita.

"Uy!Antagal naman magluto ni Rance." naiinis na sabi ni Marielle. Tss Hindi talaga 'to patience.

"Huwag ka na ngang magreklamo. Ikaw kaya magluto dun eh 'no." bara ni Riannelle kay Marielle. She just rolled her eyes.

"Bakit kaya di pa rin gumigising si Elle?" tanong ni Alex sa kanila

"Wag mo kaming tanungin kasi kahit kami di namin alam 'no." sagot ni Harry

"Oh! Sino pupunta sa kwarto ni Elle para ibigay sa kanya 'to?" tanong ni Adrian habang hawak ang tray na may mga pagkain.

Hindi ko na hinintay na may sumagot pa at dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko para magpanggap na tulog.

Rance's POV

Hayz. Kapagod magluto tapos ako pa ang napag-utusang dalhin ang pagkain kay Elle. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto niya at isinarado ito. Nakita ko nakataklob siya ng kumot kaya inilapag ko muna ang tray sa table malapit sa kama niya. Umupo ako sa kama niya at hinawakan ang kumot na nakataklob sa kanya. Aalisin ko na sana ang kumot nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko kaya mabilis kong hinawakan ang kamay ng taong iyon at ipinahiga siya sa kama. Doon ko na-realize na si Elle pala ang taong iyon at sobrang lapit na ng mukha ko sa kanya. Kita ang gulat sa mukha niya. Unti-unting lumalapit ang labi ko sa labi niya nang biglang bumukas ang pinto niya.

"Rance, naiwan mo tong tub---" hindi na natuloy ni Adrian ang sasabihin niya dahil sa gulat

Tiningnan ko kung ano ang posisyon namin ni Elle. Shit! Nakakahiya! Nakapatong na pala ako kay Elle. Agad-agad kaming umayos ng upo ni Elle at nag iwasan ng tingin.

"Rance, mag-usap tayo mamaya." sabi ni Adrian kaya tumango na lang ako

Elle's POV

Aish. Nakakahiya talaga yung nangyari sa'min ni Rance. Akala ko kasi si Harry 'yon kaya gugulatin ko sana kaso si Rance pala yun.

Nandito ako ngayon sa park, naglalaro ako ng favorite game ko sa phone ko. May biglang nagtakip sa mga mata ko at napangiti ako nang makilala ko ang taong nagtakip sa mga mata ko. Amoy pa lang kilala ko na kung sino eh.

"Alex?"

Tinanggal niya na ang kanyang mga kamay sa mga mata ko at umupo sa tabi ko.

"Elle." tawag niya sa pangalan ko at binigyan ako ng boquet of red roses with chocolate. Hmm, how sweet!

"Waaaah! Thank you, Alex!" pagpapasalamat ko at dahil sa tuwa ay napayakap ako sa kanya

"Ehem ehem! Alexander, pinapatawag ka ng principal." sabi ni Harry kay Alexander

"Ah sige. Elle, alis muna ako ah." paalam ni Alex

"Ria, matagal-tagal na tayong di nag-uusap ah. Mukhang kinalimutan mo na ako." malungkot na sabi ni Harry

"Harry, busy lang ako 'no. Tsaka hinding-hindi kita makakalimutan dahil bestfriend ata kita 'no."

"But hindi ba pwedeng maging more than best friend?" hinawakan niya ang kamay ko habang sinasabi ang mga linyang 'yan

I'm Yours And You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon