Chapter 19: Angeline

141 24 0
                                    

Angeline's POV

Papasok na sana ako sa room nila Cindy dito sa hospital ngunit hindi ko na itinuloy ang pagpasok ko dahil narinig ko ang boses ni Leo. Sumilip ako at nakitang siya lamang ang nandoon maliban kina Cindy at Rhyme na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng malay.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng inis nang makita kong hawakan ni Leo ang kamay ni Cindy.

"Cin, this is Leo. Kailan mo bang balak gumising dyan? Miss ka na namin."malungkot pang sabi ni Leo kasabay ng pagpatak ng kanyang luha. Biglang kumirot ang puso ko sa nasaksihan ko. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at umalis na sa hospital.

How can he do that? I thought he likes me but it seems that she's into Cindy. Actually, I don't really like Cindy even in our first meeting. Mas lalo pang nadagdagan ang inis na nararamdaman ko sa kanya nang makita ko si Leo na hinawakan ang kanyang kamay.

Ganito ba ang pakiramdam ng pinaasa? Is this what you called brokenhearted. I never had this feeling before kaya hindi ko alam. Now, I know the feeling. Sobrang sakit pala.

Hindi ko namalayang dinala na pala ako ng aking mga paa sa isang bar. Kung gayon, kanina pa pala ako naglalakad.

Umupo ako sa bar counter at nilibot ang aking paningin. Madami na ring tao rito kahit di pa naman malalim ang gabi.

"Good evening, Miss. What do you want to drink?" tanong sa akin ng bartender

"Just give me a glass of juice."sagot ko. Agad naman iyon ibinigay ng bartender sa akin.

"Hey! It seems that you have a problem. Wanna share it with me?"tanong ng isang babae na agad umupo sa katabing upuan ko. Tss. Sino ba 'tong babae na to? Feeling close eh.

"Sorry but I think we're not that close so get lost." mataray na sabi ko sabay irap. Natawa na lamang siya sa pakikitungo ko sa kanya.

"Excuse me? Will you please give us Johnnie Walker Black?" utos ng babaeng katabi ko sa bartender

"By the way, I'm Ashley. I just came here from Italy and I don't know anyone here so I want to make friends. It's nice to meet you." napaharap ako sa kanya nang magpakilala na siya. Mukha naman siyang nice.

"I'm Angeline. It's nice to meet you too."pagpapakila ko

Since I think mapagkakatiwalaan naman siya ay ikinuwento ko sa kanya ang problema ko habang umiinom kami ng alak. Medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo pero hindi ko ito pinansin at tuloy pa rin ako sa pakikipagkwentuhan. Tutok na tutok din siya sa mga kwento ko.

Nakakatuwang isipin na may taong handang makinig sa mga kwento ko samantalang wala naman siyang ideas kung sino ang mga tinutukoy ko.

Ramdam ko na lasing na ako. Nawiweirduhan na rin ako sa mga tanong niya. She keeps on asking about my friends but I still give her my answers. Nahahalata ko na rin na parang ako lang ang nalalasing sa aming dalawa.

*Kriiing! Kriiing!

Leo calling...

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Sasagutin ko na sana ang tawag nang biglang agawin ni Ashley ang phone ko mula sa akin.

"What are you doing?!" napalakas kong tanong sa kanya. Nagulat naman siya sa pagsigaw ko. Ngunit bigla itong ngumiti na para bang isa siyang demonyo.

"You don't really have any idea. Such a fool. Thank you for the informations you just gave to me. Those will help us a lot." dinig kong sabi niya bago ako nawalan ng malay

I'm Yours And You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon