Marielle's POVNandito ako ngayon sa loob ng dorm ko at nakaupo sa kama ko. Walang emosyon kong tiningnan ang sarili ko sa salaming hawak ko. I really changed a lot. Hindi lang itsura ang nagbago sa akin pati na rin ang ugali.
I know na maraming nagdududa sa akin. I can't blame them.
Ginagawa ko lang naman lahat ng 'yon para sa mga kaibigan ko at kay Adrian. Maiintindihan rin nila ako balang araw.
Inalala yung oras na nakipaghiwalay ako kay Adrian one year ago.
*flashback*
Nakipagkita ako sa kanya sa park.
"Ayoko na! Itigil na natin 'tong relasyon natin!" sigaw ko kay Adrian
"Itigil? Are you crazy, Rie? Wala namang dahilan para maghiwalay tayo."tatawa-tawa niyang sabi
"Meron Adrian. I don't love you anymore. I love someone else."
"Tch. I don't believing you."I know na nasasaktan siya deep inside but itinatago niya 'yon.
"Kung ayaw mong maniwala, it's your choice. I'm leaving for New York tomorrow. I hope you'll meet someone na deserving para sa'yo." I said as I ran as fast as I can. I don't want to stay pa dahil baka bawiin ko lang lahat ng sinabi ko. I left him alone in the park.
Mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero kailangan ko siyang iwan. Who is the reason? It's his best friend. It's Rance.
*end of flashback*
Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Ayokong malaman niya na si Rance ang dahilan ng pakikipaghiwalay ko with him. They are bestfriends and ayokong ako ang maging dahilan ng pagkasira ng friendship nila.
Bakit ba ako umiiyak? It's already in the past and besides kami na ulit. But I miss the times na marami kaming oras sa isa't isa at wala kaming sikretong tinatago.
Nagmadali akong lumabas ng dorm ko. Di pa naman ako late pero gusto ko nang lumabas para maglakad-lakad. Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko si Adrian na nakasandal sa pader at may hawak na bulaklak. Ang gwapo niya talaga tapos cool pa.
BINABASA MO ANG
I'm Yours And You're Mine
ActionNo matter happens, no matter where I am or where you are. I'm yours and you're mine. Thank you @zeandates for the book cover