Chapter 2 ♛

57.4K 1.6K 174
                                    

"Pero ma nakita ko talaga meron multo!"

"Ewan ko sayo Miru, kumain ka na lang dahil gutom lang yan."

"Pero mameaswiasmkdnasj..." ay tokwa naman oh. "Gutom nga lang yan kain na lang kase!"

Nginuya ko ang pag kain na isinubo niya saakin at halos mabulunan ako sa pinakain niya.

"Grabe ma papatayin mo ba ako nakita mo nang nag sasalita ako tapos sinupalpal mo pa yung ganung karaming kanin! Aba naman ma bat wala ulam!"

"Yung totoo anong pinag lalaban mo?" tanong nito. "Maganda ako?" patanong na sagot ko. "Ewan ko sayo nabagok yata ang ulo mo kanina eh."

Kasulukuyan akong lumalamon ng biglang...

"Oh baka epekto yan nung gwapong kasama mo kanina kaya lutang ka! Ayiee!" sabi nito at napabuga na lang ako. "Wow anak konting manners lang ha! Ganda mo wala kang manners."

"Eh ma nag mura ka ba naman, sinong di mabibigla!" sabay inom ng tubig. "Ako nag mura? Aba'y di ako tindera anak ko! Tsk tsk lutang ka nga ng dahil kay pogi" sabi ulit nito at nabuga ko ang tubig na iniinom ko. "Oy anak ko nakakadalawa kana ha!" bawal nito.

"Ma tigilan mo na kase kaka banggit sa lalakeng yon!"

"Eh bakit ba? Kinikilig ka no! Ayiee aminin!"

"Yuck mandiri ka nga! Si Mirko ang gusto ko no."

"Tss mas gwapo yung kanina, walang panama yung pa-cool na kulot na yon."

"Oy ma ah sumosobra kana, aba grabe hair style niya lang yun di natural yon tska ang cool kaya talaga ni Mirko! Wah kinikilig ako!"

"Ay ewan ko sayo kumain kana at mag linis, pang bihirang bata oh nag kalat pa!"

Natapos akong kumain at talagang pinag linis niya nga ako at take note inabuso pa niya, nag hugas na nga ako ng plato aba nag walis at mop pa ako, eto pa pinalinis ba naman ang buong dining room.

Pag akyat ko ng kwarto ay nahiga na ako. Grabeng dinner yun ah kapagod parang wala din akong kinain. Napatingin ako sa bintana, woah nakaka kaba! Pero impossible naman yun diba! Diba! Oo na lang Miru! Ang galing talaga ni mama, nakalimutan ko to ng dahil sa kanya.

"MA!"

"OH BAKIT NA NAMAN?"

"WALA LANG GOOD NIGHT PO!"

"OSIGE GOOD NIGHT DIN!"

Oh ha sarap ng good night namin pang long distance relationship. Pag ka tapos ng sigawan namin ay nag hilamos nako at nag toothbrush. Sa pag kaka alam ko wala naman kaming activity na pina uwi ngayon eh, so gora na sa bed.

"Miru anak gising na..."

"5 minutes po!"

"Kanina pa yang 5 minutes na yan ah parang nakakahalata nako!" reklamo nito.

"Last nalang," sagot ko.

"Okay..." sabi nito at wala na akong narinig kung hindi katahimikan. Matagal na katahimikan, pero napa tayo nalang ako ng bigla akong buhusan ng malamig na tubig.

"Mama naman!" reklamo ko. "5 minutes pa?" tanong nito.

"Tss di na po!" sagot ko at tumayo na ako para maligo. Agad kong ginawa ang gawain ko sa banyo at pagkatapos ay nag bihis na. Pumunta ako sa mirror ko kung saan ako nag aayos ng mukha at kasalukuyan na akong nag susuklay ng mapatingin ako sa blonde kong buhok.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon