Chapter 59 ♛

12.2K 522 16
                                    


Tulala ako habang naka babad sa bathtub. Hindi ko kayang tumayo at harapin silang dalawa.

Sobrang sama ko na ba?

Ano bang dapat kong gawin?

Pwede bang huwag na lang mag desisyon?

Huh! Selfish ka talaga Harumi!

Ilang araw na lang birthday na ni Sera...

Babalik na kami sa academy, siguro sa oras na iyon dapat nakapag desisyon na ako.

Nag babad lang ako sa bathtub hanggang sa may kumatok na sa pinto ng banyo.

"Teka lang patapos na!" sigaw ko ng marinig nung kumakatok. Malaki kasi itong banyo baka di marinig.

Naka balot ako ng robe ng lumabas ako ng banyo at nakita na si Care pala ang kumatok. Tahimik lang ako lumabas at pumunta sa walk in closet, dun kami nag bibihis eh.

Sinuot ko na yung dapat kong isuot at agad naman akong inayusan nung maids. Nasanay na din ako sa ginagawa nila since ganyan araw-araw.

"Miru tulungan mo ko!" sigaw ni Aira.

"Huh? Saan?"

"Tara sa arena may i p-practice lang ako dali!!" sabi nito at hinila na ako.

"Teka di pa ako tapos!"

"Mamaya na matagal pa naman yung lunch eh."

Sa sobrang excited niya sa gusto niyang gawin lumipad pa kami. Ang gg naman ni Aira anong bang meron?

"Ano bang ippractice mo?" tanong ko at ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ho...hoy! Aira wag mong sabihin yung pag tatanggal ng oxygen yan!" natataranta kong sabi at ngumisi lang siya.

"Aira naman eh!"

"Biro lang! Mag p-perform ka ba sa birthday ni Sera?"

"Yeah, paano mo nalaman?"

"Na feel ko lang, feeler ako eh!" natatawang sagot nito.

"Feeler ka talaga, feeling maganda!" pang aasar ko.

"Hoy maganda ako no!"

"Tss oo nalang, ano bang gagawin mo?"

"Mag p-perform at tutulungan mo ko."

"Eh kung ayaw ko?"

"Miru naman eh! Dali na parang nung air mage ka di kita tinulungan," tignan mo to nakuha pang mangonsensya.

"Oo na sabay na tayo."

"Good! Ganito yan..." simula niya at nag simula na siyang mag explain sa mga ideas niya.

"So in short ang gagawin ko lang ay mag labas ng yelo at ikaw na ang bahala?"

"Oo, malaking factor kasi yung ice. Ang air ko kasi hindi naman nakikita so anong sense right?" sabi nito.

"Sabagay, tara mag practice tayo."

Agad na lumipad si Aira at ako naman ay pumwesto sa baba niya. Hinintay ko ang signal niya bago ako mag simula at nang sumignal na siya agad akong nag hagis ng malalaking yelo diretso papunta sa kanya, mabilis siya gumalaw at pinag babato ng slicer ang mga yelo. Umulaan ito pababa sa akin na parang mga mumunting crystal.

Una palang iyon at na satisfy na ako sa ginawa namin. Para kasing dyamante ang mga ito sa kinang.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon