Chapter 99 ♛

9.6K 349 44
                                    

Third Person's P. O. V.

Dinig na dinig ang pag hingal ni Clare gawa ng pagod. Hindi lang isa o dalawa ang kalaban nila ni River kung hindi sampung wizard na may magkakatulad na mahika. Speed magic, kaya nilang pabilisin ang kanilang sarili at kanilang mga atake.

Kung bilis lang ang paguusapan ay kayang-kaya ni Clare tapatan ang bilis nila ngunit masyadong malakas ang teamwork ng sampung ito at hindi lang iyon masyado din silang marami.

"Punong-puno na ako!" galit na sigaw ni Clare at tinawanan lamang siya ng sampung wizard.

Naka lightning form si Clare upang makapantay sa bilis ng mga ito ngunit hindi naman magamit ni River ang mahika nito dahil maaring si Clare ang matamaan nito sa bilis nila. Hindi rin ito makapag water form gawa ng may mga kumakawalang kuryente kay Clare at sa oras na matamaan siya nito ay mahihirapan itong makatulong sa laban.

Muling umatake ang mga wizards ng sabay-sabay. Hindi alam ni River kung saan ito titingin o sino ang kakalabanin. Halos hindi mo makita ang mga ito sa sobrang bilis ng kanilang pagkilos.

"AHHH!" sigaw ni River ng matamaan ng isang dagger ang kanyang kaliwang paa. Muli itong sumigaw nang may tumarak na naman isa pang dagger sa kanang paa naman nito. Napaluhod sa sakit si River at sinubukan nitong tumayo. Mabilis itong nag water form upang mapatigil at hindi madama ang sugat na kanyang natamo.

"River!" sigaw ni Clare na ngayon ay naka normal na anyo. Alalang naka tingin ito sa kanyang kasintahan.

"Ayos lang ako, ang dapat natin alalahanin ay kung papaano sila matatalo. Sa premonition ni Zero ay sila ang kalaban namin ni Clever at alam mo kung ano ang nagawa nila sa amin." Paliwanag ni River kay Clare.

Pinagmasdan nila ang kanilang mga kalaban na walang sawang umiikot sa kanilang paligid.

"Hinding hindi kayo mananalo sa lakas ng team work namin," sabay-sabay na sambit ng mga wizards.

Doon napagtanto ng dalawa kung ano ang nagkulang sa kanila kaya hindi nila matalo ang mga ito. Pareho nilang iniiwasan ang isa't isa dahil pareho ikapapahamak ng mahika nila ang isa't isa.

"Team work ba kamo," mapanuyong sagot ni River at nginitian ang kasintahan.

"Mukhang minamaliit nila tayo," sambit ni Clare at inilahad ni River ang kamay nito.

Agad na hinawakan ni Clare ang kamay ni River na nag iisang naka normal na anyo.

"Mukhang magagamit pala natin ang bagong technique natin," sabi ni River at agad naman na sumangayon si Clare.

May lumabas na napakalaking lightning barrier sa paligid nila ng sampung wizards at unti-unti itong lumiliit. Hindi maka alis ang mga wizards dahil matatamaan sila ng lightning kapag natamaan sila ng barrier. Wala silang nagawa kung hindi ang umurong hanggang sa palapit na sila nang palapit kila Clare at River.

Itinapat ni Clare at River ang kamay nilang magkahawak sa mga wizards at sabay na sumigaw.

"Unison beam!" Isang lightning at water beam na magkasama. Para itong mabilis na bala na agad pinatamaan ang sampung wizard.

Nawala ang barrier at sabay-sabay na bumagsak ang sampung wizards.

Ang tubig ay mas pinalakas ang mahika ng lightning. The weakness of water is lightning and as they unite, the lightning becomes much stronger.

Magkahawak kamay ang dalawa nang iwanan nila ang mga wizards na sabay-sabay nilang pina bagsak at umalis sa lugar na iyon upang tulungan ang iba pang magicians.

Elemental PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon